Untitled Part 8

34 5 2
                                    

Hindi ako makagalaw. Hinang-hina ang buong katawan ko. Maliban do'n, ramdam ko rin na sobrang init ko. Para akong nasa ilalim ng araw sa isang beach resort. Pero imbis na masaya akong nagtatampisaw sa tubig, nasa seashore lang ako, nakahiga at nakabilad.

"Ma," sambit ko. Hindi ako makagalaw! Iyon na rin ang pinakamalakas kong boses pero parang walang nakakarinig.

"Senyor," rinig kong sabi ng isang lalaki. Pilit akong dumilat kahit na pati mga mata ko, ang init din ng pakiramdam. Balot na balot din ako ng tela. Bakit gano'n? Ang init ng katawan ko pero sobrang lamig din sa pakiramdam? "Tinatawag niya ang kanyang Ina," dugtong pa nito nang may tao na namang dumating. Iyon na yata ang Senyor na tinawag niya.

"Binibining Monica," tawag ng isa na namang lalaki pero matanda version ang boses. "Ako ba'y iyong naririnig?" Ang hina ng boses nila pareho. Ang labo rin nito sa pandinig ko.

Hirap na hirap ako nang idilat ko ang aking mga mata. Nakakasilaw dahil sobrang liwanag ng silid. May nakita akong matandang lalaki na nakatingin sa akin tapos sa katabi niya, may g'wapo namang lalaki. Tipid akong napangiti. "San Pedro?" nanghihinang sambit ko.

Nagkatinginan silang dalawa na parang nagtataka sa sinabi ko. "Nakikilala ka niya," sabi ng matandang lalaki sa kausap niyang g'wapo. So totoo? Nasa langit na ako?

"G'wapo pala si San Pedro," sabi ko at muli na namang nakatulog.

Nagising na naman ako but this time, medyo maayos na ang nararamdaman ko. nagagalaw ko na rin ang mga kamay ko pero nanghihina pa rin ako. Hindi na rin sobrang init ng aking pakiramdam. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nakabukas ang malaking bintana ng silid na gamit ko kaya pumapasok dito ang sinag ng araw na kulay orange na. Hindi ako pamilya sa k'warto.

Ilang sandali pa, nakarinig na ako ng mga boses na galing sa labas ng silid.

"Natutulog pa si Binibining Monica," rinig kong sabi ni Pedro na kinakunot ng noo ko. Bakit siya nandito? At nasaan ako? Kunot-noo kong inalala kung ano ang nagyari bago ako magkamalay rito.

"Bumaba na ba ang kanyang lagnat?" rinig kong tanong ni Javier. Naaalala ko na. Siya ang huli kong kasama bago ako mawalan ng malay sa loob ng karwahe niya. Napahawak ako sa noo ko. Medyo mainit pa ako. Maging ang hininga ko, mainit pa.

"Oo. Ngunit kailangan pa itong bantayan dahil baka magdeliheryo na naman siya," sagot naman ni Pedro. Sandali silang natahimik. "Inakala niyang ako si San Pedro," dugtong ni Pedro na lalong kinakunot ng noo ko. Ano raw? Kailan ko naman inakalang Santo siya?

Bumukas ang pinto at pumasok silang dalawa. Saglit pa silang napatigil sa paglalakad nang makita nila akong nakatingin lang sa kanila.

Tipid na ngumiti sa akin si Pedro. "Tatawagin ko lamang si Senyor Benitez," paalam niya at naiwan na kami ni Javier sa silid.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?" kalmadong tanong ni Javier. Hindi rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Parehong nasa kanyang likuran ang mga kamay niya. Gano'n pa rin ang damit niya, mukhang kanina lang ako nawalan ng malay. "Naabisuhan ko na sina Aling Naning at Mang Carding. Pupunta na sila rito anumang oras."

Muli akong napahawak sa noo ko. Hindi niya na sana sinabi pa. Makakaabala lang ako sa trabaho nila. 'Tsaka hindi naman nila ako responsibilidad. Nakakahiya. "Pasensya na, naabala pa tuloy kita," nahihirapang sabi ko.

"Abala?"

Tumango ako. "Dapat, tapos na tayong mamili ng mga kakailanganin sa silid-aralan ni Agua kaso heto ka, hinatid pa ako sa pagamutan."

Tipid siyang ngumiti at mabagal na umiling. "Hindi ka abala. Baka sobra ka lamang napagod dahil sa mga nilakad natin. Nalaman ko rin kina Aling Naning na hinuli ka pala kahapon ni Heneral Alcantara upang litisin?"

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now