Tatlong Salita

40 2 0
                                    

TATLONG SALITA
(POEM)

Hindi tayo pwede
Tatlong salita ngunit labis ang sakit na pinadama
Salita na sadyang hindi mo kayang i-take
Salitang akala mo salita lang ngunit hindi naman pala








Sabi nila kapag mahal mo kailangan magtake ng risk para malaman kung may pag-asa ba o wala
Paano kung sa una palang talaga ay wala nang pag-asa?
Paano kung sa una palang ay alam mong umasa ka na meron talaga?
Kaya mo pa rin bang gawin kahit wala talaga mula sa simula?








Ang love isa sa mga problema na kailangan ng solusyon
Problema mo na mahal mo siya kaya kailangan mo humanap ng solusyon na may katibayan
Katibayan na magpapatunay na tunay mo siyang mahal
Patunay na sa puntong inisipin mo na rin noon pa man pati ang kasal








Walang masama kung magmamahal ka
Ang problema kung nagmahal ka pero sa taong hindi pwedeng mapunta sayo
Iyong tao na meron nang iba
Iyong tao na kapag kailangan mo ng sandalan ay nasa tabi mo para magbigay ng payo








Masakit marinig na hindi kayo pwede kase meron na siyang iba
Pero mas masakit 'yung tipong nahulog ka pero hindi ka nasalo
'Yung tipong nagmahal ka lang naman pero ikaw yung talo
Talo kasi sa umpisa palang wala na talaga








Akala mo panalo na pero hindi pala dahil talo ka
Akala mo magiging kayo pero hindi pala kasi may iba siya
Akala mo may pag-asa pero wala talaga kasi meron nang ibang nagpapasaya sa kanya
Akala mo makakatuluyan mo pero sa isip mo lang pala







Alam mo 'yon, yung tipong nagmahal ka lang naman pero sa maling tao pa
Pinagtagpo kayo pero hindi naman pala itinadhana
Natuto kang mahalin siya pero siya hindi kasi meron siyang ibang mahal
Mahal niya na inisip na niyang magiging matagal







Mahirap. Masakit. Nakakapanlumo pero wala kang magawa
Wala ka naman kasi talagang magagawa kung hindi ang panoorin ang masasaya nilang araw
Masakit lang kasi 'yung babaeng mahal niya ang ginawa niyang araw
Araw na nagpaliwanag ng buhay niya kahit na nanja'n ka sa panahong madilim ang buhay niya








Kaya mong magmove on pero hindi mo magawa kasi napangungunahan ka ng emosyon mo
Kaya mo pero hindi mo magawa kasi siya na ang ginawa mong mundo
Na kahit nakikita mo siyang masaya sa piling ng iba kinakaya mo para sa iniingatan niyong relasyon
Relasyon na hindi na lalampas pa sa pagkakaibigan

POEMS And POETRYWhere stories live. Discover now