Kabanata 34

14K 432 47
                                    

Kabanata 34

Huling linggo na nang kampaniya, sinigurado ko na all out support ako kay Konsi. Sa mga nakalipas na buwan at naging abala kaming pareho para sa nalalapit na eleksyon.

Napagtanto rin ni Konsi na tama ako, kung pinili namin isabay ang kasal ay paniguradong hati ang oras niya. Ngayon mas masaya kami.

"Konsi naniniwala akong mananalo ka." Nakangiting sabi ko na kinurot siya sa magkabilaang pisngi. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bato dito sa isang cliff na daanan pauwi sa bahay niya. Katatapos lang ng isang campaign event.

"How sure are you, my 'tart?" Nakangiwing sahot niya, hindi ko pa rin kasi binibitawan ang pisngi niya.

"I just know." Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi.

Ngumuso siya at nagpa-cute. Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa.

"Bakit bitin?" Parang batang himutok niya.

"Nasa public place tayo. Andoon nga sa kabilang kalsada ang tao mo. Nakakahiya." Nilingon ko ang dalawang kasama namin. Nakatayo lang naman sila sa tabi ng sasakyan. Pero hindi nakatingin sa amin.

"Sanay naman sila." Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nag-init kasi iyon.

Nahampas ko siya sa hita. "Loko ka, hindi naman." Umirap ako kunwari.

"Ilang beses na tayo niyan nakita, syempre hindi lang nila sinasabi." Hinampas ko ulit siya sa hita.

"Ouch, baka mamaya, iba mahampas mo diyan." Nakangising sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Baka magising." Mahinang bulong niya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko na parang luluwa na.

"Tigilan mo ako Konsi, nandito tayo para manood ng paborito nating sunset." Saway ko sa kaniya na binaling ang atensiyon sa palubog na araw.

Mula nang madalas na akong sumasasama sa campaign ay nadiskubre namin ang lugar na ito. Eventually, ito ang naging paborito naming pahingahan sa hapon, bago umuwi.

"You started it." Bulong niya sa tainga ko, pakiwari ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Ramdam ko rin ang hininga niya na pumapaypay sa pisngi ko.

Hinarap ko siya at muntikan pang magdampi ang mga labi namin. He was smiling from ear to ear—ganoon yata iyon kung sabihin ng iba. Nakatingin siya sa akin. Sa mga mata ko.

"I am very lucky to have the most precious girl in this world." Mahinang sambit niya. "I love you." Napangiti at ginawaran ko muli siya ng isang halik sa labi pero ngayon ay tinugon niya ng mas malalim na halik.

Napakabilis ng pintig ng puso ko. Panandaliang nalimutan ko na nasa labas kami at na sa may hindi kalayuan lang ang dalawang tao ni Konsi.

Ipinikit ko ang mga mata ko, ang mga kamay ko ay kusang kumapit sa magkabilaang tagiliran ni Konsi. Saksi ang palubog na araw at ang parating na dilim sa pagmamahalan naming dalawa.

Sabay kaming naghabol ng hininga nang maputol ang halik na iyon. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"I love you, too." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Masayang-masaya ako, alam kong mas magiging masaya pa ang mga susunod na araw ko sa piling ni Konsi ang magiging asawa ko.

***

Hinalikan ko si Konsi sa noo. Alam kong napuyat siya kagabi dahil dama kong balisa siya, naka-ilang labas masok siya rito sa kwarto ni Cassia. Alam ko ring uminom siya kagabi para antukin.

"Good morning, Konsi." Salubong ko sa kaniya nang magmulat siya ng mata.

"It's your big day!" Isang ngiti ang binigay ko sa kaniya.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now