Chapter 18

1K 30 6
                                    

Chapter 18 : Girlfriend

Nagising ako ng maramdaman ang sunod sunod na paglapat ng malambot na bagay sa labi ko, maging sa buong mukha ko. Kumibot ang noo ko, nakakakilit ang dala nitong epekto.

"Wake up, sleeping beauty.." Boses iyon ni Axy, bahagya akong napa galaw, "Gising na, love.." Nang muling lumapat ang malambot na bagay sa labi ko, duon lang tuluyang nagising ang diwa ko.

"Ano.." Mahinang usal ko, uminit agad ang mukha ko ng ma-realize na labi niya ang lumapat sa labi ko, maging sa mukha ko.

"Good morning, girlfriend.." Malambing niyang usal, kumalabog na naman ang puso ko, ang labi ko umawang ng husto, samantalang ang mukha ko, uminit sa dala niyang epekto.

Isang lunok ang ginawa ko. "Ano.. magandang umaga.. ano.." Natutuliro ako, malakas pa ang loob ko kagabi dahil sa sitwasyon namin ngunit ngayon tila isa akong nilalang na hindi alam ang sasabihin.

"Ano.." Ginaya niya ang tono ko, para na namang may hinahalukay sa tiyan ko. Every time she did that, it never failed to make my tummy flutter.

"Ano.. g-girlfriend.." Katakot takot na hiya ang bumalot sa pagkatao ko ng marinig ang malalim niyang pagtawa, hinila ko ang comforter at nagtago sa loob 'non.

'Ano ba ito, nakakahiya!'.

"Gosh, love. You're so cute, my so adorable Roku." Buhay na buhay na naman ang puso ko, binabaliw na naman niya, umagang umaga.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa katawan ko, mula sa mabilis na ritmo, naging mahinahon ang puso ko, ang dala niyang epekto, ka'y taimtim.

Nagagawa niyang baliwin ang puso ko, ngunit nagbibigay din siya kapayapaan sa loob ko. Ang dulot ng yakap niya isang malumanay na haplos sa kaibuturan ko.

"Your presence alone is enough to make my heart skip a beat, but hearing you calling me girlfriend makes my heart even crazy.." Naging malambing ang boses ni Axy, napa yuko ako, hindi ko napigilan ang ngiting gumuguhit sa labi ko. "Roku, you don't know how you lifted me from a world of darkness.. and I'm so grateful and happy that I finally have you, my girlfriend."

Lalo akong napa ngiti, ang mukha ko sinakop ng init. Ang mga salita niya, nagbigay diliryo na naman sa puso ko, tila palaging may tinatakbuhang kung sino sa bilis nito. Just her words alone, everything inside me felt in chaos.

Ibinaba ko ang comforter, naramdman ko agad ang hininga niyang tumatama sa pisnge ko. I lifted my hand, wrapping it around her body, resting my head on her chest and gently smiling.

Namangha ako ng tumugma ang bilis ng tibok ng puso niya sa ritmo ko. "Masaya akong masaya ka, Axy.." I softly said, my smile widening and my embrace tightening. As I greeted her, my heart went wild. "And good morning, girlfriend.." I felt her breath stop, and after a few seconds, she gasped for air.

"Goodness, Roku.." She exclaimed afterward. "You just made my heart race faster than a roller coaster." I bit my lip when her lips touched the top of my head, again and again. "Every moment spent with you feels like a precious gift, never to be taken for granted."

"Ikaw din, Axy.." Pinabibilis mo ang puso ko ng mas higit pa sa kahit na ano. Pina-iikot ikot ang nararamdaman ko, binabaliw ako sa sari-saring epekto. Iyon ang dulot mo, na talagang paborito ng puso ko.

"Can I have my morning kiss now, love?" Napa hiwalay ako, umangat sa kanya ang ulo ko at tila nabingi sa kanyang sinabi.

"Ha—"

I clamped my mouth shut when her lips touched mine. There it was again, her intoxicating effect. It tickled my stomach, made my heart run with excitement, made my whole body feel like it was floating.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now