Untitled Part 5

53 6 1
                                    

Nakaupo lang kami ni Heneral Adriano malakinh ugat ng puno habang inuubos niya ang tatlong itlog na binigay ko sa kanya. Kanina, gusto ko siyang batukan dahil sa ginawa niyang pagbasag ng shell ng itlog sa noo ko pero pansin ko na ang payapa niya nang kumakain kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Iyong ikalawang egg, sa noo ko na naman sana babasagin pero inunahan ko na siya. "Sige, gawin mo. Babasagin ko rin 'yang dalawang itlog mo," banta ko sa kanya. Mukhang kinabahan siya kaya naupo na lang siya sa ugat ng puno at doon kumain. Tumabi naman ako sa kanya. Kinuha ko iyong patpat at nagsulat sa lupa. Doon ko kinompute ang taon.

Kung 1881 ngayon, 143 ang layo ko sa taon ko. Ang mahal naman ng gap.

Agad akong tumayo at iginala ang tingin sa paligid. Dito tumatambay si Ofelia kasama si Enchong. Dito niya rin ako dinala noong gusto niyang magpatulong sa akin. Dito rin ako nalunod. Dito rin sa lupa na 'to nakatayo ang Unibersiad de Monica. Nandito rin ang lihim na sinasabi ni Ofelia.

Siguradong nandito lang din ang sagot.

"Baka tama ka, baka nandito lang si Ofelia," sabi ko kay Heneral Adriano na nag-eenjoy pa sa mga itlog niya. Saglit siyang napatingala sa akin. Iniisip niya siguro kung paano ko nakuha ang sagot na 'yon by just computing the year. Alam ko kasing kanina niya pa tinitingnan ang sinusulat ko sa lupa. "Kaya ka ba nandito noong araw na mawala siya ay dahil dito kayo magkikita?" tanong ko sabay upo sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako saglit at saka tumingin sa paligid. "Kaso hindi siya dumating? Baka papunta na siya rito pero naharang."

"Sino naman ang haharang?" sa wakas, tanong niya. Sobrang tipid niyang kausap. Kaunti na lang, iisipin ko nang may bayad bawat salita niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi kita kilala at si Enchong. P'wede kong isipin na isa sa inyo dahil kayo lang ang nakakaalam na pupunta siya rito nang mga oras na iyon. Pero kung hindi kayo, sino pa ang p'wedeng nakakaalam na pupunta rito si Ofelia?"

Saglit na naghari ang katahimikan. Pareho kaming nahulog sa malalim na pag-iisip. Kung pinakikilala lang sana sa akin ni Heneral Adriano si Ofelia, e 'di sana, madali ko ring mapagkokonek iyong mga tao sa buhay niya. Kaso ang tahimik niya. Kahit marami siyang alam, hindi siya makakatulong sa akin. Siguro kaya ayaw niyang mag-share ay dahil wala pa rin siyang tiwala sa akin. Gano'n din si Enchong. Nakikipagtulungan kami sa isa't-isa pero may alinlangan pa rin.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para mawala iyon. Para maging matibay ang team namin, kailangan namin ng teamwork. Kaso paano ko iyon gagawin? Ugh!

"Kailangan ko nang umalis," paalam niya at saka nagmadaling maglakad papalayo. Naiwan akong nakatunganga lang sa papalayong Heneral Adriano. Lakad-takbo pa siya na parang may hinahabol. May nasabi ba ako na makakatulong sa kasong 'to?

Dahil nagkalat siya ng balat ng itlog, ako na ang pumulot ng mga iyon at nagbaon sa lupa. Sandali! What if nabaon nga si Ofelia sa lupa tulad ng muntik nang mangyari sa aming tatlo?

Mabilis akong napatayo at nagpasyang suyurin ang buong lugar. Baka may hindi pa ako nakikita rito. Nagsimula akong maghanap sa tabing ilog. Tinitingnan kong mabuti ang lupa kung may bakas ba rito ng hukay. Paikot ang ginawa ko. Maging doon sa kalsada, tumingin ako pero napatigil ako nang may karwaheng dumaan sa tabi ko at tumigil sa mismong harapan ko. tiningnan ko muna ang kutsero at baka siya ang nagtulak sa akin noon pero hindi naman pala. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko, makikipag-away ako sa Gonzales na masama ang ugali.

"Monica," tawag ni Donya Benilda na nakasakay ngayon sa magandang karwahe. Tipid siyang ngumiti sa akin. As usual, mugto ang mga mata niya. Hindi niya iyon maitatago sa kahit na anong kolorete sa mukha. Saan kaya siya pupunta? Paalis kasi ng Las Casas ang karwahe niya.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now