- 10 -

7 0 0
                                    

"Let's go?" Tanong ni Rhylan sa akin. "I know you must be tired by now."

"Sure." I gave him a small smile.

Rhylan is a gentleman. Pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse.

"So I was wondering kung free ka tomorrow for lunch?" Habang nagmamaneho ay sumulyap siya sa akin ng saglit.

"Sa totoo lang masyadong busy ang schedule ko. Sa umaga duty sa cafe tapos sa gabi naman promo girl sa bar."

"Pwede ko bang itanong kung bakit dalawa ang trabaho mo?" Marahang tanong niya. Siguro nag-iingat siya na hindi ako ma offend. "If that's weird you don't have to answer though."

"You can ask me any questions you like, no need to feel weird about it. As with your question, you mean to say kung bakit ako nagpopromo girl sa isang bar?" Tumango naman siya. "Actually temporary lang ang pagpopromo ko, sabihin na nating two weeks. Kaya ko lang naman 'to ginagawa para tulungan si Kendra. Ang isa kasi niyang promo girl ay bigla na lang umalis ng walang paalam." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"And tonight? Pang ilang gabi mo na ito?"

"Pang siyam. Five more days to go at balik normal na tao na ako." Natatawa kong sabi.

Nasa tapat na kami ng apartment ko.

"Then we should celebrate your humanity." Nakangiting sabi nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Funny ka rin pala kung gugustuhin mo, noh?"

"Can I confess something?" Seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin.

Hindi ko nagawang sumagot pa sa halip ay tumango na lang ako.

"Remember the night Rafa and I met you? It was refreshing. Kapag kasi nalalaman ng tao kung sino talaga kami they tend to use us to their advantage. That's the reason why it's hard for me na makipagkaibigan sa mga tao sa paligid ko. I guess what I'm trying to say is that, I want to get to know you.......better." Nakatitig siya sa akin habang sinasabi niya ang lahat ng iyon hanggang sa hawakan niya ang kamay ko. "Give me a chance to get to know you. Please, Jeff."

Sa totoo lang ngayon lang ako naging speechless sa buong buhay ko. I mean hindi naman ako NBSB pero siguro ganun lang talaga ang feeling kapag hindi mo inaasahan ang isang bagay.

"Of course. Sure. Ok." Mukantanga lang ang peg ko sa sagot ko. "To tell you honestly hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi mo. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalaki ang difference ng mundong ginagalawan natin." Napakunot naman ng noo si Rhylan sa sinabi ko. "What I mean is that...you know what? Never mind. Nagmumukhang tanga na ako dito."

Nagulat naman ako ng tumawa siya. "Mas lalo ka palang nagiging cute when someone caught you off guard."

Ramdam ko ang pag-init  ng mukha ko nang tawagin akong "cute" ni Rhylan. Mabuti na lang talaga at madilim kung hindi mas lalo akong napahiya.

"Yeah right! Anyway, thank you sa paghatid sa akin. Ingat ka sa pag-uwi."

Nagulat ako ng hawakan ni Rhylan ang balikat ko para pigilan. "Goodnight, Jeff." at hinalikan ako sa pisngi.

"G-goodnight, Rhy." Nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko na hinintay pa na ipagbukas niya ako ng pinto at dali-daling lumabas ng kotse niya tsaka direchong pumasok ng apartment ng hindi lumilingon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now