TUNAY

123 7 2
                                    

TUNAY
(SPOKEN POETRY)

Pag kakaibigan madaling sabihin pero mahirap gampanin
Lalo na kung ang hanap mo ay tunay lang din.
Kaibigan na binibigyang kahulugan ng iba
Kahulugang minsan negatibo minsan positibo

Ang kaibigan dumadating at umaalis pero ang tunay nananatili
Yung tunay na laging nanjan sa ups and down ng buhay mo
Pero kahit gaano pa karami ang kaibigan mo
Pagdating ng mahihirap na sitwasyon iilan nalang ang tunay na matitira sayo

Kaibigan na poprotektahan ka na parang sundalo
Parang aso na loyal sa kanyang amo
Parang lobo na hindi mo hahayaang mawala sayo
At parang clover leaf, mahirap mang hanapin swerte naman kung magkaroon ka nito

Nagtataka ako kung bakit?
Bakit napakahalaga ng kaibigan?
Bakit kung pahalagahan natin parang gadgets?
Kapag nawala pursigido tayong hanapin

Ayokong umiyak pero ikaw na ang pinag uusapan
Ayokong maghanap para saan pa nanjan ka naman
Ayokong lumayo dahil feeling ko maagaw ka ng iba
At lalong ayokong lokohin ka para lang sa kaligayahan ng iba

Naaalala ko pa nung araw na ako’y nadapa
Shoot na shoot pa sa basa at pinagtawanan pa ako ng iba
Pero ang nakakatawa isa ka sa kanila
Pero hindi ako nagalit kasi kaibigan kita

Marami na tayong napagdaang pagsubok
At magkasama nating hinarap yon
Ngunit isa lang ang maipapangako ko sayo
Magkaibigan tayo mula sa simula hanggang huli

POEMS And POETRYWhere stories live. Discover now