- 8 -

5 0 0
                                    

"Thank you sa coffee at sa time mo." Sabi ni Kendra kay Rhylan nang magpaalam na kami sa kanya.

"Anytime." Sagot ni Rhylan.

"Naku! Ayaw naman yata namin kami ang maging dahilan ng pagkalugi ng kompanya niyo dahil sa kinocosume na namin ang time mo sa pakikipagcoffee sa amin." Biro ko sa kanya.

Tumawa naman si Rhylan. "That's why I hired Yvonne to keep me away from a temptation like you. I mean who can resist someone na sobrang sarap magtimpla ng coffee."

Bago pa naitago ni Yvonne ang blush sa mukha niya ay nasilayan ko ito. I'm sure she's crushing on him.

"Hindi na ako magugulat kung ma-ban ako sa company mo." Sabay-sabay kaming tumawa.

"Didn't Jeff mention na isa siyang barista sa Cafe Xandra? Sa katunayan siya nga ang pinapili ko ng flavor ng cake." Sabat ni Kendra.

"That explains the magic touch with my coffee at kaya pala every morning full pack ang cafe na iyan dahil sa wonders mo." Sabi ni Rhylan.

Bago pa tuluyang gawin namin chatroom ang opisina ni Rhylan ay tuluyan na kaming umalis.

**

Habang naghihintay sa inorder namin ay nagkwentohan muna kami ni Kendra. Hanggang sa sabay kaming nawalan ng topic. Pero bago ko pa ma-enjoy ang silence ay nagsimula na naman itong magsalita, randomly. To the point na magba-buffer ka for a few seconds.

"Tell me you saw the spark in his eyes." Sabi ni Kendra.

"Sino na nga ba ang pinag-uusapan natin ngayon?

"Hindi mo talaga nakita ang tingin na iyon earlier from Rhylan? When he looked at you nang malaman niya na pareho ang taste niyo sa coffee, how he savored his first sip of the coffee you made him, nang malaman niya na barista ka sa Cafe Xandra and last to my lists and I'm telling you there's more to these. Nang malaman niya na ikaw ang pumili ng flavor ng cake na pang peace offering slash pang thank you cake na dinala natin sa office niya." Nanlaki ang mata ni Kendra sa akin at napailing siya nang hindi ako sumagot.

Wait?! Was that disappointment that I saw in her eyes?

"What? Bakit ka ganyan makatingin sa akin? Porket hindi ako nag-assume sa gestures na well ikaw lang naman ang nakapansin because seemed to me it's normal ay...."

"Disappointed. You can say that." Tinapos ni Kendra ang nais kong sabihin.

"Teka nga! Bakit ba natin ito pinag-uusapan?" Sometimes hindi ko makita ang logic sa pinag-uusapan namin.

"Let's say gusto ko na mahanap mo na ang Mr. Right mo. I think every girl in this world consciously and unconsciously tinatanong nila iyan sa sarili nila." Paliwanag niya sa akin.

"I won't deny the fact na minsan sumagi sa isip ko iyang Mr. Right na iyan until one day I stopped thinking about it."

"How can you just easily gave up on that?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko naman sinabi na sumuko na ako, sabi ko lang naman na tumigil na ako.........for now."

"Minsan hindi kita ma gets. Pero kahit ano pa iyang pag-iisip meron ka, mahal na mahal kita kasi alam ko na mahal na mahal mo rin ako." Seryoso ang mukha ni Kendra.

"Don't tell me nag-iba ka na ng team?" I faked a shocked look on my face para lang inisin siya.

"Sira!" Tumawa ito and that gained me a kick in the shin.

Sadista!

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now