- 6 -

5 0 0
                                    

Inakay naming dalawa ni Rhylan ang lasing na si Kendra. Mabuti na lang may elevator papuntang 7th floor imagine niyo na lang kung wala?

Siguro hindi ako magdadalawang isip na iwan siya sa lobby. Akay-akay ko siya habang sinusubukang ipasok ang susi sa doorknob. Matapos ang ilang segundo ay bumukas din ang pinto  ng apartment namin.

Pagpasok sa loob agad kong kinapa ang switch ng ilaw. Tinahak namin ang walong hakbang ng hagdan papunta sa kwarto ni Kendra habang akay-akay pa rin namin siya. Dahan-dahan naming inilapag sa kama si Kendra. Bago kami bumaba sa sala ay sinigurado ko muna na nakakumot siya.

Pawis na pawis kaming dalawa ni Rhylan sa pag-akay sa lasing kong best friend. Daig pa namin ang nag-zumba. Kumuha ako ng ice tea sa kusina bago umupo sa isang upuan sa bandang kanan niya.

"Honestly hindi ko alam kung ano mas appropriate na sasabihin sa'yo. Thank you ba o sorry. Alam mo kasi minsan si Kendra may posibilidad na maging sakit sa ulo, lalo na kapag nakakainom." Nahihiyang sabi ko sa nakaupong si Rhylan.

Ewan ko ba kung pinaplastik ako ng lalaking ito o sincere ito sa pinapakita niya sa akin. nakukuha niya pang ngumiti matapos siyang gawin na alalay ni Kendra.

"It's ok. Sanay na akong tagaligpit ng mga nalalasing na kasama. Noon madalas ko ring akayinn pauwi si Rafa sa mga party na pinupuntahan niya. Minsan nga kapag hindi niya ako kasama tinatawagan pa ako ng mga kaibigan niya." Kwento nito sa akin.

Matapos ang kalahating oras na pakikipagkwentohan kay Rhylan ay nagpaalam na rin ito.

"Sabay na tayong bumaba kailangan ko rin namang bumili ng aspirin para kay Kendra eh."

"She's lucky to have you." Sabi ni Rhylan nang makalabas kami ng elevator.

"If there's lucky, it's me. Isa siya sa konting tao na pamilya ang turing sa akin." Bago pa maawa sa akin si Rhylan. Kahit sino naman siguro ayaw na kaawaan sila ng ibang tao. Call it defense mechanism, basta isa lang ang sigurado ako. Ayoko makita ang awa sa mga mata ng kahit na sinong tao. "Anyways, thank you talaga sa paghatid sa amin at sorry na rin at naabala ka pa namin ni Kendra." Pagpapatuloy ko.

"You said it twice tonight and trust me, ok lang talaga iyon. On the way din naman kasi ang apartment niyo sa condo ko eh." Nakangiting sabi nito.

"Sabi mo eh. So, paano ingat ka sa pagdadrive."

"Goodnight, Jeff."

"Goodnight."

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now