DAMDAMIN NG ISANG ANAK

42 2 0
                                    

DAMDAMIN NG ISANG ANAK
(POETRY)

Butil ng luha na nagmula sa mata ng isang anak
Luha na dulot ng mapanakit na salita
Mumunting salita na kasing tulis ng kutsilyo na sa puso'y tinatarak
Salita na hindi akalaing magpapaluha sa kanyang mga mata


Bugso ng damdamin ay sadyang 'di napigilan
Tanging unan at higaan ang siyang pinanggigilan
Walang saysay na pigilan ang damdaming nasasaktan
Dahil kaginhawaan sa puso ay hindi makamtan

Pinilit na ipinikit ang mga mata at nagbabakasakaling makalimot
Habang yakap ang unan at nakabalot sa makapal na kumot
Ngunit mga salita'y bumabalik at nakatatak na na parang lumot
At kahit anong gawin ay hindi magawang malimot

Sa bawat patak ng luha ay katumbas ng sakit
Ang sakit na siyang hindi kaakit-akit
Ngunit ito'y palatandaan nang unti-unting pagbangon muli
Pagbangon na tanging sa sarili'y maisusukli

POEMS And POETRYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant