Chapter Nine

4.7K 312 186
                                    

This story contains mature scenes, read at your own risk. (18+)

"B--Baka kamukha ko lang," Gael replied, stammering. He looked away from Mario who was staring at him, waiting for his answer. 

"Yeah, as far as we know, Oliver's the coldest human being alive as of this moment," ani Olga.

"Baka nga kamukha mo lang," said Gabo and shrugged his shoulders. 

Nakahinga naman nang maluwag si Gael. Sa totoo lang, ayaw niyang malaman ng ibang tao ang tungkol sa kanila ni Oliver. Gael wanted to protect him. It will be a huge issue if people find out what they were doing. So as much as possible, Gael will do everything to keep it as a secret.

"Are you going to attend the athlete's annual camping next week?" Mario asked Gael. Ang tinutukoy nito ay ang annual camping na para sa mga athletes na kung saan ay mayroong iba't ibang activities na pwedeng salihan ang mga athletes ng buong University. It's free and everyone's looking forward to it. Kahit si Gael ay lagi iyong inaabangan lalo na't kasama niya madalas si Erin sa camp.

"Oo," kaswal na sagot ni Gael. 

"So I will see you?" Nakangiti si Mario. 

"S--Sige," tugon ni Gael. 

"You know what? You look good together," ani Tara habang nakangiting nakatingin sa kanila.

"I think so too," ani Mario. Nakaramdam naman si Gael ng kung ano sa kanyang sikmura. 

"Are you okay?" tanong ni Mario at inakbayan siya. Sa sobrang lapit ng kanilang mga katawan, ramdam na ni Gael ang tibok ng puso ni Mario. 

"O-Okay lang, nag-eenjoy naman ako," Gael replied and flashed a faint smile. Si Mario naman ay nakatitig lang sa kanya.

"What?" tanong ni Gael. 

"I just realized you look really...good." 

Umiwas ng tingin si Gael dahil alam niyang muli na namang namula ang kanyang mukha. Ang tibok ng kanyang puso ay hindi na rin normal at pakiramdam niya, mas lalong nagwala ang kung anong nararamdaman niya sa kanyang sikmura. 

Alam ni Gael na unti-unti na niyang nagugustuhan si Mario at natatakot siya. Natatakot na baka layuan siya nito kung sakaling malaman ng binata na iba na ang nararamdaman ni Gael. 

If only I'm not like this, my life's not complicated. Gael thought to himself.

KAKATAPOS lamang mag-ayos ni Gael ng kanyang mga gamit nang lapitan siya ni Harold, isa sa kanyang mga teammates. Pareho pang basa ang kanilang buhok hudyat na kakatapos lang nilang mag-shower.

"Sumama ka na kasi mamaya, Gael! Dali na, para naman maka-bonding ka namin!" pagpupumilit nito sa kanya. 

Nagpaplano kasi ang mga ito na lumabas mamaya at pumunta sa BGC para uminom at mag-party. Obviously, Gael won't go there. Wala siyang interes sa mga ganoong bagay. Isa sa mga rason ay hindi siya nag-eenjoy lalo na't kapag wala si Erin.

"Ayoko nga kasi, Harold..." pagtanggi ni Gael habang nagsisintas ng sapatos. Si Harold ay isa sa mga teammates niyang mahilig siyang kausapin. Malapit ito sa lahat at kilalang babaero sa kanilang Unibersidad. Mabait din ito kahit kadalasan ay pilyo. Ito rin ang joker ng kanilang team.

"Dali na, sagot naman namin lahat ng inumin. Isa pa, masaya 'yon, para naman maranasan mong mag-party. Ihahatid ka rin namin! Kami ang bahala sa'yo!" pangako nito.

"Ayoko pa rin." 

"Gael naman eh." Harold made a puppy face. 

"Gusto mo lang naman ako isama roon para maraming lumapit sa inyo dahil ang iba ay kilala ako."

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon