Prologue

1.1K 33 7
                                    

AN:Sana tangkilikin niyo ulit.Hehehe.

Tag ulan na naman,pawang nakakabagot kapag ganito ang panahon.Mula sa bintana ng sasakyan tanaw ko ang mga
batang nagtatampisaw sa baha.

Kita ko ang tuwa nila sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at tila maruming tubig na kanilang pinalalaruan.Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ginagawa nila.

Ano kaya ang pakiramdam,ng tulad nilang malaya.

"Lio.."

Napatingin ako sa front seat kung saan naroon si kuya Lawrence.

"Okey ka lang?"

Alam kong nag aalala ito hindi man niya sabihin.Pero alam din naming pareho na wala kaming magagawa sa sandaling ito.

Napatungo na lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa labas.Kung saan patuloy ang buhos ng ulan.Tila nakikisama ang panahon sa nararamdaman kong kalungkutan.

Nakarating kami sa gusali kung saan gaganapin ang seremonya.Hindi ko maiwasan kabahan.Kilala ko lang siya sa mukha at pangalan.Subalit hindi ang pagkatao niya.Hindi ko lubos na inaasahang bata pa lamang nakatali na kami sa isang relasyon.

Nang sabihin ni Ingkong na nasa wastong gulang na ako at kailangan ng maganap ang sinasabi nilang tradisyon.Wala akong narinig na pagtanggi sa mga magulang ko.Parang ganoon kadali sa kanilang itapon ako sa puder nila.

Ramdam ko ang kakaibang trato nila sa akin,simula ng tumuntuntong ako sa edad na labing apat.Hindi ko masabi kung bakit sila nag iba.Pero naramdaman ko na nawala ang atensyon nila sa akin.

Nang magsimula na,ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid.Kahit na akoy natatabingan ng puting tela.

Biglang sumagi sa isip ko na baka dahilan na rin ito para sa bago kong buhay.Marahil dito ko mararanasan ang pagkakaroon ng kalayaan.

Nang maramdaman ko ang palad niyang pinagkrus ang aming mga kamay.Malambot ang mga ito at may kakaibang init akong nararamdaman.

Naayon ang lahat sa kagustuhan ng mga pamilya namin.Tila wala rin itong pagtutol sa nais na mangyari ng kaniyang pamilya.

Bahagya nitong inangat ang telang nakatabing sa akin.Naramdaman ko mga labi nitong dumampi sa aking mga labi.

Dagliang nag init ang aking mukha sa ginawa nito.Mabilis lang din naglaho ang sandaling akala ko may kakaibang sayang dulot ito.Subalit mali na nakita ko ang walang emosyon nitong mga tingin.

Tama nga naman,ano pa ba ang aasahan ko sa kaganapang ito.Kahit siguro siya hindi matutuwa kung matatali siya sa taong hindi niya naman inaasahan.Higit pa roon ay sa kapareho niya pang kasarian.

Masyadong mahaba ang oras na siyang tiniis ko.Mga taong alam ko ay pinagtatawanan ang sandaling ito.
Hinatid kami ng mamahaling sasakyan sa isang bahay.Sa palagay ko hindi lang basta bahay dahil sa laki nito.

Nang maisara nito ang pinto.Saka ko lang napansin na bukod tanging dalawa lamang kaming naririto.

"Just choose any room you want.Im tired."sambit nito at iniwan ako sa gitna ng kalakihang sala.

Ngayon,para bang naghahalo ang mga emosyon sa dibdib ko.Eto na ba?eto na ba ang pagkakataong hinihintay ko?

Miserable Knot(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon