Chapter 7

463 32 12
                                    

HINDI niya ako pinapansin.Kahit hindi niya sabihin alam kong galit siya.Ilang araw ng ganito si Alexier.
Naabutan kong naroon na siya sa bahay ng gabing iyon.Ramdam kong hindi siya mapakali ng sandaling makita ko siya sa sala.

Huli na nang makita ko ang mga tawag at mensahe niya sa phone ko.
Pinili niyang maging mahinahon kahit kita sa mukha niyang galit na ito.Ngayon,wala kaming klase dahil sa bagyo.

Dahil sa maulan,nagluto ako ng mushroom soup.Nagluto ng mix veggie saka burger patty.Yun lang kasi ang mabilis lutuin at ang tirang stocks sa ref.

Kanina bago ito umalis,tinitigan lang ako nito.Subalit ko alam kung may nais iparating ang mga ito.

Habang inilalagay ang patty sa pinggan,kaagad kong narinig ang maingay na tunog mula sa phone ko.
Nang mailagay ang pagkain sa pinggan mabilis kong sinagot ang tawag.

"Musta?walang paramdam."

Napapalatak naman ako sa drama ni Santi.Hindi ko pa masabi sa kaniya ang kalagayan at estado ng buhay ko.Kahit na ramdam ko ang malinis niyang intensyon bilang kaibigan.

"Gusto mo puntahan kita sa bahay niyo?Wala akong magawa dito,nakakaumay.Hang out tayo."

Ilang beses na akong tumatanggi sa mga pang iimbita niya sa akin.Ngayon naiisip ko na malulungkot ito kung sakaling tanggihan ko siya ulit.

"Hindi kasi pwede dito sa bahay.Pero kung gusto mo dyan na lang tayo sa bahay niyo.Ano?"

Ramdam ko ang pagkabuhay ng reaksyon niya.Kumain muna ako saka nagmadaling kumilos.Pero naalala ko bigla si Alexier.

Mukhang hindi magandang aalis ako ng hindi nagpapaalam sa kaniya.
Kaagad ako nagtext sa kaniya.Ilang minuto bago siya sumagot.

Ibinigay ko ang address ni santi.Nagtanong pa ito kung anong oras ako susunduin.Sinubukan kong sabihin na ako na ang uuwi mag isa.Ngunit hindi siya pumayag.

Malaki ang bahay ng pamilya ni Santi.Sa tarangkahan pa lang mula sa labas ng bahay nila.Masasabi mong may kaya ang pamilya.

Sinalubong ako nito.Abot tenga ang ngiti nito.

"Finally!Alam mo magtatampo na talaga ako sayo.Tara pasok na tayo sa loob."

Kaagad na sumalubong sa akin ang malaking portrate ng pamilya nila.Apat silang magkakapatid at kabaligtaran ng ibang pamilya sa larawan.Pawang nakangiti ang buong miyembro ng pamilya.

"Nasa sala sila mommy at daddy.Gusto ka nilang makilala."

Kung anong sigla ni Santi,ganoon din ang magulang nito."Ikaw pala si Lio,lagi kang nakukwento ng anak ko."

Ngayon mas nalulungkot ako dahil hindi ko maihalintulad ang sarili ko kay Santi.Sana sa ganitong pamilya rin ako namulat.

"Santi,dalhin mo muna siya sa room mo.Tutulungan ko lang ang mommy mo sa paghanda ng hapunan.Dito ka na kumain mamaya iho."sabi ng daddy nito.

Alam kong hindi magandang maramdaman ko ito.Pero kainggit ingit ang mayroon si Santi at Alexier.
"Are you okay?Kanina ka pa walang imik."

"N-naku masaya kaya ako.Saka ang ganda kaya ng bahay niyo.Saka kasama mo pa pamilya mo."

Pinilit kong ngumiti.Ayokong maging malungkot si Santi ng dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Dahil tag ulan,niyaya ako nito ng board games,kwentuhan at saka nagpakita ito ng mga larawan niya simula pagkabata.

"Alam mo alam kong marami pa akong dapat malaman sayo.Siguro hindi pa sapat itong panahong pagkakakilala natin.Pero maaari mo akong pagkatiwalaan."

Kasalukuyan kaming nanonood ng palabas sa laptop nito.

"Maraming salamat kung ganoon.Alam ko namang totoo kang tao.Mapagkakatiwalaan.Pero palagay ko,hindi ko pa kaya sa ngayon."

Napatikhim si Santi,at napatingin sa akin na may ngiti sa labi."Ayos lang,basta kaibigan na ang tingin mo sa kin."

--

MATAPOS ang hapunan,masaya akong nagpaalam sa pamilya ni Santi.

"You were always welcome here iho,"nakita man ang ginang para bang may nagbabadyang luha sa mga mata nito.

Kanina ko pa sila napapansin.Parang may kung ano sa akin.Kung tignan nila ako.

Nang magpaalam ako sa kanila.Kaagad ko naman narinig ang busina mula sa labas.

Lumabas ng kotse si Alexier na may dalang payong.Maulan kasi maghapon.Inabangan ako nito sa mismong labas ng gate.

"A-alexier..Si Santi nga pala.Kaibigan ko."

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Alexier.Nagulat siya kanina ng makita si Santi.

At sa isang iglap,nagtangis ang mga tingin nito sa katabi ko.

Kaagad akong hinila ni Alexier papunta sa kaniya.Doon ko naramdaman ang tensyon sa dalawa.

"GET INSIDE THE CAR!"

Mabilis akong pumaroon.Habang nanatili sa kanilang mga kinatatayuan ang dalawa.

Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Santi.Tanda na may sinasabi ito.Subalit ganoon naman kalakas ang buhos ng ulan.Kaya hindi ko maunawaan ang usapan ng dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now