- 3 -

6 0 0
                                    

Pagkauwi galing sa cafe ay umidlip na muna ako in preparation for my first 'promo girl' part time  job. Kahit kailan hindi ko na imagine sa buong buhay ko na magtatrabaho ako sa maingay, mausok at magulong bar. (Sasabihin ko sana na mabaho, pero sinigurado sa akin ni Kendra na germ and smoke free ang bar na pupuntahan ko sa buong TWO WEEKS!)

"Tadaaaah!" Hawak-hawak ni Kendra ang Black Spaghetti dress na may logo ng wine company nila.

Hindi ako makapaniwala sa isusuot ko. "Seryoso ka ba, Kendra?! Ipapasuot mo sa akin ang piraso ng tela na iyan?" Hindi naman ako matakangkad na pang beauty pageant pero sa dress na hawak ni Kendra konting yuko ko lang kita na ang kaluluwa ko.

"Isuot mo na muna 'to bez. Kahit ngayon gabi lang, papasukatan na lang kita. Nakalimutan ko na mas matangkad ka nga pala kesa sa akin." Pagdadahilan ni Kendra.

"At dapat pa ba kitang tawagin na bez kung sa height ko pa lang nakalimutan mo na. Baka naman may nakalimutan ka pang sabihin sa akin na dapat kung malaman bago ako mapasubo sa pagpopromo girl ko?.."

"Wala! Everything's perfect." Malaki ang ngiti ni Kendra.

"KENDRA?! Ayoko ng ngiti na iyan!! Spill!"

"Ok. Medyo may maliit na bagay lang naman na problema. Pero hindi naman talaga dapat na problemahin kasi ano.. kasi dapat chill lang. Alam ko naman na kaya mong i-handle ang mga ganoong bagay.

"Just say it!

"Ano kasi bez minsan kasi medyo touchy ang mga tao doon sa bar alam mo na minsan napapasobra sa inom. Iyong ganun. Maliit na bagay lang naman." Napakamot sa batok si Kendra.

"By touchy you mean, hipo, diba?! My gosh, Kendra. Ano ba itong pinapasok mo sa akin?"

"Two weeks lang naman bez for 25,000."

"At ngayon, pera pera na lang? Ganun?"

Ngumiti ng napakalaki si Kendra. "At kapag nakuha ko ang promotion na hinihintay ko, bibigyan kita ng bonus. Magbabakasyon tayo sa Cebu, sagot ko ang lahat ng gastos."

Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Kung hindi ka lang talaga malakas sa akin eh. Kapag nakuha mo na ang promotion mo, tumigil ka na sa pang-uuto mo sa akin ha!"

"YES!" Patalon-talon itong lumabas ng kwarto ko. "Bihis ka na bez. In 5 minutes masisilayan na ng Bar 2000 ang alindog mo. Hahaha." Sumilip ito at tinapon ko sa kanya ang unan.

"Sira ulo kang babae ka!" Hindi ko na rin mapigilan ang mapatawa sa kalokohan ng best friend ko.

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now