Chapter 5

314 21 5
                                    

NAKATINGIN ako sa labas,pinagmamasdan ang mga gusaling nadaraanan.

Araw ng linggo,kaya napagpasyahan naming pumunta sa mansyon ng pamilya ni alexier.Mayroon din kasing pagsasalo magaganap.

Nagring ang phone ni alexier subalit kaagad niyang kinansel ang tawag.Napansin ko ang pagiging mainitin ng ulo nito nang mga nakaraang araw.

Kaya iwas din ako sa kaniya ng mga sandaling iyon.Gusto ko man siyang tanungin kung anong problema.
Hindi ko naman alam kung saan magsisimula o dapat ba.

Pagkarating sa mansyon,nanatiling nakasunod lamang ako sa kaniya.

"Lio,kamusta ka na?"ang mama nito.

"Okey naman po.May dala po kaming cake."

"Nag abala pa kayo."dinala kami sa mahaba nilang hapagkainan.Naroon ang lolo nila.

Noong unang beses kong makita ito medyo mabigat na ang pakiramdam ko.Mahahalata mo na ang pagiging dominante nitong pag uugali.

Tahimik kaming umupo sa kalagitnaang bahagi ng lamesa.Halos kumpleto ang lahat ng angkan nila.
Nang mag umpisa ng kumain,hindi ako makadama ng gutom.Lalo na nang pansin kong may mga matang nakatingin sa akin.

"Alexier,balita ko successful ang ginawa niyong partnership ng Andrada Corp.Balak pa nilang mag invest sa kompanya natin."ang papa nito.

"Yes,they've already signed the contract."

Tila nagulat ang ama nito.Maganda daw ang takbo ng pamamalakad ni Alexier sa negosyo.Mabilis niyang nakukuha ang mga transaksyon.
Subalit kung maayos naman pala ang trabaho nito,bakit mainit ang ulo niya nitong mga nakaraang araw.

Natapos ang salu salo at ngayon naman nandito ako sa kwarto ni alexier dito sa mansyon.Medyo malaki ng konti ang silid nito dito.
Kakaunti lang ang mga gamit,pero naka organize ang mga ito.
Napansin kasi ng mama niya ang kawalan ko ng gana sa pagkain.Naisip nitong marahil pagod ako dahil sa byahe.

Naisipan kong tumingin tingin sa mga gamit ni alexier.

May mga libro siya dito pero lahat tungkol sa pagnenegosyo.May mga tropies din siya dito.Para galang sa mid school year niya.Nakapukaw ng pansin sa akin ang isang maliit na picture frame.

May larawan itong grupo sila ng mga basketball player.Seryoso ang mga mukha nila sa larawan.Subalit may isang namumukod tanging nakangiti sa kanila.

Tumingin tingin pa ako sa lamesa nito.Isang alahas ang napansin ko.Nagandahan ako kay tinignan ko ng malapitan.Nang hawakan ko ito saka ko nakita ang tila nakaukit na mga letra dito.

TRISHA

Iyon ang nakalagay sa bracelet.
Palaisipan man,kaagad ko ng ibinalik ito sa kinalalagyan nito.

Sumadal ako sa sofa na narito sa kwarto niya.Habang napapatingin sa paligid.Hindi ko na malayang nakatulog pala ako.

Subalit gayon na lang din ang gulat ko ng nasa kama na ko.Gayon na lang din ang gulat ko ng makita si Alexier sa tabi ko.

Nakaharap ang mukha nito sa akin.Kaya malaya kong napagmamasdan ito.

Hindi ko naman maitatanggi na gwapo siya.At mahahalata mo ang pagiging prominente at matikas nitong dating.

Dahan dahan akong tumayo sa kama.At naisipang lumabas.Medyo tinatawag na kasi ako ng kalikasan.Dahil malaki ang mansyon nahirapan ako sa pasikot sikot nitong kanto.Marami pang pinto.
Naisipan kong magtanong sa kung sino mang makakasalubong ko dito kung sakali.

May balkonahe akong nadaanan at may taong nakatayo dito.
Lalapitan ko na sana ng biglang magsalita ito.Doon ko nalamang si Alexander ito.

"KAILAN PA?!What did i told you?Paano siya nakawala sa pagbabantay niyo?Hanapin niyo siya bago niya maisapang makalabas ng bansa."

Ang kaninang pasulong kong lakad ay naging paatras.Hanggang sa nagmamadali na akong makaalis ng lugar na iyon.

Hindi ako sanay makarinig ng mga ganoong usapan.Lalo pa at bumabalik sa isipan ko ang mga kaganapang iyon.

Sa sobrang kaba ko hindi ko namalayang may mababangga ako.
Dahil na rin sa ako ang humahangos ako ang nawalan ng balanse.
Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga sandaling iyon.Naramdaman ko na lang na may mga kamay na humahawak sa braso ko.

At malabong tinig sa pandinig ko.Nang makita ko ang taong nasa harap ko saka naman unti unting nagdilim ang paligid ko.

--

"Are you okay?"

Si alexier.Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko.

"A-anong nangyari..bakit ako nandito?"

Tila nagtaka rin siya subalit naging mahinahon at umupo sa tabi ko.Nasa ospital pala ako.

May swero ang isa kong kamay.
"Hindi mo maalala anong nangyari sayo?"

Umiling ako.Ano nga bang nangyari?

"Well,its okay magpahinga ka muna.Lately nagiging abala ka rin sa school works mo kaya madalas late ka na rin nakakatulog."

Napapansin niya pala ako,marahil sa sobra ko ding busy sa paggawa sa loob ng kwarto ko.Naaabala ko siya.
May pagkakataon kasing nagmomold ako para sculpture mismo sa loob ng silid ko.Syempre may oras na maingay lalo na kapag pinapakinis ko ito.

Pumikit ulit ako ng sandaling tumayo si alexier.Matutulog ulit ako yun ang balak ko.

Pero nakarinig ako ng pagbukas sara ng pinto.

"Kamusta siya?"

"He's fine."

Mag uusap ata ang dalawa.Pero hindi ko na idinilat ang mga mata ko.Mukhang pagod talaga ako.Masakit pa ang kalamnan ko.

"Base na rin test namin,okey naman siya.Marahil dala rin ito ng sign na parating na ang ovulation ng pasyente."

Hindi ko narinig ang pagtugon ni Alexier dito.Anong ovulation?

"Its a form na maaaring makaranas siya ng in heat.Kaya dapat maingat siya sa mga gagawin niya sa mga susunod na araw.Kadalasan buwan depende kung kailan siya susumpungin nito.Kaya dapat din siyang ingatan lalo na kung hindi siya makakainom ng mga meds niya."

"What if hindi niya mainom ang gamot niya?What will happened?"
Tumikhim muna ang kausap ni alexier.Batid kong seryoso ang sasabihin nito.

"Kaagad siyang magdadalang tao.It will take a risk lalo na kung hindi kakayanin ng katawan niya ito."

Magdadalang tao.

Magdadalang tao.

Paulit ulit kong pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi nito.Hindi ko alam na ganito pala ang mararanasan ko.Akala ko kwento kwento lang ang lahat.Akala ko ang hindi lang kaaya aya sa pagiging omega ay siya nitong kahinaan sa pisikal.

Pero ang magdalang tao?hindi ko lubos akalain ito.Ngayon alam ko na kung bakit binibigyan ako ni kuya Lawrence ng mga gamot.Dahil pala dito,alam pala nilang maaaring mangyari sa akin ito.Pero bakit?

Bakit kailangan kong pagdaanan ang bagay na ito.Sa dami raming tao bakit ako pa.

A/N:Pawang kathang Isip lang which gawa gawa ko lang ha?Baka seryosohin na naman ng iba diyan.Igoogle pa.Heheher..May isa pa akong Works.Medyo bet ko ang Genre.Baka magustuhan niyo si Mikael.

Sana lang matapos ko itong dalawang kwentong to.May pagkabatugan pa naman ako.Kung ano lang maisip ko sa utak ko.Ayun na yun.Hindi rin ako nag eedit kapag ongoing.Simple lang.

Tamad ako.

Miserable Knot(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon