CHAPTER 1

525 30 3
                                    


Tila magaan ang pakiramdam ko ng maimulat ko ang mga mata ko.Matagal bago ko naisipang bumangon ng kama.Pinili ko ang silid na malayo sa silid niya.

Ayokong maging abala sa kaniya.Lalo pa at tila mabigat ang responsibilidad niya sa kanilang negosyo.

Mayaman ang pamilya nila.Sikat sa pag eexport ng mga mamahaling disenyong bag at sapatos.

Bata pa lang naririnig ko na ang apelyido nila sa mga usapan ng mga magulang ko.May mga nababanggit na pagsososyo sa mga ilang negosyo bukod pa doon nalaman ko rin na kasama sila sa mga elite alpha.

Pawang mga alpha ang buong lahi ng mga ito bukod sa prominenteng pamumuhay.

Inaayos ko agad ang mga damit ko mula sa maleta.At kaagad nilagay sa kabinet.Matapos nito ay naglinis agad ako ng sarili saka binitbit ang wallet at cp.

Tahimik sa paglabas ko ng sala.Halatang umalis na ito dahil wala ang sasakyan sa garahe.Pangalawang araw ko na sa pananatili sa tahanang ito kaya't sanay na ako sa ganitong sitwasyon.

Mas maganda ang dating sa akin dahil aanhin mo ang tahanan na kasama mo ang iyong pamilya kung ang tingin naman nila sayo ay basura.

Marahil natutuwa na sila ngayon dahil nakatali na ang apelyido nila sa mas kilalang pamilya sa bansa.

Naisipan kong pumunta sa malapit na coffee shop.Umorder ng isang ice coffee at banana cake.Habang nagpapalipas oras naisipan kong magscroll sa feed account ko.

Dahil pribado ang kasal namin.Maraming hindi pa rin nakakaalam na kasal na siya.Subalit heto at naiuugnay pa rin sa kung sino sinong babae.Modelo,artista,singer at maging anak ng bise presidente ay sinasabit sa kaniya.

Sa ganoong sandali napansin kong may umupo sa katapat kong silya.

Napatingin ako rito,saka naman siya ngumiti sa akin na parang magkakilala kami.

"Hi,Daniel nga pala."pakilala nito.Pilit akong ngumiti.

"Bago ka lang ata sa area.Kahapon pa kita napapansin dito.I guessed sa malapit ka lang nakatira."dagdag pa nito.

Anong masasabi ko sa kaniya?bukod sa madaldal ay mukha naman siyang mabuting tao.Disente kung manamit at hindi papahuli ang itsura nitong pang all star player sa basketball.

Inubos ko muna ang pagkain sa bibig ko.Saka siya muling tinignan.Nakangiti pa rin ito sa akin.

"Dyan lang ako sa malapit.And im Lio."tugon ko.Mas lalong nagningning ang mga mata nito sa sinambit ko.

"Sinusundan ko yung mga gawa mong painting kada exhibit.Sayang lang lagi akong nauunahan sa pagbili."

"Anong department ka pala?"tanong ko dito.Computer Engineering pala ang kinukuha niya madalas din pala siyang pumunta sa mga art fest na dinadaos namin tuwing buwan ng pebrero.

"Madalas kasing nagpapareserve na yung mga bumibili ng mga artworks namin.May mga natutulungan din kaming mga ampunan sa nalilikom naming pondo."

Sa tuwing nalilikom namin yung mga pera kaagad kaming naghahanda kinabukasan para pumunta sa ilang ampunan.Nagbibigay ng pagkain,gamit at mga laruan para sa mga bata.At sa tuwing ginaganap ito,nakikita ko ang tuwa sa mga mukha ng mga bata.Kahit na walang magulang na kinagisnan,maaari mo rin palang ituring na pamilya ang kapwa mo.

Maliwanag na ang loob at labas ng bahay.Tanda na may tao sa loob nito.Nadaanan ko rin ang sasakyan nitong nakaparada na garahe.

Pagkapasok sa pinto naabutan kong nakaupo ito sa sofa.Nakapatong ang laptop sa mga binti nito.

"You're late,where have you been?"tanong nito.Mahinahon naman ang boses niya kaya hindi ako kinabahan sa pagsagot.

"Diyan lang sa main street.Nag ikot ikot lang."tugon ko.

"Next time,dont be late."sinang ayunan ko naman ito.Kaagad naman akong nagtungo sa silid ko para magbihis.

Saka ko naman binuksan ang dalawang kahon para sa mga art materials ko.Inuna ko ang mga pang pinta ko.Nagmadali akong lumabas patungo sa banyo.Tuyong tuyo na pala ang paint brush ko.Saka mamadali kong ibabad ito sa tubig.Hindi ko napansin na may tao pala sa loob ng shower area.

Parang natulos ako sa aking kinatatayuan.Hindi ko inaasahan ang hubog ng katawan nito.Tila hinubog ito ng matinding pag gym.

Mabuti na lamang at naka hot shower ito.At natatakpan ng usok ang salamin ng shower area ang parteng iyon.

Aligaga kong pinatay ang gripo at kinuha ang mga gamit ko.Sa paglabas ko,ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.Bakit ba kasi iisa lang ang banyo dito?

"Tss.."inis ako napapailing sa aking sarili.

Kinabukasan,nagbabalak akong pumunta ng mall para bumili ng study table at mga lalagyan ng gamit ko.

Sa pagkakataong iyon nakarinig ako ng mga katok.

"I have a package.Receive it."saad nito ng pagbuksan ko ng pinto.Papasok na rin ito ng trabaho.

"S-sige."

Minsan hindi mo talaga maintindihan ang ugali ng isang tao.Natutuwa ako sa parteng hindi siya naiilang na kausapin ako.Subalit madalas mainit ang ulo niya lalo na pagkagaling ng trabaho.

Naroon na magdadabog siya sa pagsara ng kaniyang pinto,minsan naman masamang tingin ang naipupukol niya sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami.May pagkakataon din naman na parang curious siya sa mga gawain ko sa bawat araw.

Haist.

Kaagad akong nagtext na ipagpapaliban ko muna ang lakad namin ngayong araw.Pumayag naman ang kasama ko.Bandang hapon na ng makarating ang package ni Alexier.May kalakihan din ang kahon.

Kinagabihan,dumating na siya.Pansin ko ang pagod sa kaniyang mukha.Minadali ko ang niluluto kong tinola.Sa totoo lang hindi ako maalam sa pagluluto.Pero dahil nasa sitwasyon ako na hindi gaya ng dating pinagsisilbihan.Kailangan kong matuto sa mga bagay bagay.

Inihanda ko agad ang lamesa at saka naglagay ng ulam doon.Sakto naman ang pagdaan niya sa kusina nang matapos ako.Napatingin ito sa niluto ko.

"You cooked?"tanong nito na siyang kinatango ko.

Lumapit siya sa hapag kainan.Saka ibinaba ang bag nito.Umupo na rin ako at hinintay na tikman ang luto ko.Sana ay makapasa sa panlasa niya.Pinanood ko lang tutorials ng pagluluto nito online.

Laging take out ang mga kinakain ko,hindi ko rin naman masabi kung kumain na siya sa tuwing darating siya.Naiilang akong magtanong lalo na kapag napapansin mainit ang ulo niya.

"Taste good."saad nito ng humigop ng sabaw.

Napangiti naman ako dahil unti unting umiwalas ang mukha nito.Nagsimula na rin akong kumain.

"May gagawin ka ba mamaya?"

"W-wala naman.Bakit?"

Tumango lang ito saka nagpatuloy kumain.








Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now