Kabanata 3

39.3K 1K 17
                                    

Kabanata 3

"O san ang sideline ngayon?" Tanong sa akin ni Shiela nung nakita niya ang get-up ko.

"Kasal, mamayang gabi naman sa resto na bagong bukas, ako na kinuha para daw hindi gan'un kalaki ang TF." Sagot ko na kinakabit yong perlas na hikaw na nabili ko sa talipapa kahapon.

"Ah, kaya pala babaeng-babae ka." Nang-aasar pang komento niya.

"Gaga, kung hindi lang yon kasal, magsusuot talaga ako ng naaayon sa gusto ko. Alam mo namang hndi ako mahilig sa ganito." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Bongga ang raket natin ngayon ha, buhay dalaga e." Natigilan ako bigla sa sinabi niya.

"Uy Gaga, sorry." Lumapit naman siya sa akin at niyakap mula sa likod. "Alam ko nami-miss mo na ang pamangkin mo."

"Tama ba ang ginawa ko She?" Nakatulalang tanong ko.

"Inisip mo lang naman ang makakabuti sa bata." Pampalubag loob niya.

"Kaya lang, hindi ako tumupad sa pangako ko kay Ate." Malungkot na sabi ko.

"Hindi mo nga natupad, pero mas mapapabuti naman doon si Cassia, mauunwaan ka na siguro ng Ate mo."

Natigil lang ako sa pagda-drama nung mag-ring ang cellphone ko. "Hello? Oo paalis na ako sa bahay, kita na lang tayo diyan. Bye." Nilagay ko na sa bulsa ng body bag ko ang phone at nakipagbeso na kaya She.

"Una na ako She."

"Mag-ingat ka at sana malaki magtip ang session mo ngayon."

"Oo nga salamat She." Paalam ko bago ako tuluyang lumabas ng kwaarto.

Mabilis na lumabas ako at nagmamadali ding naglakad papunta sa sakayan ng jeep, baka ma-late pa ako. Bawas TF 'yon kapag nalate ako.

"Pasuyo po ng bayad sa torre lang ho." inabot ko ang bayad sa isang pasahero para iabot iyon sa driver.

Sinuot ko na ang earphones ko at pinakinggan ang mga love songs na nasa playlist ng mag-asawa. Ipinikit ko ang mata ko at isinandal ang ulo sa sandalan, nandito kasi ako nakaupo sa dulo ng jeep.

Halos nasa kalagitnaan na ako ng isang kanta nung makarinig ako ng batang umiiyak. Napadilat ako at hinanap ang pinagmulan noon. Napatingin ako sa babaeng may hawak na babaeng baby, sa tantya ko ay ka-edad lang siya ni Cassia.

Si Cassia na naman. Sa tuwing naaalala ko kasi siya ay lagi akong inuusig ng konsensya ko sa ginawa ko sa kaniya.

Apat na araw na mula nang ibigay ko siya sa ama niya. Yon naman kasi ang magpapabuti sa kanya e. Hindi ko naman kapakanan nag iniisp ko, hindi ko siya binigay dun para makalaya ako sa responsibilidad at mabuhay ako mag-isa. Binigay ko siya dun para hndi siya mahirapan.

"Torre?" Nabalik ako sa tamang huwisyo nung marinig ko ang tanong ng driver.

"Bababa po Manong." Mabilis ang kilos na bumaba ako nung itinigil ang jeep.

May mga ilang tao na sa labas ng simbahan nung dumating ako. Pinapasok na ako ng wedding planner na umarkila sa akin sa loob ng simbahan.

Hanggang sa nag-umpisa na ang kasal. Napaisip din ako, bente sais na ako, pero wala pa akong plano sa buhay. Lalo na sa pagpapakasal. Pero hindi ako nanghihinayang na walang nakalapit sa akin dahil sa pagpapalaki ko kay Cassia.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now