Chapter 6

300 22 10
                                    

NAGLALARO sa isip ko ang mga narinig ko sa ospital.Ngayong alam na rin ni Alexier ang kalagayan ko,iniisip ko kung gusto nga ba niyang magkaanak sa gaya ko.

Araw ng miyerkules,pinilit ko ng pumasok.Hindi ko nga lubos akalain na ihahatid ako nito sa uni.Nagsabi na rin siya sa akin na kapag malalate akong umuwi ay magsabi.Susunduin niya daw ako.

Bago lumabas ng kotse nagtanong pa ito kung dala ko ang mga gamot ko.Lagi ko daw itong dalhin.At kung sakaling makaramdam ako ng kung ano sa sarili ko.Kailangan ko daw itawag sa kaniya ito.

"Absent ka kahapon,bakit?"

Si Walter.

"Nagkasakit kasi ako.Ano ginawa niyo kahapon?"

Wala naman daw ganap kahapon.
Bukod sa mga gumagawa ng mga kaniya kaniya nilang gawain.Nagulat ako ng ilagay ni walter ang palad niya sa noo ko.

"Huy,anong ginagawa mo?"

"Im just checking."

"Magaling na ko."Tumungo lamang ito pero nanatiling nakatingin sa akin.Nakakailang.

Mga anim na oras ang tinagal ng major subject namin.Nagpinta lang naman kami.Nagtanggal agad ako ng headset ng makitang tuyo na ang gawa ko.Kaagad kong pinasa kay Sir Evanglista.

Sabay kaming bumaba ni Walter para mananghalian.Kagaya ng nakasanayan siya ang laging umoorder ng pagkain.Mabilis kasi siyqng nakakaorder lalo na at may kakilala siya dito.

Ginisang gulay at inihaw na salmon ang pagkain ko.Habang kumakain,may lumapit sa amin.

"Hello po,"bati nito.Simple lang ang dating nito.Maliit ang mukha at tsinita ang mata.

Bumati rin kami marahil recruter ito sa mga club.

"FB niyo po sana?"

Napatingin ako kay walter.Napatigil ito sa pagkain.Napatingin ako sa babae kay walter ito nakatingin.
Napangisi ako.

"Huy,FB mo daw."pang aasar ko.
Napatingin si Walter sa akin,napasimangot.

"May FB ako pero may syota na ko."parang papel na nilukot ang mukhang babae.Napaatras ito at saka nagmadaling umalis.

"I felt bad for her.Ang dali mong iturn down yung tao."

"Kesa naman masaktan siya ng matagal.Mas mahirap yun kasi mas lumalalim yung sakit."taas na talaga ang kamay ko kay walter parang beterano na sa pag ibig.

"Oo na,ikaw na talaga.Pero totoo nga na may syota ka na?"

"Wala naman talaga.Kung inspirasyon lang kasi tama na yung nakakapag aral ako at yung pamilya ko."may parte talagang nasisiyahan ako sa ugali ni walter.Matured mag isip.

"Pero mas buo ang araw ko kapag kasama kita."

Lately mahilig siyang magbiro sa akin.Mga patama na hindi ko naman siniseryoso.

Isang subject lang naman din ang meron kami ngayong araw.Bale mga ala dos,pwede na kaming umuwi.Ang kaso nagyaya ang mga iba naming kaklase na magliwaliw.

"Hindi ako pwede."

Maraming nagreklamo sa pagtanggi ko.Kahit papaano may mga kakilala na ako sa kanila.Idagdag na rin ang pang uudyok ni Walter sa akin.

"Ge na,sama ka na para naman hindi ako maout of place sa kanila."pagmamakaawa nito.

"Ikaw?mao-OP?Eh lahat yan kakilala mo."

Tatawa tawa pa ito pero nakikiusap pa rin sa akin.Medyo naawa ako dahil sinasabayan pa siya ng mga kaklase namin.Kaya wala akong pagpipilian kung hindi pumayag.

Napagkasunduan naming hindi ako lalagpas ng alas quatro.Siyang tuwa naman ng mga ito.

Sa rooftop ng isang dormitoryo kami nagset up.May kaniya kaniyang bili ng pagkain pero hindi ko akalaing may binili rin silang mga alak sa tincan.

Hindi ko lang alam paano nila ito nailusot gayong mga nakauniporme kami.

May hawak ng gitara si Luis,siyang nagyaya sa amin.At kaagad namang inagaw ito ni Walter.

Syempre surpresa na naman ang dala ng lalaking ito dahil sinimulan niya na ang pagkalabit sa kwerdas ng gitara.

Lahat kami nakikinig lamang sa pagkanta niya.

Nang sandaling banggitin nito ang mga salitang iyon,pawang nakapako lamang ang mga mata nito sa akin.
Nag iwas tingin ako sa kaniya.

Oo nga at wala akong alam pagdating sa  larangan ng pag ibig,pero hindi naman ako manhid.Dahil alam ko sa sarili ko kung paano mahulog sa isang tao.

"Hindi ka ba iinom?"

Napailing agad ako.Kakagaling ko lang sa ospital.

"Hmm.Sabagay kakagaling mo lang pala sa sakit."nakatingin ako sa mga gusaling natatanaw ko.Maganda siguro dito pagsapit ng dilim.

Yung tipong parang fairylights ang mga ilaw sa mga kabahayan at building.

"Sino nag alaga sayo nung may sakit ka?"

Napatigil ako sa pagmumuni.
Biglang pumasok yung mga ala ala ko sa ospital.Kahit panandalian lang yun,nakita ko kung paano siya naglabas pasok sa kwarto ko para intindihin yung mga laboratory ko.
Doon din siya nanatili ng kinagabihan.

Saka pinili niyang bilhan ako ng pagkain sa labas.Alam niya naman daw kasing hindi ganoon kasarapan ang pagkain sa ospital.

Nang sandaling iyon,doon ko naalala si mommy at kuya Lawrence noong bata pa ako.The way they cared for me,pero unti unting naglaho kung paano nila ako tratuhin ng sumapit ako ng ikalabing isang taong gulang ako.

Nang malaman nila na isa akong omega.

"H-hindi naman ganoon kalala saka dala lang ng pagod kaya dinaan ko lang sa pahinga kahapon.Saka huwag kang uminom ng marami baka malasing ka."

Pinitik ko yung noo niya baka sakaling itigil niya yung iniinom niyang alak sa lata.

"Tss,hindi ako madaling malasing saka sabay pa tayo uuwi.Kung alam ko lang na may sakit ka,inalagaan na kita.Yung gaya mo hindi dapat pinapabayaan."

Bakit habang nagsasalita siya nararamdaman ko ang sinseridad sa mga ito.Sa mga nangungusap niyang mga mata.

"HOY!Lovebirds may motel diyan sa malapit!"

Kusa akong nag iwas ng tingin.Narinig kong nagtatawanan ang mga ito.Ito minsan ang inaalala ko.

Alam kong unti unting natatanggap ng lipunan ang ganitong seksuwalidad subalit naroon pa rin ang malaking katatawan sa ilan,lalo na ang panghuhusga sa mga ito.
Kaya naisasantabi ko yung saya dahil sa pangamba at takot.Siguro sa ibang gaya ko matutuwa dahil tila nasa akin na ang lahat subalit may mga bagay na hahangarin mo rin na maging normal na lang.

Bumalik kami sa uni.Sa tapat kasi ng main gate may jeep doon papuntang Otis.Papasok kami sa uni para makadaan sa main gate at doon sumakay.Medyo malayo kung iikot kami sa gilid ng Uni.

Naglalakad kami ni Walter kasama yung dalawa naming kaklase.Yun nga lang sa ibang daan sila bago pumasok sa gate ng exit area.

Nakapasok na kami ng Uni kaya dalawa na lang kami.Wala ng gaanong estudyante.
Ngayon ko lang napansin,lagpas alas cinco na ng hapon.

Pansin ko namang kanina pa pasinghot singhot si Walter sa tabi ko.Tinanong ko kung may sipon ba siya o ano?

Ang sabi niya niya may naaamoy daw siya.Hindi niya lang alam kung saan galing.Mabango daw at nakakahalina.
Inasar ko siya,baka gawa ito ng alak kay kung anu anong nasasagap.

Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now