TIGIL NA, SOBRA NA

125 7 0
                                    

TIGIL NA, SOBRA NA
(SPOKEN POETRY)

Buwan ng Hunyo nang nakilala kita
At gusto kong ikaw ay lubos pa na makilala
Kaibigan na naging daan upang mahalin kita
Pagmamahal na hindi ko naibigay sa iba

Oo nagmahal ako pero iba ka
Iba ka kasi espesyal ka
Espesyal na hindi ko maiwas-iwasan
Kahit na napakaraming paraan

Naalala ko pa kung bakit mo ko nagustuhan
Hindi dahil sa anyo at ugaling mayroon ako
Hindi dahil sa gaya ako ng mga minahal mo’t nasaktan
Kundi dahil nakaearphone ako

Nakakatawa, oo, pero kakaiba
Dahil paano mo magugustuhan ang isang gaya ko?
Gaya kong naghihintay sa iba, gaya kong umaasa pa rin sa iba
Umaasa sa taong malabong maging akin at malabong maabot ko

Hindi ka sumuko kahit na umalis ka ng hindi ko alam
Pakiramdam ko iniwan ako sa ere ng walang kaalam alam
Ano nga bang karapatan ko?
Isa lang naman akong hamak na minahal mo

Alam ko yung pakiramdam na magmahal sa taong may mahal ng iba
Na kahit anong gawin kong paraan hindi ko magawang agawin siya
Ang hirap, ang gulo mahal mo ko pero mahal ko siya na may mahal ng iba
Na kahit habulin ko ang distansya naming dalawa hindi ko magawa

Sumugal ako, binigay ko ang pagmamahal na gusto mo kahit ayaw ko
Kahit alam kong pinapaasa ko ang isang gaya mo
Pero yun lang ang alam kong paraan para makalimutan siya
Alam kong mali pero totoong ginamit kita

Pasensiya na, pero nagmahal lang ako
Sa taong mali nga lang at pinag-aksayahan ko ng panahon
Apat na taon akong naging tanga sa kanya at nagsayang ng panahon
Hanggang sa dumating ka at pinunan mo ng pagmamahal ang wasak kong puso

Ikaw ang unang nakasungkit sa matamis kong oo
Masaya din palang may nagpapahalaga sayo
Masaya dahil pinaramdam mong ang laking sayang ko
Malaking sayang sa taong lolokohin lang din pala ako

Masaya tayo pero hindi rin pala magtatagal ang sayang mula sayo
Masyado akong naging masaya
Masyado akong naging kampante sa pagmamahal mo
Edi sana mas pinili ko nalang na abutin siya

Ang tanga, nakakainis, sumugal ako kahit mali na sa umpisa palang
Sumugal ako alang alang sa pagmamahal mo
Pero ang desisyon ko ay isang pagkakamali lang
Pagkakamaling binigay ko ang tiwala ko

Isang taon, isang taon ang pinalipas ko bago hanapin ka
Nakakapagtaka no dahil pagkatapos kitang iwan hahanap hanapin din pala kita
Hindi ko naman kasi alam, na kung sino pa ang nagmahal noon ay minamahal ko na ngayon
Sabihin mo nang tanga pero oo minahal kita sa sandaling panahon na yon

Nahanap kita, nagkamustahan hanggang sa lovelife na ang usapan
Swerte nga naman dahil umaayon sakin si tadhana
Parehas pala tayong single at handang magmahalan
Bakit ko pa patatagalin? Mahal mo ko, mahal kita bakit hindi pa tayo mag umpisa?

Masaya nanaman tayo, pero sobra ang saya ko ngayon
Pinakilala mo ko sa pamilya mo, kaibigan mo at sa iba pa
Tumatawag ka sa umaga bago ka pumasok para lang tanungin kung kumain na ba ako o musta na ba
Pakiramdam ko ang swerte ko hindi ko nga lang napansin noon

Pero hindi na ko nagtaka, ayun isang buwan lang hiwalay na naman tayo
At dahil yun sa ex mong gusto kang balikan
Nakakainis dahil feeling ko nararamdaman ko na ngayon ang noo’y pinaramdam ko sayo
Bakit naman kasi sa lahat ng break up babae pa ang dahilan?
Pero ako nga si dakilang tanga, tinanggap ka pa rin
Tinanggap kita ng paulit ulit kahit na paulit ulit akong umiiyak
Araw araw nalang lagi akong wasak
Dahil nanaman sa mga babae mong di malaman ang dahilan

Pang-limang beses na nating balikan pero hindi pa rin ako madala-dala
Gandang ganda pa ko sa theme song natin, yun pala…
Theme song niyo din ng GIRLFRIEND mo
Kinausap kita pero mas galit ka kesa sa galit ko

Ilang araw di kita kinausap hanggang sa kusa akong sumuko
Sumuko na ko, kasi hindi ko na kaya
Bakit ko pa hihintaying sobrang masaktan ako?
Kung pwede ko namang tapusin na

Sa wakas may closure na, pero hindi na ko naghanap ng iba
Nakontento nalang ako at tumigil na
Parang ang hirap na kasing sumugal
Kahit na gustong kong magmahal

POEMS And POETRYWhere stories live. Discover now