ANG ATING SARILING WIKA

355 6 6
                                    

ANG ATING SARILING WIKA
(SPOKEN POETRY)

Isang maaliwalas na hapon sa inyong lahat
Inyong tanggapin ang aking lubos na pasasalamat
Sa handa ninyong makinig sa aking imumungkahi
Ang mga kaalaman na aking ibabahagi

Buwan ng Wika, buwan para sa mga Pilipino
Ating ipinagdidiriwang tuwing buwan ng Agosto
Pagsasaliksik at paglinang sa ating sariling Wika
Upang umunlad ang ating bansa

Paano ba natin mapapabilis ang pag unlad ng bansa?
Simple lang, mahalin mo ang sarili mong wika
Simulan natin sa isang simpleng paraan
Ang paggamit nito sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan

Sa gayon, mas lalo mong maramdaman ang kahalagahan
Kahalagahan na dapat nating ingatan
Wika na dapat isakatuparan
Wikang ipinaglaban ng ating mga ninuno hanggang kamatayan

POEMS And POETRYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang