Chapter Seventeen

5.1K 367 196
                                    


This story contains matured scenes. Read at your own risk. (18+)

Nagulat si Gael nang may biglang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanya habang kausap niya ang ilan sa kanyang mga teammates. Narinig niya rin ang malakas na hiyawan na nagmumula sa mga basketball players na malapit lamang sa kanilang pwesto. Naghuramentado ang kanyang puso sa labis na kaba at pagtataka. Lumingon din siya sa paligid at nakita niyang nasa kanila ang atensyon ng mga tao.

"Go bro! Ask him if he likes you!" Gael heard someone shouted from the line of basketball players.

Nanuyo ang lalamunan ni Gael at napalunok. Naguguluhan siya sa nangyayari at kinakabahan.

"Hi, I'm Carlos," said the guy and offered his hand for a handshake. Sa labis na kaba na nararamdaman ni Gael, hindi na niya alam ang marapat na gawin.

"I--I'm Gael," nanginginig na saad ni Gael at tinanggap ang kamay nito dahilan para maghiyawan ang mga tao sa paligid.

"If you are thinking that this is a prank or a dare, I assure you that it's not. I really want to have a conversation with you," ani ng binata at napakamot nang bahagya sa likod ng kanyang ulo.

"Hindi ko iniisip iyon," ani Gael at bahagyang ngumiti. Napaiwas naman ng tingin si Carlos at kitang-kita ni Gael ang pamumula ng mukha nito.

"I--I'm a fan."

"Really? Thank you," ani Gael. Unti-unti ng nawawala ang kanyang kaba pero hindi niya pa rin maiwasang mabalisa sa mga matang nakatingin sa kanila.

"I really want to know you more, Gael. Is it okay to get your number?" ani Carlos. Pakiramdam ni Gael ay mas lalong naghuramentado ang kanyang puso. Ngayon lang may naglakas ng loob na humingi ng kanyang numero sa ilang taon niyang pag-aaral sa Unibersidad.

Bigla namang pumasok sa kanyang isip si Oliver. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung ano ang magiging reaksyon nito kung sakaling ibigay niya ang kanyang cellphone number sa lalaking nasa harap niya ngayon. Magagalit ba ito sa kanya? Magseselos? O wala itong pakealam?

Bakit naman siya magseselos? Ano ba kayo? Isang boses ang kausap ni Gael sa kanyang isip.

"S--Sure," ani Gael. Agad namang inabot ni Carlos ang kanyang cellphone kay Gael.

Bahala na.

"Nice one, Carlos!" Narinig ni Gael ang pagsigaw ng ilan na sa tingin niya ay mga ka-team ni Carlos.

"Thank you, Gael. I hope we can see each other after this," ani Carlos at tanging ngiti lamang ang isinagot ni Gael.

Hindi naman sinasadya ni Gael na mapalingon sa kanyang likuran nang may mapansin siyang tumayo. It was Oliver who suddenly went out of the function hall. Narinig pa nga niyang tinawag ito ng mga katabi niya pero parang wala naman itong narinig at nagtuloy-tuloy lamang sa paglabas.

Para namang may biglang nagtutulak kay Gael na sundan si Oliver pero muling nagsalita ang boses sa kanyang isip.

Bakit at para saan?

Nakagat ni Gael ang ibabang labi. Gusto niyang sundan si Oliver, gustong-gusto niya. Pero pilit niyang hinahanap ang dahilan kung bakit.

"Good evening!" Naagaw ang atensyon ni Gael nang dumating na ang emcee at mukhang nagsisimula na ang program.

Muling lumingon si Gael, umaasang bumalik na si Oliver pero wala ito.

"Where's Oliver? Why he isn't here?" tanong ng kanilang coach.

"Coach, he went outside. We were calling him but he didn't respond," ani ng katabi ni Oliver kanina. Bumaling naman ng tingin kay Gael ang kanilang coach.

The Boy Who Swims Like A MermaidWhere stories live. Discover now