Chapter 2

396 26 8
                                    


Hindi kami gaano nag usap habang kumakain.Kung ano lang ang tinatanong niya ay ayon lang din ang sagot ko.Tumungo na ito sa silidniya habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin.

Siguro bago matulog kailangan ko munang ayusin ang ilang gamit ko sa silid.Para kung sakaling makabili na ako ng study table ko.Mabilis ko ng mailalagay ang mga ito.

Nang matapos maglinis sa kusina.Kaagad kong tinanggal ang apron.Subalit pagharap ko saka ko naman na abutan si Alexier na nakasandal sa pintuan.Kaagad akong nag iwas ng tingin.

"M-may kailangan ka ba?"

"Yes.Come with me."rinig kong sabi nito.Napansin kong may dala siyang tool box.Tinignan ko ang orasan at alas nueve na ng gabi.

Sabagay sabado naman kinabukasan.Wala siyang pasok subalit ano kayang gagawin niya?

Pumunta kami sa sala.Saka itinulak ang package niya agad niya itong binuksan at saka ko napansin ang nasa loob.Kailangan niya nga naman nito lalo na at nakikita kong nag uuwi siya ng mga ilang papeles galing trabaho.

May kalakihan ang lamesa.Pero may mga drawer itong mga kasama.Maganda ang disenyo nito.

Medyo nahirapan siya sa paglalagay ng mga screws.Umabot kami ng isa't kalahating oras sa pagbuo.Nang matapos,agad kong niligpit ang mga pinagbalutan nito saka tinapon.Naabutan kong inilalagay niya na ang mga drawers sa ayos nito.

"You liked it?"tanong nito habang nakapamewang na nakatitig sa akin.

"Oo naman.Bagay ito sa kwarto mo."hindi ko alam kung paano ko na sabi ito.Nahihiya akong ngumiti.

Dahil may mga gulong naman ito sa ilalim tinulak niya ito.Subalit nagulat ako ng ipasok niya ito sa aking silid.Sakto naman ang lapad nito kaya madali niyang naipasok.Ang ipinagtataka ko lang..

"A-alexier,bakit dito mo ito ilalagay.Hindi ba.."

"I saw you yesterday.Your room was filled of things.And i know you will need this thing."Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

Nag aalangan akong tumanggi sa kaniya dahil alam kong kailangan niya ito.Sa pagkakataong ito hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa tapat ng pintuan ng silid niya.

"Look."binuksan niya ang pinto saka niya ipinakita ang silid niya sa akin.Doon ko nakita ang malinis at napaka kumportableng silid nito.Siguro nga hindi niya kailangan ng bagay na yoon.

Ngayon mas nakapukaw ng atensyon sa akin ang palad nito.Mainit na bumabalot sa aking mga kamay.

Tila napansin niya sa iba nakapukaw ang atensyon ko kaya mabilis kong binawi ang kamay ko.

"What can you say?"

"T-thank you."hindi ko maiwasang mahiya lalo na nang maramdaman kong nakatingin sa akin ito.

"I forgot, mommy and daddy invited us for dinner. Tomorrow."
sabi nito nang akmang aalis na ako.

"O-okay."

Nang makapasok sa aking silid mabilis akong naghalungkat ng masusuot.Ilang damit ang kinuha ko sa aking kabinet at sinukat.Hindi ko maitago ang pagkasabik at kaba na rin.Ngayon lang may nag imbita sa akin.Buong buhay ko,daig ko pa ang may sakit sa balat para layuan ng mga tao sa paligid ko.Tanging ang aking silid ang naging mundo ko.Labasan ng sama ng loob at lumbay.

Napatitig ako sa labas ng bintana,may mga bituin sa langit.Siguro,panahon na rin para palayain ko ang sarili ko sa takot at lungkot.

Kinabukasan,maaga ako gumising para ayusin ang study table na ibinigay niya sa akin.Sa drawer ko inilagay ang mga pintura at brushes ko.Sa lamesa naman ang mga sketchpad at mga ilang libro ko.

Inilatag ko sa kama ang mga susuotin ko.Habang nag aayos,biglang nagring ang cp ko.Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Hey,"bungad nito.

"Hello,napatawag ka?"

"Libre ka ba?Tara kain tayo sa labas."

Masaya ako dahil sa sinabi niya subalit nakiusap ako na hindi maaari ngayong araw.Pumayag naman ito at nagbiro"Dami mo ng utang sa akin ah..Naku…sana matuloy na ang date natin sa susunod."

Date?

"Friendly date,ibig kong sabihin.hehehehe"pahabol nito.

Matapos ang usapan namin ni Santi.Nagpasya akong magtungo sa kusina para kumain.Ika sampu na ng umaga,kumuha ako ng keso,strawberry jam at tinapay.Habang naglalagay ng jam sa tinapay siya namang punta ni Alexier din sa kusina.Tumungo ito sa refrigirator at kumuha ng gatas.Pansin kong hindi ito mahilig sa kape.

"Weird."sabi nito.Pasimple akong tumingin sa kaniya at ngumiti.

"Gusto mo?"inabot ko sa kaniya ang sandwich na ginawa ko.Hindi ko alam kung magugustuhan niya gaya ng panlasa ko.

Nag aalangan man,kinuha niya ito at kumagat.Nakita ko ang bawat pagnguya niya.

"Its weird but…great."saad nito.

"Quarter eleven then were heading out."sabi nito habang hawak pa din ang tinapay.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang paalis na ito ng kusina.Subalit kaagad itong bumalik.Kumuha ng isang baso at nagsalin ng fresh milk.

Kinuha nito ang kamay ko at pinahawak ang baso na may lamang gatas.

"Now were even."

--

Maganda ang panahon at sa kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa tahanan ng kanilang pamilya.May halong takot at kaba ang nararamdaman ko.

Ang pamilyang Brahm ang siya ngayong pinakamalaking investor ng bansa mula sa ibat ibang panig bansa.Iniisip ko tuloy ang bigat ng responsibilidad ni Alexier sa kanilang pamilya.Pangatlo ito sa apat na magkakapatid.

Sa mga araw na nakakasama ko siya,unti unti kaming nagiging malapit.Pero kung ako ang tatanungin sa estado ng relasyon namin,siguro matututunan ko rin ang mahalin siya balang araw.

Malaki ang tahanan nila,masasabi mong sila talaga ay may karangyaan sa buhay.Sinalubong kami ng mga magulang niya mula sa balkonahe nilang hardin.Nahihiya akong bumati sa kanila.Dahil na rin sa nakakaangat ang pamumuhay nila kaysa sa estado ng pamilya ko.

Alam ko naman ang bagay na iyon subalit hindi gaya ng inaasahan ko.Mahigpit akong niyakap ni Mrs.Brahm.

"Kamusta ka na iho,hindi ka ba napagod sa byahe?"tanong nito.Tila ako'y natuod ng mga oras na iyon.

"M-maayos naman po."

"Glad your okay.Come and join with us."yakag nito sa akin habang nakangiti.

Magkakasabay kami umupo at kaagad kaming pinagsilbihan ng mga tsaa.

"Kamusta naman bilang mag asawa?"bungad na tanong ni Mr.Brahm.

"Ano ka ba naman Honey,alam mo naman na hindi pa ganoon kadali para sa kanila.Pero im sure,magiging okay din ang lahat para sa kanila."Si Mrs.Brahm.

Sumang ayon naman si Alexier sa ina.Wala naman akong maisip na tugon dala na rin na nahihiya ako sa kanila.Sa totoo lang,masyadong mainit ang pagtanggap sa akin ng mag asawa.Mabait ang mga ito kung titignan mo sila punong puno ng pagmamahalan sa isa't isa.Kagaya ng mabulaklak na hardin sa paligid nila.

"Kuya!"boses kung saan.

Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now