- 7 -

9 0 0
                                    

It was 9:35 am when Kendra woke up. Nasa sala ako at nanunuod ng favorite series ko habang umiinom ng coffee.

"Morning, drunkard." Pang-iinis ko kay Kendra.

Tinabihan niya ako at kinuha ang mug ko para uminom.

"Sakit ng ulo ko, sobra!" Reklamo niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Alam mo anong tawag diyan? Hangover!" Sabi ko habang marahang pinalo ang ulo niya.

"Paano nga pala tayo nakauwi?" Inangat niya ang ulo niya para tignan ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Seryoso ka? Hindi mo naaalala? Newly promoted manager Rhylan Alejandro, does it ring a bell?"

Agad na nagtakip ng bunganga niya sa gulat si Kendra. "Deym! Nakakahiya ako bez!" This time hindi lang bunganga niya ang tinakpan niya, pati na mukha niya. "I need to apologize at the same time thank him. Pwede mo ba akong samahan sa opisina niya para personal ko siyang makausap?" Bago pa ako makasagot may follow-up question na siya agad. "Teka! Diba dapat may duty ka ngayon?"

"Nakipagpalit ako ng day-off kay Iya kasi napuyat lang naman ako sa kakaligpit ng suka ng isang taong lasing diyan." Parinig ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang niyakap niya ako. "Thank you talaga bez. You know what? Since it's your rest day, lunch on me. Let's say....Flipping Pans?" Malaki ang ngiti niya sa mukha niya. Pareho naming favorite ang food sa Flipping Pans.

"Pero bago tayo pumunta sa Cafe Xandra para sa cake ni Rhylan, magsashower muna ako kasi para akong human vomit."

**

Gaya nga ng sabi ni Kendra dumaan muna kami sa Cafe Xandra para bumili ng cake.

"Jeff!" Bati sa akin ni Iya ng makita niya ako. "Napadaan ka?"

"Sinamahan ko lang si Kendra para bumili ng cake."

**

Nasa lobby kami ng Alejandro at naghihintay ng go signal kung available si Rhylan na makipagmeet sa amin.

"Grabe bez, hiyang-hiya ako. Feeling ko malulusaw ako kapag nakaharap ko siya. Walang panama itong cake na ito."

"Excuse me." sabi ng isang babae sa aming dalawa. "I'm Yvonne, Mr. Rhylan Alejandro's secretary."

Personal pa talagang bumaba from 10th floor ang sekretarya ni Rhylan para dalhin kami sa opisina niya. Pinapasok na kami sa loob at agad na tumayo si Rhylan para salubungin kami ni Kendra.

"Hello, ladies." Nakangiting bati sa amin ni Rhylan.

"Nice kingdom." Biro ko sa kanya. Typical man's office. Blue halos ang color na makikita sa  loob  ng opisina ni Rhylan.

Sinundan namin si Rhylan sa isang kwarto na parang office kitchen niya. Malinis ito, may mini fridge, microwave at coffee maker. Napaka accommodating ni Rhylan, he offered us coffee.

"You know what, ako na ang bahala sa coffee. I think may sasabihin sa'yo si Kendra eh." Pambubuking ko sa napakatahimik na Kendra. Seldom mo lang na mawiwitness na tahimik si Kendra, madalas siya ang nag-iinitiate ng kwento. Siguro ay nahihiya talaga ito sa ginawa.

Bago ko simulan na magtimpla ng kape ay tinanong ko muna si Rhylan kung ano gusto niya sa coffee niya. Working in a cafe you'll eventually realize na iba-iba talaga ang taste ng mga tao pagdating sa coffee nila.

"Black with two teaspoon of sugar, please." Sabi ni Rhylan.

"Really?" Manghang-mangha si Kendra. "Alam mo that's what Jeff likes her coffee too." Right on cue, nag-ingay na nga ang best friend ko.

"Wow! I'm amaze. Minsan lang kasi siguro ako nakakasalubong ng babae na plain black ang coffee na iniinom. Mostly women like there coffee creamy and sweet." Pati si Rhylan ay tila namangha rin.

"I guess I'm not your typical woman."

"I guess so." Nakangiting pagsang-ayon ni Rhylan.

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon