- 9 -

5 0 0
                                    

Night 9 of 14

Kahit papaano ay hindi pa naman ako pinapahiya ng skills ko sa pakikipagdeal sa mga tao na bumili ng wine. Para sa akin isa itong ordinaryong gabi ng pagpopromo.

Isang oras pa lang akong nakatayo ay parang nahihilo na ako, kaya napagpayahan ko na umupo muna sa bar. Agad naman akong binati ni Ron na isang bartender.

"Kamusta ang pagpopromo natin?" Tanong sa akin ni Ron.

"May bumibili pa rin naman." Sagot ko sa kanya. Inabutan ako ng tubig ni Ron, alam kasi nito na hindi ako umiinom.

"How's the wondergirl of Cafe Xandra?" Tanong ng isang pamilyar na boses sa tabing upuan.

Paglingon ko, nakangiti ito sa akin. "Fancy meeting you here, your highness. Mabuti naman at naisipan mong bumaba sa kaharian mo." Biro ko sa kanya.

What I like about Rhylan is that madali siyang patawanin. Magaan siyang kausap.

"You never fail to amaze me." Pahayag niya.

"That's what you call tactical skills." Kinindatan ko siya.

Umorder siya ng maiinom niya at nakipagkwentohan sa akin. Ilang saglit pa ay may lumapit sa aking waiter at bumulong na may bibili ng wine.

"Duty calls. Excuse me." Sabi ko kay Rhylan. Bumaba na ako sa kinauupuan ko, bago pa ako makaalis ay tinapik niya ako sa balikat. "Oh, bakit?"

"Mamaya na lang pagbalik mo. Babalik ka pa naman to accompany me here, diba?" Ngayon ko lang yata nakita na kinakabahan si Rhylan. Malamang, hindi naman kami close, diba?

"Tignan natin." Sagot ko at iniwan siyang mag-isa sa bar.

**

Paglabas namin ni Kendra ng Bar 2000 ay may napansin kaming tao na nakasandal sa kotse na parang may hinihintay. Tila narinig yata ang heels namin na tumatama sa semento kaya napatingala ito. Si Rhylan.

"Rhy, anong ginagawa mo rito sa labas? Ang lamig-lamig kaya." Pag-aalala ni Kendra.

"Hinihintay kayong umuwi." Simpleng sagot nito.

"Eh, hindi ka naman namin driver para ihatid mo kami eh. At isa pa hindi ko nga alam na hinihintay mo si Jeff, ah este hinihintay mo kaming umuwi." Pahayag ni Kendra.

Alam ko ang mga paandar niyang ganito eh.

"Nagkausap kami ni Jeff kanina sa bar, pero hindi na siya nakabalik kaya dito na ako naghintay. Alam ko naman na dito kayo dadaan." Paliwanag niya.

"Ah, you know what. Nakalimutan ko na may kailangan pa pala akong importanteng sasabihin sa boss ko. Mabuti pa Rhy, ihatid mo na lang si Jeff kasi matatagalan ako for sure." Pagdadahilan ni Kendra.

"Alam ko ginagawa mo, akala mo hindi ko napapansin iyang ginagawa mo?!" bulong ko sa kanya.

"Gotta go bago pa makaalis ng opisina niya ang boss ko. Rhy, thank you. Ingatan mo best friend ko. Love you, Jeff. Bye, guys.

Naiwan kaming nakatayo ni Rhylan sa parking lot.

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now