Kabanata 8

31.9K 998 41
                                    

Kabanata 8

Sinundo ako ni Rima sa kwartong tinutuluyan ko. Nakahanda na daw ang dinner at dumating na daw ang mga bisita. Hindi ko alam kung sino ang bisita nila kaya kinakabahan ako baka masungit din sila gaya ng Mama ni Konsi.

"Kailangan ba kasama ako?" tanong ko sa kanya, syempre family affair ata eto, e hindi naman ako parte ng pamilya.

"Oo naman parang ikaw na ang nanay ng pamangkin ko they should know you. At oo nga pala pasensya na kay Mama may pagkamasungit at istrikto lang talaga yon, pero may bait naman yon." ngayon lang siya humingi ng paumanhin sa akin. Sa pagkakasabi niya, mukhang minsan lang dapuan ng bait ang Mama nila.

Sa buong maghapon ko ata dito ay sandali ko lang nahawakan ang pamangkin ko, masyado nang naging attached sa Lola niya e. Mabuti nga yon at baka masungitan pa ako at sabihing pinalaki ko na sa akin lang mabait ang apo niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong maong na pantalon at isang sleeveless na blouse. Presentable naman. Medyo nakakahiya lang.

Nang makarating kami sa dining room kung saan may mahabang lamesa ay halos mapuno na iyon. Tatlo na lang ang bakante. Sa kabisera ay ang Papa nila sa kaliwa ay ang Mama nila sa kanan ay si Konsi. Sa kabilang bahagi ay may matandang lalake, sa kanan nito ay matandang babae. Sa pagitan nito at ng Mama nila ay tatlong lalaki na tanging likod lang ang nakikita ko.

Wala na akong nagawa nung hinila ako ni Rima paupo. Tumango-tango na lang ako na sinalubong ng ngiti ng dalawang matanda at ng dalawang nakaupong lalaki sa harap ko. Ang lalaki naman sa gitna nila na mukhang masungit ay tumango lang. Nagmana yata sa Nanay nila. Sigurado na akong magkakapatid sila may similarities kasi.

Yong isang lalaking ngumiti sa akin at kaharap ko ngayon ay mukhang seryoso pero ngumingiti. Katabi niya ay ang moreno rin ngunit masungit na lalaki na parang kahit ang ngumiti ay hindi niya kaya. Tapos yong isa ay mestiso at medyo long hair ay parang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na siya noon, hindi ko lang maalala kung saan.

Magagandang lahi nga, may iba't ibang features ang ka-gwapuhan nilang magkakapatid at syempre hindi rin nagpapahuli ang ganda ni Rima. Siya yata ang prinsesa nila. Para tuloy ang sarap umanib at magpalahi sa lahi nila.

'Malandi ka talaga ano?' Naku nanggugulo na naman yong demonyita sa balikat ko. 'Umayos ka, hindi ganyan mag-isip ang dalagang Filipina.' Sabat ng anghel. Potek kailangan ko na ata magpa-admit sa mental.

Yong katabi nung medyo long hair ay ang lola nila na kahit matanda na ay masasabi mong maganda pa rin. Yong katapat ng Papa nila ay maaring Lolo nila, kasi kahawig ito ni Casimiro Sr.

"Casi, apo siya na ba ang kasintahan mo? Hindi mo ba kami ipapakilala?" Hindi pa man nai-seserve ang pagkain ay para na akong nabulunan. Tapos tumatawa na si Rima sa tabi ko.

"Hindi po, Mamita. Kaibigan ko lang po." Kaibigan? Kaibigan niya ako? 'Di ba doon nag-uumpisa ang lahat? Pakshet! Yong imahinasyon ko na naman.

"Kaibigan ba? O ka-ibigan?" Napa-ubo ako sa sinabi niya.

"Mamita naman..." Malambing na sabi ng Mama nila.

Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Konsi. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpatawag ng dinner ay upang ipakilala ang bagong myembro ng ating pamilya." Nanahimik ang buong lamesa sa sinabi niya, tapos nabasag yon sa mabilis na pagtawa nung Mamita.

"Sinasabi ko na nga ba. Welcome to the family hija, gusto ko na talagang mag-asawa kahit isa sa mga apo ko e." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Nagkakamali po kayo, Mamita." Pagtama niya sa sinabi ng Lola niya. "Ate Fe!" Kahit hindi ako dapat kabahan ay kinabahan ako bigla.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now