Chapter 7

1.2K 42 1
                                    

Chapter 7 : Getting to know each other?

"You look hot with my clothes on."

Nasamid ako, hindi inaasahan ang bigla niyang salita. Ang straightforward, tuloy nabalot ako ng hiya. Hindi pa ito nakuntento, talagang aatakihin ako sa gulat matapos niyang punasan ang baba't labi ko gamit ang tissue.

Napa hugot ako ng malalim na hininga, napa iling sa isip at nag patuloy sa pagkain.

In all fairness, ang sarap ng luto niya. I wonder kung lahat ba silang mag pipinsan magaling sa pagluluto.

"Roku, do you have any allergies?" She asked, abruptly.

"Wala naman.." O baka meron, hindi ko lang alam. "Ikaw?"

"Hmm.. I have, sa cheese." Wow, ang expensive naman ng food allergies niya. "At sa balahibo ng aso.." napa tango ako. At least mayroon akong nalaman sa kanya.

"E, gusto?" tanong ko ulit.

"You." Napa tigil ako, ganun din siya, nalaman ko dahil nawala ang tunog ng kubyertos niya. "I mean, ikaw baka may gusto ka.." Tumagilid ang ulo ko, okay?

Nag kibit balikat ako bago sagutin. "Cookies.." I love it actually, misan kasi tuwing umuuwi si Cyron ay lagi siyang may uwing cookies, nagustuhan ko siya simula nung unang tikim palang.

"What a baby.." Dinig kong bulong niya, napa simangot tuloy ako. Baby daw? Napa iling ako sa isip.

Actually, I have many likes, but I only mentioned my favorite. Everything I like is because of Cyron; he keeps offering me various things to try, and I end up liking them all.

"I love ice cream, especially the strawberry flavor." She answered, and I couldn't help but smile. We're exchanging information about ourselves now, is this getting to know each other? I chuckled inwardly, not bad.

Siya ang nagligpit ng pinagkainan namin ng matapos. Kahit nais kong tumulong ay hindi ko na ginawa, baka maka abala lang ako, hinintay ko nalang siya.

I played with my hands while waiting for her. I was comfortable in the oversized t-shirt she lent me. Medyo ilang ako sa short. Maikli kasi, hanggang kalahati ng hita ko.

Hindi ako sanay, pero nakakahiya namang mag complain. Baka sabihin niya nagrereklamo ako, dapat nga'y magpasalamat pa ako kasi nag pahiram siya.

"Your shoes got wet, for the meantime use my footwear." She said as we were about to leave. I nodded, it wasn't really surprising given how heavy the rain was that day.

Malaki ang tsinelas pero okay naman sa paa. Hahakbang na sana ako ng maalalang maikli ang short ko at hindi ako sanay na lumabas ng ganito ang suot.

Binalot ako ng hiya.

"Ano.." Humarap ako kay Axy, hawak ang dulo ng short. Kumpyansa naman akong maputi ako pero hindi ko talaga kaya..

Natigilan ako ng maramdaman ang pagbalot ng tela paikot sa baywang ko. Nagawa nitong takpan ang likod ng hita ko ngunit hindi ang harap. But it's alright as long as it covers part of my legs.


"Are you good now?" she asked, ang kamay ay naglakbay sa baywang ko.


I felt relieved by what she did. "Salamat, Axy." I smiled at her.

"No problem, Roku. Let's go?"

"Okay."

Naka alalay ang braso niya sa baywang ko, sinasabayan ko lang ang paglalakad niya.

Huminto kami ng maka pasok sa kung saan. Maya maya'y umingay ang paligid, dumami ang presensya ng mga tao.

Mas lalo namang humigpit ang kapit ni Axy sa bewang ko. Nagtaka ako, nasaan ba kami?

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now