Chapter Ten

4.9K 332 253
                                    

This story contains matured scenes, read at your risk. (18+)

Humugot ng lakas si Gael at agad na lumayo kay Oliver na nakatitig lamang sa kanya nang seryoso. Umiwas ng tingin si Gael dahil hindi niya kayang tingnan ang binata. Hindi man maamin ni Gael pero alam niyang miss na niya ito. He missed his smell, his body, and almost everything about him.

He missed Oliver so much.

Nagmamadaling dumiretso si Gael papasok ng rest room at dumiretso sa bakanteng cubicle. He's panting rapidly. Pilit na sumasabay ang kanyang kaba at matinding hilo dahil sa mga alak na kanyang nainom.

"What is he doing here?" tanong ni Gael habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili.

He closed his eyes and slowly breathed heavily. Hindi niya alam kung dahil ba sa tama ng alak ang nararamdaman niya o dahil kay Oliver. Gayunpaman, alam niya pa rin sa sariling miss na miss niya ang binata.

Gael did his business inside the cubicle and stayed there for a few minutes before going out. Nang makalabas, halos malaglag ang kanyang mga panga sa gulat dahil naroroon si Oliver at nag-aantay.

Oliver's arms crossed around his chest while wearing a straight face. Nang magtama ang kanilang mga tingin, muli na namang naghuramentado ang puso ni Gael. Kaunti na lang at aatakihin na talaga siya sa puso dahil sa binata.

"What took you so long?" seryoso nitong tanong sa kanya. Umiwas ng tingin si Gael at dumiretso sa sink para maghugas ng kamay.

"N--Nahihilo kasi ako," dahilan ni Gael. It was one of his reasons but actually, Gael was thinking if he will go back to their table because the chances of Oliver's being there was too high. Ayaw pa rin kasi niya itong makasama.

"Why are you here?" tanong ni Oliver na nasa kanyang gilid. Hindi naman maiwasan ni Gael ang mapatingin sa binata.

"H--Hindi ko rin alam," hilong-hilo na sagot ni Gael. Sa totoo lang, mas lalong tumitindi ang hilong kanyang nararamdaman at kahit si Oliver ay hindi na malinaw sa kanyang paningin.

"Tsk." Narinig ni Gael mula kay Oliver.

"Let's go back there, they are waiting," ani Oliver at laking gulat ni Gael nang bigla niyang maramdaman ang pag-lingkis ng braso ni Oliver sa kanyang bewang at inalalayan siya.

"I can walk, don't worry about me."

"I said let's go," mariing saad ni Oliver at mas humigpit ang pagkakayakap sa kanyang bewang. Wala namang nagawa si Gael at nagpaalalay na lamang sa binata.

I miss you. Gustong sabihin ni Gael pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Wala naman kasi siyang karapatan na sabihin iyon at kung mayroon man, wala rin siyang lakas.

"Did you puke?" tanong nito habang sinusulong nila ang kumpol ng mga tao pabalik sa kanilang lamesa.

"I didn't."

"Good," tugon ni Oliver. Kumunot naman ang noo ni Gael dahil sa tanong nito.

What does he mean? He wanted to ask Oliver.

Nang makarating sa kanilang lamesa, naghiyawan ang kanilang mga teammates dahil naroroon na si Oliver. Si Gael naman ay mabilis na umiwas at bumalik sa kanyang upuan.

"Ang tagal mo. May ganap ka na 'no?" tanong ni Harold sa kanya.

"Ano ka ba? Marami lang tao sa rest room," pagsisinungaling ni Gael.

"My cousin's here, bisexual and top daw, reto kita," ani Harold.

"Harold isa!" Pinanlakihan ito ni Gael ng mga mata.

The Boy Who Swims Like A MermaidWhere stories live. Discover now