Chapter 3

347 21 4
                                    


"Kuya!"boses kung saan.

Sinundan ko ng tingin ang kanilang tinitignan.Masaya itong papalapit sa amin.

"Finally,"nagyakapan ang dalawa.Magkahawig ang dalawa sa mukha at tindig.Mas matangkad nga lang si alexier kaunti dito.

Galing pala sa ibang bansa ang kapatid nito.At ngayon lamang ulit ito naka uwi dahil doon ito nag aaral bilang doktor.

"Are you Lio Sebastian?"tanong nito sa akin.

Humingi siya ng paumanhin sa hindi pagdalo sa pagtitipon ng araw na iyon.Sa nakikita ko malapit ang dalawa sa isat isa.Sa aming magkakapatid si kuya Lawrence lang ang siyang nakakausap ko.Madalas niya akong kinakamusta lalo na kapag ito'y nasa ibang bansa para sa trabaho.Kaiba sa kapatid kong si Leon na may sariling mundo.

Dumadami na ang mga tao sa tahanan nila.Habang si Alexier naman ay kasama si Alexander.Nag uusap ang dalawa.

"Masyado nilang namiss ang dalawa."napatingin ako sa nagsalita.Hindi maitatago ang kagandahan nito.Nakatingin ang mga mata nito sa di kalayuan.Malalantik ang mga pilik mata na bumagay sa bilugan nitong mga mata.

"Casey nga pala."nilahad nito ang kaniyang kamay.Na akin namang tinanggap.Habang hawak ang aking kamay tila may napansin ito sa akin.

"Hmmm..Alam ko na!isa kang omega di ba?"napalingon ako sa paligid.Abala ang lahat sa kaniya kaniyang usapin.

"Paano mo nasabi?Saka.."

"Mag iingat ka.Madaming tigreng maaaring lumapa sa gaya mong tupa.Saka i don't know why alexier married an omega.At the first place,may kasintahan siya sa US."higit kong ikinabigla ang sinabi nito.

Subalit kung iisipin bakit kailangan kong ikadamdam ang mga ito.Maaaring nakaraan niya ito.At kasal na naman kami kaya wala na akong dapat isipin pa sa bagay na ito.

May sasabihin pa sana si Casey,subalit kaagad siyang tinawag ng kaniyang kapatid.Maya maya ay napansin kong palapit na ang magkapatid sa akin.Para bang may napag usapan ang magkapatid na hindi maganda dahil sa emosyon sa kanilang mukha.

Umiwas ng tingin sa akin si Alexander saka tumungo sa mga magulang.Natapos ang aming salu salong hindi nagkikibuan ang dalawa.

Nang makapagpaalam sa mga magulang nito,tahimik lamang ito sa buong byahe.

"Alexier,salamat.Nag enjoy ako."

Tumungo lamang ito bilang tugon saka pumasok sa kaniyang silid.Ako naman ay pumasok na rin sa aking silid saka binuksan ang laptop.Pero bago iyon nagpalit na muna ako ng damit.Checkered pants at loose t-shirt ang sinuot ko.

Tinignan ko muna ang email account ko.Sakto naman na may isang mensahe sa spam.Napangiti ako dahil sa wakas nag reply na rin sila.

Nang sundan ko ang private group nila sa fb.Marami nga talagang writers na naghahanap ng artist para sa gawa nila.

Minabuti kong ipagpabukas ang pagpapadala ng mensahe sa kanila.

Kinabukasan,nagmadali akong pumasok.Walang Alexier ang sumalubong sa akin.Marahil may importante itong gagawin kaya't maagang umalis.

Sa University,maraming estudyante ang nagkalat.Pinili kong mag suot ng plain white tee shirt at beige pants.Tinernuhan ko na lang ng white rubbershoes.

Mabuti na lamang at hindi ako nahuli sa klase.Medyo hindi ko pa kasi ganoon kakabisado ang lugar namin para maghanap ng masasakyan.

Kaniya kaniya kaming drafting tables.Medyo may kataasan ang silya ko.Mabuti na lamang nakipagpalit ang katabi ko.

"Walter nga pala."pakilala niya.

"Lio"Sa buong klase namin puro pagpapakilala lang at mga basic na aralin ang ipinaliwanag ng prof namin.

Niyaya din ako ni Walter pumunta ng canteen.Marami ng tao ng makarating kami.

Siya na ang umorder ng makakain namin dahil na rin sa mahaba ang pila.May kakilala siya sa isa sa mga may ari ng stalls.

Matangkad ng ilang pulgada ito sa akin.Moreno at may pagkabumbayin ang mukha nito.Maganda ang mga mata niya lalo na at malalantik ang mga pilik mata nito.

Saglit pa man ay nakarating na ito dala ang tray na naglalaman ng dalawang pinggan ng fried rice,grilled pork chop at may kasamang gulay.Sinamahan pa ng dalawang basong tubig.

"Pasensya na at natagalan."inayos niya ang kainan naming dalawa.Hindi naman ako makakilos dahil parang ayaw niya rin paabala sa ginagawa niyang pag aayos nito.

Mabuti na lang at busy ang mga kalapit naming estudyante sa pagkain nila.Kung hindi marahil baka pagtinginan na kami ng mga ito.

"So,ang sabi mo dyan ka malapit sa Otis nakatira.May kamag anak din akong nakatira din doon sa malapit."

Tumango lamang ako habang hinihiwa ang laman ng karne mula sa kutsara't tinidor.

"May kasabay ka bang umuwi mamaya?"napahinto ako sa pagnguya.Alanganin ang tanong niya.

"Kung wala sabay ka na lang sa akin.Boring kasi kapag mag isa lang bumyahe."

"W-wala."Napangiti naman sa akin ito.Ayoko sanang bigyan ng kahulugan ang mga ngiti at titig nito sa akin.Subalit nararamdaman ko namang mabait si walter.

Isa pang subject ang dinaluhan namin pagkatapos magbigay ng mga materials na dapat bilhin.

Napagpasyahan namin ni Walter na dumaan sa National para bumili.Makwento ito sa buong byahe at minsan napapatawa ako sa mga biro niya.

Matagal tagal din bago kami nakalabas sa Robinson.Nagkataon kasing rush hour at maraming tao sa mall.

"Paano ba yan,kita na lang ulit tayo bukas.Text mo ko kapag nasa bahay ka na."

Pasimple kong tinapik ito sa braso."Huy,hindi ako babae para sabihan ng ganyan."

Napaismid  naman ito.

"Tsk.Kung tulad mong maputi at makinis,idagdag pa na mukha kang babae.Baka mapag samantalahan ka dyan sa daan."

Tinawanan ko lang ito at sa huli hinatid ako sa sakayan ng tricycle.

Nang maka uwi naabutan kong maliwanag na ang labas ng gate.Tanda na nakauwi na si Alexier.

"What took you so long,it was already 9 in the evening.Hindi ba hapon pa lang dapat nandito ka na?"

Galit?Parang galit ang tono ng pagsasalita nito sa akin.

"B-bumili kasi ako ng mga art materials ko."

Napatingin siya sa mga dala ko.Kaya't nakahinga ako ng maluwag.

"Okey,I ordered some foods bago ako umuwi.Tara na."

Saka ko lang napansing bihis na pala ito ng kaniyang pambahay.Marahil kanina pa siya dito.Hindi ko maiwasang mapangiti,hinintay niya pa ako para lang sabay kaming kumain.

_

A/N:Naging sakitin ako ng mga nakaraang linggo.Buti na lang may maalaga akong kuya.Sana okey lang din kayo.Stay safe guys.

Not edited

Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now