Untitled Part 12

39 6 1
                                    

Alas-tres ng umaga, naglalakad kami ni Vida papunta sa pamilihang bayan. Napag-usapan din namin na maghiwalay pagdating doon upang mas mapabilis ang pagbabalik namin sa karenderya gayong marami raw ang lulutuin ngayon dahil mas dumarami ang costumer ni Aling Naning.

Ayoko sanang humiwalay kay Vida kaso pansin ko na seryoso siya. Normal lang ba kung magrereklamo ako dahil sa dami ng costumer? Alam kong dagdag kita rin 'yan pero nakakapagod kasi. 'Tsaka natatakot akong mahiwalay kay Vida dahil naaalala ko ang sinabi ni Manang Esme kagabi. Na nilalapitan ng mga engkanto ang mga taong nag-iisa.

Kaya pala noong naghiwalay kami ni Heneral Adriano para hanapin si Ofelia, saka lang lumapit si Atticus.

"Ako ang bibili ng karne, ikaw sa isda," tugon ni Vida habang inaabot sa akin ang pera pambili. "Bibili ka rin ng ilang sangkap. Ako na ang bahala sa mga pang-sahog," dagdag pa niya. Tumango lang ako habang tinitingnan ang paligid namin. Maraming tao kahit madilim pa. Ang ilan ay may dalang gasera. Nag-uusap-usap ang iba.

Ngayon lang ako naging komportable sa ingay ng paligid. Pakiramdam ko, ligtas ako kapag maraming tao. Natatakot naman ako kapag mag-isa lang ako. Halos hindi nga ako makatulog kagabi dahil baka may naninilip na sa labas ng bahay. Pero naalala ko na minamanmanan pa rin ako ni Heneral Adriano. Nagbantay kaya siya buong gabi?

May pakinabang din pala ang pagiging mapagduda niya.

"Bakit tila ika'y natatakot?" medyo natatawang tanong ni Vida ngunit bakas doon ang pag-aalala. "Kung ayaw mo na maghiwalay tayo, sabihin mo lamang."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi naman. Kaya ko 'to! Kinakabahan lang ako kasi unang beses kong mamamalengke nang mag-isa."

Napangiti siya at mabagal na tumango. "Masasanay ka rin. Oh, siya at tayo'y mamalengke na."

Naghiwakay na kami. Unang naglakad palayo si Vida. Hinaid niya pa kasi ako rito sa talipapa para hindi na ako maghanap pa ng bilihan ng karne. Napatingin ako sa maraming taong naghihintay sa babagsak ng mga isda. Nakatalikod ang karamihan sa akin. May ilang tao naman sa bandang likuran ko. Gasuklay ang buwan sa kalangitan pero sapat na iyon para magbigay ng liwanag sa amin dito sa lupa.

"Monica," mahinang sambit ng isang lalaki mula sa aking likuran. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi rin ako makagalaw. Para akong naestatwa sa sobrang takot. Sino 'to? "Nakikipag-ugnayan ka pala sa isang rebelde," bulong niya pa.

Parang may mainit na humaplos sa tiyan ko nang makilala ko na ang boses niya. Tuluyang natunaw 'yong takot ko. Napasapo rin ako sa dibdib ko. Ang lakas pa rin ng kabog dito. Minsan naiisip ko, parang mas okay pa sa akin ang makulong dahil alam kong walang engkanto ang lalapit sa akin doon dahil maraming guardia. Pero pag nasa labas ako, kailangan kong maging alerto palagi.

"Anong kinalaman mo kay Esmeralda?" tanong pa niya. Hindi siya umaalis sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at agad na napaatras nang mapagtantong sobrang lapit niya pala sa likod ko. Nakasoot siya ng dark green na camiso at putting pantalon. Naka-tsinelas lang din siya. May soot din siyang salakot kahit na wala pa namang araw. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat sa kanya dagdag pa na natatakot ako kanina pa. Medyo kunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang paligid namin. "Aking napag-alaman na makikipagkita si Javier sa kanyang dating sinisinta."

Napakunot-noo ako. Pakialam ko do'n? Ay joke lang. "Pati siya, pinaghihinalaan mo?" bulong ko.

Nabaling ang tingin niya sa akin. Parang wala pa 'tong tulog, e. "Lahat, pinaghihinalaan ko."

Biglang lumakas ang ingay ng mga tao kaya napalingon ako sa talipapa. Nag-aagawan na sila sa bagong dating na mga isda. Mabilis akong tumakbo papunta roon para makabili ng malalaking isda. Ang hirap palang makipag-unahan dito. Usually kasi, si Vida ang bumibili rito. Taga-alalay lang ako. Kailangan ko na nga sigurong masanay mag-isa.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now