Kabanata 19

16.2K 552 70
                                    

Kabanata 19

Hindi ko alam kung anong label namin ni Konsi. Basta may goodbye kiss at goodnight kiss. Minsan mayroon pa kapag uuwi siya. Pagkatapos kay Cassia ako naman.

Medyo nasasanay na ako sa display of affection ni Konsi. Buti at ginagawa niya lang 'yon kapag wala ang mga kasama namin sa bahay. Dahil wala talaga akong maihaharap na mukha sa mga kasama namin dito sa bahay.

"Good morning baby!" Hinalikan ni Konsi ang anak. "Good morning, 'tart." Kiss din sa akin, smack sa lips. "Free ka ba tonight?" Tanong niya na hindi pa rin nilalayo ang mukha sa akin.

Nangunot ang noo ko kaya ako na ang kusang lumayo.

"Let's have a dinner date later. Pagtulog na si Cassia. Ibilin natin siya kay Ate Fe." Sabi niya na kumikindat pa.

Aba! Hindi ko alam kung sasabog ba ang dibdib ko o ano. Sobra na kung magpakilig si Konsi. Ako, ito laging tameme sa mga ginagawa niya.

"Okay, alis na ako 'tart." Sabi niya na nakahawak sa baba ko, tapos isang smack na naman, hinabol ko pa ang labi niya kasi akala ko mahabang kiss ang gagawin namin.

"Laters, 'tart." Sabi niya na kumindat at ngumiti ng matamis. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa pagkapahiya.

"My baby, daddy will be back later, okay? I love you." He said na hinalikan ang anak sa noo.

Ay, kay baby lang ang 'I love you'? Paano ako? Enough Aria. Umaambisyon ka na naman. Pinalis ko ang bagay na iyon sa isip ko.

"Baby! Hulog na hulog na yata ako sa Daddy mo. Sobrang grabe naman kasi magpakilig ang Daddy mo! Aba'y dati panaginip lang. Iba pala ang totoo. 'Di ko kinakaya baby." Para akong tanga na kinakausap ang bata. Akala mo naman naiiintindihan niya ako.

Inaraw-araw niya ang 'tart, may text pa araw-araw. Jusko po. Hindi ko kinakaya. Baka atakihin na lang ako sa puso at diabetes sa sobrang sweet ni Konsi.

***
Dahil sinabi ni Konsi na may date raw kami. E 'di syempre, papaganda ako.

Nagbabad ako sa bathub. Pampa-smooth ng skin. Ginamit ko 'yong Aveeno baby bath ni Cassia. Para smooth skin ako. Baby skin.

Pagkatapos ko magbabad ay pinakain ko na si Cassia ng dinner niya, para mapatulog ko ng maaga. Magde-date kami ng daddy niya.

Buti nga at ilang araw lang inabot ang sakit ni Cassia. Sobrang nag-aaalala kasi ako noong may sakit siya. Halos hindi ako makatulog kapag masamang-masama ang pakiramdam niya.

Matapos ang 30 minutos na pagbababad. Ginawa ko naman ang skin care routine ko. Mga bigay ni Mamita. Kutis Koreana ako dahil dito.

Time check. 5pm. Malapit na dumating si Konsi.

Nagbihis lang ako ng simpleng sleeveless dress na hanggang tuhod. Tapos nag press powder lang ako, tapos lip balm para di naman halata na nag-ayos ako. Pi-nony tail ko ang mahaba kong buhok. Mahaba na pala ang buhok ko. Nawala na sa isip ko na magpagupit.

"Mam Aria!" Napapitlag ako sa pagkatok na iyon. Napahawak pa ako sa dibdib, si ate Fe talaga. Muntik pa akong atakihin sa puso.

Lumapit ako sa pinto para pagbuksan siya. "Ate naman ginulat mo ako." Pabirong reklamo ko na tumatawa.

"E pinatatawag na kayo ni Sir, may lakad ho ata kayo e." Sabi ni ate.

"Si Cassia patutulugin ko pa kamo." Hindi ko pa pala napapatulog ang batang iyon. Iniwan ko lang kay ate Fe kanina.

"Nakatulugan po ang paglalaro kanina, mam." Tugon niya.

"Ah ganoon ba? Siya sige, pakisabi kay Konsi, susunod na ako." Nakangiting bilin ko sa kanya.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon