DUN PA RIN PALA

183 6 2
                                    

DUN PA RIN PALA...
(SPOKEN POETRY)

Nagsimula tayo sa salitang kaibigan
Na lagi kong kasama kahit saan
Madalas na dinadamayan sa lahat ng bagay
Kahit na maraming nagsasabi na hindi tayo bagay

Sobrang saya ko kapag nakakasalubong kita
Lalo na kapag nakakausap kita
Halos lahat na sila ay nakatingin
Pero ngumiti lang ako at hindi ko pinapansin

Oo, nakalimutan ko man
Ang araw na nakilala kita
Hindi ko naman makakalimutan
Ang dahilan kung ba’t kita nakilala

Lumipas ang buwan at taon
Pero sa bawat buwan at taon na yon
Hindi ko sinasadya
Na magustuhan kita

Akala ko mananatili sa kaibigan
Pero isang araw nagulat nalang ako
Umamin ka sa akin ng nararamdaman mo
At nauwi tayo sa salitang ka-i-bigan

Masaya, sobrang saya
Kasi sa wakas naging akin ka
Pero hanggang saan ba ang saya?
Hanggang dulo ba? O mananatili sa simula

Away, tampuhan lahat yan pinagdaanan natin
Pero nakakapagod rin pala
At nakakasawa
Lalo na kung maraming tutol sa samahan natin

Pinilit kong lumaban para sa atin
Na kahit masakit na pinagpatuloy pa rin
Pero nasayang ang lahat ng iyon
Kasi sa huli nauwi pa rin tayo sa salitang kaibigan

POEMS And POETRYWhere stories live. Discover now