- 5 -

6 0 0
                                    

Hindi ko namalayan na pang walong gabi ko na pala ginagawa itong pagpopromo ko. Aaminin ko na sa unang tatlong gabi ko na parang mapipilay na ako sa kakasuot ng heels at isama mo pa ang maikling labas kaluluwang damit na ipinapasuot sa akin ni Kendra. Pero sa paglipas ng gabi ay nakapag-adjust na rin ako.

"Bez!" Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang tuwang-tuwa na parang kinikilig si Kendra na tumatakbo papalapit sa akin.

"Thank you, Ma'am." Sabi ko sa customer ko na bumili ng 4 na bottles ng wine para daw sa nalalapit nilang anniversary ng asawa niya. Pagkatapos kung magpasalamat sa customer ko ay agad akong hinila ni Kendra sa isang gilid.

"Teka lang naman bez, mahuhubaran na ako niyan sa ginagawa mo eh. Ano bang meron?" Inayos ko ang strap ng damit ko na natanggal. Trust Kendra to embarrass you in front of everyone and she'll never fail you.

"You won't believe it!" Napapatili si Kendra. "Rafael Freaking Yummy Drool worthy Alejandro is here!" Napapapalakpak siya sa sobrang tuwa.

"Oh, tapos?" Wala sa loob kong sagot.

Tinignan naman ako ni Kendra na para bang nahihibang na ako. "Ganun lang ang reaksyon mo? You do realize na si Rafa ang sexiest model sa Wardobe Empire, right?

"What do you expect na maging reaksyon ko? Maghihiyaw ako at magtatatalon sa sobrang tuwa dahil lang sa may sexiest model dito sa bar na ito?

"I prefer you not treating me like I'm the sexiest model." Simpleng sabi ng isang lalaki sa likod ko. Nanlaki naman ang mata ni Kendra habang ako ay hindi makagalaw para lumingon.

Nang hindi ako lumingon ay lumapit siya ng bahagya para makita ko ang mukha niya. OK FINE! Gwapo naman talaga siya eh at sige na, SEXY na rin! Pero ang gaya niyang gwapo ay sabi nga nila "TROUBLE" lang ang dala.

"Please, don't stop on my account." Nakangising sabi niya sa akin.

"Fine. You want to hear what I thought about you?! Actually, I was just telling my best friend here na hindi siya dapat ma starstruck sa isang gaya mo kasi katulad ka rin lang namin na tao. Yes, you may be the sexiest model of WE pero............"

"Pero?" Tanong ni Rafa.

"Pero wala akong pakialam kung mas nakakaangat ka kesa sa amin." Nakangising pahayag ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon galing sa kanya. Kadalasan kasi kapag sinabi mo ang pahayag na gaya ng sinabi ko sa kanilang mga 'nakakaangat sa buhay' ay nahuhurt ang mamahaling ego nila. At makikita mo na lang ang sarili mo na inaapakan ng gaya nila. Ok, I think I'm being stereotypical here. Siguro nga hindi lahat ng gaya nilang milyon-milyon, bilyon-bilyon ang pera ay matapobre.

"I like you." Sabi niya habang natatawa pa rin. "I'm about to leave pero dahil sa'yo I want to stay here for a little longer."

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now