Chapter 12

1.1K 32 1
                                    

Chapter 12 : Ice Cream Date

"Cyron?" Kusot kusot ang mata, lumabas ako ng silid. Tumigil ako sa paglalakad at sandali pinakiramdaman ang paligid.

Tahimik, isang senyales na naka alis na si Cyron. He mentioned last night that he would go to school early since their festival wasn't over yet. Hindi na ako sumama, baka maalala ko lang ang nangyari kahapon.

Maya maya'y natigilan ako, isang beses kong sinamyo ang hangin. Bakit tila may kakaiba sa amoy? Nahahaluan ng kakaibang pabango, matamis, naka aadik, isang halimuyak na sa isang tao ko lang nalalanghap.

Si Axy, pero imposible namang naririto siya,  I sighed, thinking it was just my half-asleep mind playing tricks on me.

I proceeded to the bathroom to start my morning routine. Hindi pa ako nakapagpalit, suot ko padin ang pantulog, malambot na panjama at puting sando..

Lumabas ako, punas punas ang basang mukha. Siguro kakain na muna ako, Cyron probably prepared breakfast for me; hindi na siguro iyon mawawala, ganun kasi talaga siya, masyadong maalaga.

Napa-tigil na naman ako at nangunot ang noo ng mas lumakas ang pamilyar na amoy. Saan ba 'yon nang gagaling? Ang nakakaliyong halimuyak na'yon hindi makakalimutan ng aking pang amoy.

Lahat sa kanya parang kabisado ko na, isa na dito ang natural niyang bango. Nililinlang ba ako ng pang amoy ko o baka naman—

"Roku— fuck!" Nanlaki ang mata ko.

"A-axy!" Nagmadali akong humarap sa kanya, sa gulat kanina, nasiko ko siya. "Axy.. ano.. a-ayos ka lang ba?" Mas nag alala ako ng marinig ang pag daing niya, bakit naman kasi bigla bigla siyang sumusulpot?

"Fvck, Roku. Did I startle you that much?" Nahihirapan niyang saad.

"O-oo.." Hinawakan ko ang braso niya at iginaya paupo sa kawayang silya. "Paumanhin, kanina ka pa naririto ngunit hindi mo pinapaalam ang presensya mo."

Nalaman ko lang dahil sa pabango niyang kumakalat sa hangin. Akala ko pa naman nililito lang ako ng aking pang amoy. Iyon pala, naririto siya.

"I'm sorry, ang ganda mo kasi.." Saad niya, sandali akong natigilan at maya maya'y nailang. Napa labi nalang ako ng maramdaman ang pagiinit ng aking mukha.

"P-paano ka nga pala.. ano.. naka pasok?" Nakakahiya, sa tuwing pinaaandar niya talaga ang bungangang walang preno palagi nalang akong nawawala sa postura ko.

"Cyron let me in. I came early because I wanted to have breakfast with you..." 

"G-ganun ba?" Mabilis akong tumayo, nag iwas ng maramdaman na naman ang pamumula ko. "Uh.. ano, sige tara, kain na tayo.." Wala sa sarili akong nag tungo sa kusina, napa hawak nalang ako sa dibdib, bakit ba ang lakas na naman ang tibok nito?

"Cute."

Naghanda ako ng dalawang pinggan at kutsara, naka sanayan ko ng gawin 'to, tila naka ukit na sa isip ko ang bawat kanto kaya sa tuwing ginagawa ko ito hindi na ako nalilito. Natural lang naman na mapamilyaran ko ang sariling pamamahay.

"Ano.. bakit ka nga pala naririto, Axy?" I couldn't recall any reason for her sudden visit.

"Ice cream date.. remember?"

"Ha? Ano.. ngayon na?" Maang kong tanong, I thought next weekend pa.

"Yes, Roku.."

Wala sa sarili akong nagpatuloy sa pagkain, hindi panga na aalis ang pagkagulat ko sa biglaan niyang pag sulpot, ito na naman siya. Axy is really something, I can't read her sometimes, she's full of surprise.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now