Kabanata 15

20.2K 557 52
                                    

Kabanata 15

Mayaman palang talaga si Konsi- O tamang sabihing ang kanilang angkan. May penthouse siya sa isang condominium sa Manila. Sobrang madami silang property. Sa kanya daw ang penthouse na ito. At halos lahat silang magkakapatid ay may mga penthouse. Dahil nasa construction ang linya ng family business nila na hinahandle ng panganay nilang kapatid, si kuya Caleb.

"Aria, you can have that room, mine is next to your room. Katok ka lang if you need something. Feel at home." At ngumiti si Konsi 'yong ngiti niyang makalaglag panty.

"By the way." Mabuti at tumigil siya sa pag-ngiti dahil baka sa sahig ko na pulutin ang panty ko. "I will have series of seminars starting tomorrow night, maiiwan lang kayo dito ni Cassia. Pero puwede naman kayo pumasyal iiwan ko ang isang driver at private security." Mahabang habilin ni Konsi.

"Okay, thank you." 'Yon na lang ang nasabi ko.

"Hmm,  sa akin muna si Cassia, bonding muna kami. You can rest now, baka pagod ka sa byahe." Nakangiti ulit si Konsi. Buhat niya na ang anak niya at nilalaro-laro. Natulala na naman ako.

Sana ako din nilalaro ni Konsi. Natigilan lang ako sa pagde-daydream noong lumingon sa akin si Konsi.

"You need anything else?" kunot noong tanong niya.

"Ah-ah wala." tapos lumakad na ako papunta sa likod niya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong sa akin ni Konsi.

"Hmm sa room." sagot ko naman na huminto sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Main door yan. Ayon ang room." sabi  niya na itinuro ang magkatabing pintuan sa likod niya.

"Oo nga sabi ko nga doon." Tapos hahakbang na sana ako papunta doon pero nagkasalubong kami ni Konsi. Noong humakbang naman ako sa kabila ay nagkapareho na naman kami, kaya humakbang ako sa kabila. At ganoon ulit, nagkatitigan kami. 'Yong titigang parang walang gustong bumawi sa amin. Matagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa umingit si Cassia.

"Ah-ah, padaan ako Konsi." mainit ang mukhang sabi ko. Hiyang-hiya ako kasi alam kong mapula ang pisngi ko.

"Sure. Here." humakbang siya pakanan at binigyan ako ng daan.

Tulala yata ako hanggang sa makapasok sa kwarto. "Ano 'yon Ariana Reyly Trinidad?" napahawak ako sa nag-iinit kong pisngi. "Bakit may titigan session kayo ni Konsi?!" parang tangang kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin.

"Oo na crush ko siya." amin ko sa sarili ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at tumingala. "Ate, crush ko lang naman ang daddy ng baby mo e! Kung hindi ka sang-ayon sige multuhin mo ako mamaya. Kung okay lang naman sa 'yo. Huwag mo na akong takutin. I love you ate!" para akong tangang nakipag-usap sa taong patay na.

Sa kakaisip sa kalandian ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

--

Nagising na lang ako sa pagkatok sa kwarto ko. Pupungas-pungas na lumapit ako sa pintuan, kinakamot ko pa ang ulo ko noong buksan ko ang pinto. Bumungad sa akin si Konsi na bumunghalit pa ng tawa.

"Anong nakakatawa?" malakas ang loob pang tanong ko.

"You!" sabi niya na tumatawa pa rin. Doon ko na-realize na bagong gising pala ako at mukha akong bruha dahil nakapa ko ang sabog-sabog kong buhok. Mabilis kong isinara ang pinto at rinig na rinig ko pa rin ang tawa ni Konsi sa labas. Napatingin ako sa salamin at naloka sa itsura ko. Mukha akong bruha na sabog ang buhok at parang may bakat pa ako ng laway sa pisngi.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now