Kabanata 18

22.4K 781 470
                                    

Kabanata 18

Nasisilaw ako, teka parang masyadong maliwanag. Muli kong pinikit ang mga mata ko. Napahigpit ang kapit ko sa kumot. Shit! Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot at ang kashare ko sa ilalim ng kumot.

***
Flashback

"Aria, please don't leave me." Sabi ni Konsi. Wala akong magawa kung hindi ang mag-stay. Sa tuwing gagalaw ako ay humihigpit ang kapit sa akin ni Konsi.

"Okay, hindi ako aalis, Konsi." Sabi ko na dahan-dahang kumakalas sa hawak niya.

"E bakit bumibitaw ka sa yakap ko?" Tanong pa niya.

"Aayusin lang natin ang higa mo po." Parang bata ang kausap ko.

"Hmm 'kay, basta dito ka lang." Sabi niya na nakapikit pa rin.

"Oo, dito lang ako." Hindi ko alam kung matatawa ako dahil
Mas clingy pala ang tatay kaysa sa anak.

"Dito, higa ka dito." Utos niya na umisod at pinagpag ang isang bahagi ng kama. "Tabi tayo." Ngumisi si Konsi.

Kunwaring napipilitan na umupo ako sa kama. Sinandal ko ang katawan ko sa headboard.

"Bango mo, amoy baby ka." Si Konsi pa rin na tumatawa-tawa.

Tumawa na rin ako. Ganito pala ito kapag lasing. So wala pa pala 'yong unang beses na nakita ko siyang lasing. Noong nag-first kiss kami.

Nag-init bigla ang pisngi ko, nang maalala ko ang pinagsaluhan namin ni Konsi kanina.

"Ah-ria?" Si Konsi.

"Hmm?" Tugon ko.

"Dito ka lang ha? H'wag kang aalis." Tapos hinila niya ako at niyakap. Nakasubson siya ngayon sa tiyan ko.

Bigla akong napaisip. May pagnanasa kaya sa akin si Konsi? Siya kaya ang nanggapang noong nandoon kami kay Mamita?

Naglalaro ang mga katanungang iyon sa isip ko nang makaramdam ako ng antok.

End of Flashback

***

Kaya habang tulog pa si Konsi ay bumangon na ako at lumipat sa kwarto ko. Ala-cinco palang pala. Ilaw pala sa kwarto niya ang nakakasilaw.

Nagshower muna ako kasi 'yon pa rin ang suot ko mula kagabi. Naalala ko ang sinabi niyang amoy baby ako. Kaya sininghot ko ang sarili ko. Tapos kinilig ako.

Napadaan ako at napatingin sa salamin. Nahawakan ko ang bibig ko. Naalala ko na naman iyong kiss.

Pero feeling ko nama nalimutan na iyon ni Konsi. Lasing siya. Kaya sana naman ay wala siyang naalala sa mga ginawa namin kagabi.

***

Pinapakain ko na siya Cassia nang mapansin kong pababa na si Konsi. Bagong ligo siya.

Nag-iwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag-iinit na ang pisngi ko.

"Good morning baby ko." Sabi niya na humalik sa ulo ng anak niya. "Hi, 'Tart." Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang pagkindat niya sabay kagat sa mansas na hawak niya. Para akong biglang nagselos sa mansanas.

Pero teka. Ano yong 'Tart." Baka namali lang ako ng rinig. Nagpatay malisya na lang ako na kunwari ay walang alam. Wala rin naman siguro siyang naaalala.

Pinakain ko si Cassia at kumain na rin ako. Nanatili akong walang kibo. Baka mamaya ano pang maitanong o masabi ko.

"Wala kang pasok Konsi?" Tanong ko na lang noong hindi ako makatiis.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now