SINALO PERO AKO ANG NASAKTAN

72 3 0
                                    

SINALO PERO AKO ANG NASAKTAN
(SPOKEN POETRY)

Alam mo yung pakiramdam na sinalo kita pero ako yung nasaktan?
Alam mo yun pakiramdam na iningatan kita pero ako hindi mo iningatan?
Alam mo yung pakiramdam na masakit na nga pero lalo mo pang dinagdagan?
Alam mo yung pakiramdam na pinaasa mo ko na tayo ay nagmamahalan?

Sinalo kita ng buong-buo pero nung ayaw mo na saka mo ko iniwan
Iniwan mo ko sa ere na para bang hindi kita pinahalagahan
Iniwan mo ko dahil lang sa isang dahilan na kay hirap tanggapin
Bakit nga ba iniwan mo ko para ang wumasak sayo ay iyong balikan?

Mawawasak ka, bubuohin ko at muling mawawasak pero pilit kong bubuohin
Kasi ganon kita kamahal, pero hindi ganoon ang tingin mo sa akin
Gusto kitang iwan para maramdaman mo ang pakiramdam ng maiwan
Pero nakalimutan kong isang beses mo na kong iniwan para balikan ang noon mo ay kasintahan

POEMS And POETRYWhere stories live. Discover now