Chapter 4

299 26 8
                                    

Not Edited..

"Oh,sino kasabay mo pagpunta sa gallery?"napatigil ako sa pag guhit.

Ibinaba ang lapis ko at napaisip.Bakit kailangan pa ng kasabay,kung kaya ko naman?

"Ako at ang sarili ko."pagbibiro ko.

Napatawa naman ito at napapailing.Si Walter yung tipo ng taong maaasahan at masayang kasama.

"Tsk,kung ganon sabay na tayo.Para naman makapagdate tayo."para akong nasasamid sa sinabi niya.

Actually,wala akong pinagsasabihan sa kung anong mayroon kami ni Alexier.

Hindi kaaya aya sa pandinig ng iba kung sakaling may maka alam.Wala naman kasing kapani paniwala sa ganitong tradisyon.

At higit sa lahat,maging katatawanan ang kondisyon ko.

Noong sabado bumisita sina mommy at kuya lawrence na siyang ikinagulat ko.Sa pagkakaalam ko kasi kahit kailan hindi nagkaroon ng oras para sa akin si mommy.Lagi silang abala ni daddy sa negosyo.

Marahil ngayon kasi na may silbi na ako sa pamilya namin.Kaya ganito sila sa akin.

Binigyan ako ni kuya ng mga gamot.Reseta ito ng doktor ko simula pagkabata.Lubos ang paalala sa akin ni kuya lawrence na mag ingat at alagaan ang kalusugan ko.

Tanging kay kuya lang talaga ako malapit.

Sumapit ang break time namin ng makatanggap ako ng mensahe kay santi.Gusto niyang makipagkita.
Niyaya ko siya sa kalapit na Mcdo sa labas ng campus.Nang makarating ako,nakita ko agad siya sa labas ng entrada.

"Bilis mo ah"

"Dala ko kotse ko."sabi nito sabay kindat.

Umorder kami ng cokefloat,burger at fries.Nag umpisa ang kwentuhan namin sa kamustahan.Niyaya rin ako sa party na magaganap sa pamilya nila.

"Daan na kita sa gate.Pauwi na rin naman ako.Ikot na lang ako sa kabilang daanan ng school."aniya.

Sakay sa RAV4 Hybrid nitong sasakyan.Nagkwentuhan pa kami.

"Asahan kita sa linggo.Sunduin kita sa bahay mo."

"N-naku hindi na.Basta text na lang kita."

Paakyat na ako ng building ng makasalubong ko si Walter.Isang subject na lang naman at uwian na.Sabay kami nito pumanhik.

"Nakita kita kanina.Sino yung kasama mo?RK lang?"

"RK?"

"Rich Kid.Nakakotse kasi saka mukhang hindi basta basta."

"Kaibigan ko lang yun.Ikaw kasama mo sila madelyn kanina.Crush mo yun di ba?"

Tumawa naman siya.

"Sus,iba ang crush sa love."

Paano naging iba.Ang alam ko kapag lumalim ang paghanga mo sa isang tao.Nagugustuhan mo na ito at kapag lumalim pa maaaring mapunta sa pagmamahal.

"Minsan kasi nagbabago ang nararamdaman ng isang tao.Maaaring mahalin mo siya katagalan pero maaari ding pansamantala lang.Dahil pwede rin maglaho.Kaya para sa akin depende yan sa antas ng nararamdaman mo.Label kung baga."paliwanag nitong ikinatango ko lang.

"Marami ka na sigurong karanasan sa pag ibig?"

"Hindi naman.Pero tama ng sabihing matututo ka."

May mga aspeto talaga ang tao na kapag may napagdaanan,gustong ibahagi sa iba.Hindi sa gusto niyang ipakita ang kamalian o pagkabigo marahil gusto lang mag bigay aral.
Tatlong oras din bago makalabas ng room.Ang sistema kasi,mag iiwan ng gawain ang prof.Bahala ka kung gagawin mo o hindi.Basta sa pasahan may ipapasa ka.

Sa parking lot kami dumaan dahil sarado na ang main entrance.Saktong napadako ang mata ko sa taong iyon.
Napahinto ako sa paglalakad.Hindi ako namamalikmata.Dahil unti unti itong lumapit sa akin ng makailang kurap ako.

"Tara na,kanina pa ko kinukulit ng gwardiya."

Kinuha niya ang mga dala ko.Napatingin naman ako kay walter.

Ngayon hindi lang siya ang nakatingin sa akin maging ang mga kaklase ko rin.

Hindi ko magawang magpaalam kay walter.Nang makasakay ako sa sasakyan nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.Hanggang sa paalis na kami nanatiling nakatayo pa rin ito sa kinatatayuan niya.Habol tingin sa amin.

Habang nasa daan,hindi ko maiwasang mapaisip.Ano ang sasabihin ko sa kaniya bukas.Isa sa mga ugali ni Walter ay mausisa.

Halos kilala ko na ang kalahati ng buhay niya.Makwento siya.Samantalang ako,walang maibahagi sa kaniya.Dahil hindi ko rin naman alam kung dapat bang ibahagi sa kaniya ang kakaibang sitwasyon ko.

Ayokong magbago ang nararamdaman niya sa akin.

Lalo na at naging malapit na rin siya sa akin.

"Who is he?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Kaklase ko."

Seryoso ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.

"Did he know."

"H-hindi."

Saglit siyang napatingin sa akin.Mahirap basahin ang takbo ng isip ng tao.

Pagkauwi sa bahay,nagpahinga ako sandali.Saka nagsaing atnaghanda ng makakain.

Nang maluto ang ulam kaagad akong pumunta kay Alexier para yayain ito.
Sa pagkatok ko sa pinto nito,kaagad niya ako pinapasok.Nakatutok ang mga mata nito sa laptop niya.May iilang folders din ang nakasalansan sa lamesa niya.

"What do you want?"

Nanatiling nakatingin sa ginagawa niya.

"Nagluto ako,kain na."

Matagal bago siya tumugon.

Pero tumayo din kalaunan.

Nauna na akong tumungo sa kusina at nagmadaling isalansan ang mga gamit.Inayos ko na rin ang mga ginamit ko sa pagluluto.

"Aaah!"

Nakita ko ang mabilis na paglabas ng dugo mula sa hiwa ng kamay ko.

"WHAT HAPPENED?!"

Hindi ko maintindihan pero para akong naestatwa sa nakikita kong sugat sa kamay ko.

Naramdaman ko na lang na may tubig na bumubuhos dito mula sa gripo at mabilis na pinunasan ng bimpo.

Hindi ko makita ang pag aalala sa mukha niya subalit pinapanood ko kung paano niya gamutin ang sugat ko.

"Is it hurts?Tell me,dadalhin kita sa ospital."

Umiling ako.

"Hindi naman.Mababaw lang ang sugat."

Kaagad kong inagaw ang kamay ko sa kaniya.Sana ganito na lang lagi ang nararamdaman ko.

Manhid.

Hindi ko iniinda ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.Kung bakit kasi hindi na lang ako naging normal.Kung pwede lang daanin sa dasal at hilingin na mawala ang sumpang ito.

Sana..

Pasado alas onse ng magising ako.Nilalamig ako kaya pinatay ko ang AC.Medyo mainit ang noo ko ng kapain ko ito.

Nagpasiya akong kumuha ng tubig dahil sa tila natutuyo ang lalamunan ko.
Umiinom ako ng tubig sa kusina ng makarinig ako ng boses mula sa labas ng bahay.

Sumilip ako sa bintana malapit sa pinto.

Si Alexier.

Hawak ang phone nito may kausap niya.

"Stop him.I knew this is all he wanted at the beginning."

Tila galit siya sa kausap.

"Fuck!"

Kaagad na akong bumalik sa kwarto.Normal na magalit siya,subalit anong dahilan.At sino ang kausap niya?

Miserable Knot(BL)Where stories live. Discover now