Kabanata 25

13.1K 435 34
                                    

Kabanata 25

Galit na galit si Konsi. Hindi siya mapakali sa harap ko habang panay ang pindot sa phone niya. Chineck na namin ang CCTV at kumpirmado na ang babae ang kumuha kay Cassia. Pero wala nang ibang footage na nahagip ang babae.

Ako ito, iyak nang iyak. Hindi ko alam anong gagawin ko.

"What happened?" Hindi ko kasi nasagot nang maayos ang tanong niya noong dumating siya. Hagulhol lang ako.

Habang kausap ko ang security team ng village ay busy naman siya sa pagtawag sa mga connections niya.

Ngayon nandito kami sa bahay. Umaantay ng balita.

"Lumabas kami ni Cassia noong hapon. Kaunti lang ang tao sa park, kaso may batang naaksidente. Napasilip ako roon at nawala sa isip ko na silipin si Cassia. Dalawang metro lang ang layo ko sa kaniya, at alam kong dalawang minuto lang rin ang tinagal kong nalayo sa kaniya ng sandali." Kumpletong sagot ko sa pagitan ng paghikbi.

"Bakit hindi mo hinila ang bisikleta." Medyo kalmado ang tinig ni Konsi, pero alam kong pinipigil niya lang ang magalit.

"Alam kong safe." Sagot ko sa kaniya. Tapos nagpatuloy ako sa paghagulhol.

Puro malalalim na paghinga ang narinig ko mula sa kaniya. Muli siyang tumingin sa cellphone niya.

"Sorry Konsi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa anak mo. Kasalanan ko." Umiiyak pa rin na pagsusumamo ko.

"Huwag ka nang umiyak. Wala iyang magagawa at maitutulong." Bumuntong hininga ito. Mukhang galit rin siya sa akin.

"Sorry talaga, lalabas ako, hahanapin ko si Cassia." Akma akong tatayo pero agad niya rin akong pinigilan.

"It will be risky. Paano kung political rivalry ito? I cannot take to risk your life, too." Hindi ko alam kung concern ba iyon o sarcasm.

May duda kasi ang mga kasamahan niya na baka may kinalaman ito sa pagkandidato ni Konsi.

"Pero hindi ko kayang umupo rito na walang ginagawa. Baka gutom na si Cassia, baka hindi siya pinakakain, baka hinahanap na tayo noon, baka umiiyak na iyon, baka kinagat na ng lamok. Baka...baka...baka sinaktan nila si Cassia." Tumayo ako at nagpalakad lakad.

"Ang baby ko..." Napasabunot ako sa buhok ko at naihilamos ko ang mukha ko sa dalawa kong kamay.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Konsi.

"Pulis." Kinuha niya iyon at sinagot.

"Yes, sergeant? Oho." Tumango-tango siya kahit hindi kita ng kausap ang ginagawa niya. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa cellphone ang isa naman ay nakahawak sa labi niya.

"Naglagay kayo ng checkpoints? Thank you sergeant, please update me as soon as possible." Binaba niya ang tawag.

"A-anong sabi nila?" Usisa ko kay Konsi.

"As of now, hindi pa rin sila sigurado kung nasaan ang babae. We cannot make house to house as this is a private village, kaya may bantay sa entrance ng village. May checkpoints rin sa mga exits ng bayan."

"Nasabi mo na ba sa Mama mo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi pa, umaasa akong mareresolba natin ito ngayon. I will let them know tomorrow." Sagot nitong hindi tumitingin sa akin. Alam kong galit siya sa katangahang ginawa ko.

Lumipas pa ang isang oras na palakad-lakad, tayo at upo kami ni Konsi rito sa sala. Ni ang kumain ay hindi ko magawa maging ni Konsi. Umiinom lang ako ng tubig na bigay ni Ate Fe.

Kahit sila ay aligaga at nag-aalala rin. Isang marahang pisil sa balikan ang binigay sa akin ni Ate Fe.

"Ma'am, alam kong ligtas si Cassia." Mahinang bulong niya bago bumalik sa kusina.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now