Chapter Seven

4.8K 316 272
                                    

This story contains mature scenes, read at your own risk. (18+)

Gael looked away when he saw Oliver. Pilit niyang itinuon ang kanyang atensyon sa mga pagkaing nasa kanyang harap. Hindi niya rin alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa dahil sa presensya ni Oliver.

"Are you not going to greet him?" Mario's mom asked her son.

"Mom, I'm with someone and I don't want to bother him as well," Mario replied.

"Oh I see, I'm sorry, anak," she apologized. Muli namang bumaling ng tingin si Mario kay Gael at pilit na ngumiti.

"You seem not close to each other even though you're in the same team," Mario said while eating.

"Huh?" Gael brows furrowed. Narinig niya ang sinabi ng binata pero hindi niya iyon naintindihan.

"You and Oliver seem not okay."

Napayuko si Gael sa sinabi ni Mario sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot sa sinabi ng binata.

"He doesn't like me," pag-amin ni Gael.

"Why?" tanong ni Mario.

Gael breathed heavily.

"Because I'm gay," he told Mario bravely. Gael promised himself that he won't hide anymore. Isa pa, mas mabuting malaman ni Mario ang tungkol sa kanya ng mas maaga. Ayaw niyang dumating sa puntong malaman pa ni Oliver ang bagay na iyon sa ibang tao. Kaya hangga't maari, sasabihin na niya lalo na't mayroon siyang pagkakataon ngayon.

Hindi naman alam ni Gael kung bakit bigla na lamang ngumiti si Mario.

"I like you," Mario said. Napaawang naman ang mga labi ni Gael sa sinabi ng binata. Para bang awtomatikong naghuramentado ang puso niya dahil sa pagngiti ni Mario.

"I mean, I like your honesty and everything about you. I can feel that you are a genuine person."

"T--Thank you," tipid na sagot ni Gael. Suddenly, he felt awkward.

"I wanna be your friend, Gael," sabi sa kanya ni Mario.

"Baka ano ang sabihin ng iba..."

"I don't care about them. I wanna be with you and that's none of their business," mabilis na tugon ni Mario.

Muli, pakiramdam ni Gael ay para bang may kung anong sumundot sa kanyang puso dahil sa sinabi ni Mario sa kanya.

He never felt important like this before.

"M--Masarap nga ang mga pagkain," pag-iiba ni Gael sa usapan.

"I'm glad you like it," nakangiting tugon sa kanya ni Mario.

Wala pa mang isang araw silang magkakilala, unti-unti namang nararamdaman ni Gael ang pagiging komportable kasama ang binata. They talked about random things and most of it was about their sports.

Gael, for the first time, enjoyed someone's accompany aside from Erin.

Nang matapos silang kumain, nagpaalam si Gael upang magbanyo. Hindi naman niya inaasahan na naroroon din pala si Oliver. Sa katunayan, nawala na sa isip ni Gael na nasa iisang lugar pala sila.

Umiwas lamang ng tingin si Gael at naghugas ng mga kamay. Pilit niyang iniisip na wala roon si Oliver pero binasag naman ng binata ang kanyang imahinasyon nang magsalita ito.

"You got another dick, eh?" Napalingon si Gael kay Oliver dahil sa sinabi nito.

Malinaw kay Gael ang sinabi nito at hindi niya iyon nagustuhan. Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang ginagawa at hindi pinansin si Oliver.

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon