Untitled Part 26

43 7 1
                                    

Mabagal akong naglalakad pabalik sa hostel. Wala na akong pakialam sa mga nadadaanan kong mga sundalo na abala rin naman sa kanya-kanya nilang pupuntahan. Hindi kasi mawala sa isip ko na darating pala ang panahon na ilalaglag ako ni Boss Adriano.

So kailangan ko agad makaalis oras na maibalik ko rito si Ofelia.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Boss Adriano na palabas ng hostel pero agad siyang natigilan nang makita akong nakatayo rito sa kabila ng kalsada. Ilang sandali pa ay lumapit na siya sa akin.

"Bakit ngayon ka lamang?" mahina at seryosong tanong niya. "Akala ko'y nauna kang makauwi sa akin. Pagdating ko rito, wala ka pa pala." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin? Parang ayokong paniwalaan ang hula ni Norma. "Bakit namumugto ang iyong mga mata? May nangyari ba?"

Umiling ako at saka napayuko. "Nag-aalala lang talaga ang sa mga mangyayari sa mga susunod na araw. Pasok na tayo." Nauna na akong maglakad pero agad niya akong sinundan.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Mabagal kasi akong maglakad. Bigat, e," sabay turo ko sa palda ko. Hindi naman na siya nagsalita pa. Nang makaakyat kami sa second floor ng hostel, nakasalubong namin si Javier na salubong ngayon ang kilay.

"Sinabihan ko na kayong huwag aalis," wika niya. Napayuko na lang ako.

"May kinailangan lamang akong puntahan dahil kinausap ako ng Alferez. Sinama ko na rin si Monica upang makausap niya si Norma," kalmadong sagot ni Boss Adriano.

"Si Norma?" mahinang sambit ni Javier. "Nasaan siya? Alam niya ba kung nasaan si Editha?"

Iginala ko ang tingin sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang walang mga nagtsitsismisan sa paligid. "Kahit pa alam niya, hindi niya pa rin sasabihin," sagot ko sabay tingin kay Boss Adriano na nakatingin na rin pala sa akin. "Wala siyang tiwala sa mga sundalong Kastila."

"Bueno, mag-ayos na tayo. Aalis na tayo, ahora mismo," ani Javier at tumalikod na siya. Agad akong umiwas ng tingin kay Boss Adriano at nagtungo sa likod-bahay bahay para kunin ang sinampay ko.

Pinilit ko naman ang sarili ko na huwag ipahalatang naribig ko ang sinabi ni Norma kay Boss Adriano pero ang bigat talaga ng loob ko ngayon. I've been nice to Boss Adriano. Palagi ko naman siyang sinusunod. Ibabalik ko pa nga rito si Ofelia. Pero bakit niya ako babaliktarin? Kung hindi siya galit sa akin, malamang ay sobrang tapat lang siya sa Espanya na kaya niya akong ipahamak para rito. Pero handa siyang talikuran ang kanyang tungkulin para kay Ofelia.

Okay! Get it! Wala talaga akong halaga sa kanya maliban na lang pagdating sa babaeng sobrang mahal niya. Okay!

"May dinaramdam ka ba, Cher Monica?" mahinang wika ni Javier nang makababa na kami ng karwahe. Nagulat ako at napalingon sa kanya. "Kanina ka pa kasi walang kibo. Hindi ako sanay sa iyong katahimikan."

Pilit akong ngumiti at umiling. "Napagod lang." Sabi ni Javier, maliit lang daw ang bahay nila pero para sa akin, malaki pa rin ito. Jusmiyo! May dalawang palapag din ito. Malawak ang garden at maraming namumulaklak na halaman at ang dami na ring ligaw na halaman. Nakasara ang buong bahay.

"Mabuti pa'y magpahinga ka muna," ani Javier na tinanguan ko lang. May nagbukas ng pinto, isang matandang lalaki na mukhang nasa edad 40. Sinalubong niya kami ng isang ngiti.

"Tamang-tama, Senyor, tapos na po kaming maglinis ng aking anak," sabi no'ng lalaki tapos biglang may babaeng dumating, tumatakbo pa. Agad itong yumuko at binati kami. Nasa first floor pa lang kami pero amoy na amoy ko agad ang pinaglumaang bahay.

"Maraming salamat po, Manong Kiko," nakangiting sagot naman ni Javier. "Kumain na po ba kayo? Sabay-sabay na tayo bago kayo umuwi."

Nagkatinginan iyong dalaga at si Manong Kiko na parang nagulat sila. Pagka'y sabay silang tumango at mukha silang masaya. Kahit papaano ay nawala ang bigat na nararamdaman ko dahil sa mga ngiti nila.

Lost in 19th CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon