Chapter 2

43 2 0
                                    

Patuloy lang kami sa paglalakad. Namamanhid na din ang paa ko sa kakalakad pero hindi nagtagal ay abot tanaw ko na ang matayog na pader at tarangkahan ng palasyo. May mga gwardiyang nakaitim na nakatayo bawat isang metro ang layo. Sa itaas din ng matayod na pader ay mga gwardiyang nakapula ang mga nakatayo.

"Nang dito na ang Heneral! Buksan ang tarangkahan!" Malakas na sigaw nung isang gwardiya na nakatayo malapit sa tarangkahan.

Agad naman itong bumukas at maya-maya lang ay nasa loob na kami ng palasyo ng Mafisya. Napanganga ako sa aking nasaksihan. Magaganda ang disenyo ng mga gusali na may mga pader bawat isa na para bang isang pamayanan din ang mga ito sa loob ng palasyo. Inilibot ko ang aking paningin at napansing maraming mga gwardya ang naglilibot kasabay ng ilang mga kababaihan na nakayuniporme ng mga pang-dama.

"Wag kang magpakalat-kalat dito ulit kong gusto mo pang makita ang pagsikat ng araw bukas!" Isang matinis pero malakas na sigaw ng isang babae na nakadamit ng magarbo ang nakakuha ng pansin ko, sa harapan nito ay isang dama na nakayakap sa kanyang sarili habang pinapalibutan sila ng gwardiya.

"Kamahalan pasensya na po kayo, nararapat po ako'y iyong parusahan" Umiiyak na sabi nung dama, hindi naman sumagot yung babaeng nakasuot ng magarbo at naglakad nalang palayo habang yung dama naman ay umiiyak parin na binitbit ng mga gwardiya.

Ilang minuto pa kaming naglalakad hanggang sa marating namin ang isang malawak na lugar na pinalilibutan ng mga matatayog na bahay, siguro sa mga maharlika at sa harap namin ay ang pinakamalaki sa lahat ng mga bahay dito. Ito na siguro ang centro ng kaharian. Ang palasyo ng hari't reyna.

"Magbigay galang sa Mahal na Prinsipe" Napatingin ako sa tinitignan ng mga tao, lahat ay napayuko sa papalapit na lalaki sa amin. Nakasuot siya ng kulay asul na kasuotan at nakasunod sa kanya ang apat na mga lalaki, dalawa nito ay gwardya at anim na mga babaeng dama.

Lahat kami ay napayuko. Wala akong gaanong alam tungkol sa palasyo dahil narin nasa dulo ng kaharian ang aming tahanan kaya hindi na gaanong nakakarating sa amin ang mga balita dito. Basta ang alam ko lang ay pinamumunuan kami ng hari at reyna at ang tagapagmana nito ay ang itinalagang 'crown prince' o ang prinsipe mismo.

Palihim kong sinulyapan ang Mahal na Prinsipe at sa totoo lang hindi ko maiwasang mamangha sa aking kagandahan ng mukha at pangangatawan niya. Halatang alagang-alaga.

"Ito na ba ang lahat ng magiging mga bagong tagasilbi ng palasyo?" Rinig kong taanong ng Mahal na Prinsipe sa nakayukong Heneral na nagdala sa akin rito.

"Opo kamahalan " Magalang na sagot sa kaniya ni Heneral.

"Ilan silang lahat?" Tanong ulit ng Mahal na Prinsipe.

"Anim na daan po lahat ng mga bagong kababaihan na tagasilbi, Mahal na Prinsipe" Hindi na sumagot ang Mahal na Prinsipe.

Maya-maya lang ay pinapahati kami sa sampong grupo. Sa bawat grupo ay itinalaga kami sa bawat tungkulin na aming gagampanan. Ako naman ay natalaga sa grupo ng mga taga-paglinis. Ng matapos kaming paalahanin sa mga batas ay isa-isa na kaming pinapasunod ng mga mayordoma ng bawat grupo namin. Ilang minuto lang ay narating namin ang palasyo ng mga taga-pagsilbe sa paglilinis. Bago makapasok ay pinahanay muna kami at hinati na naman sa iba't-ibang gawain. Natalaga naman ako bilang tagapaglinis ng Palasyong Sue, ang palasyo ng Pangalawang asawa ng Mahal na Hari. Pagkatapos ng mga ilang pagpapaalala ay isa-isa na kaming pinapasok sa isang pinto at bawat isa sa amin ay binigyan ng mga kagamitan at damit.

Kasalukuyan akong nakahiga  ngayon dahil bukas pa daw kami magsisimulang magtrabaho, kanina din kasi ay itinuro sa amin kung saan lang kami pwede pupunta at ngayon nga lang ako talaga nakapagpahinga pagkatapos ng ilang oras ng paglalakad. Hindi pa natutulog ang mga kasamahan ko dito sa kwarto at panay ang pag-uusap nila at pagpapakilala sa bawat isa, hindi naman ako nakisali pa dahil inaalala ko sila Ina at Ate Mi. Sampung taon na din kasi simula ng namatay ang ama ko sa sakit at kaming tatlo nalang ang naiwan. Si Ate Mi at Ina ang umasikaso sa mga gawaing bahay habang ako naman ang pumalit sa mga gawain ni Ama dahil ako din ang madalas niyang kasama kapag ginagawa niya ang kaniyang mga gawain, at ngayong wala na ako sa tahanan namin nag-alala ako sa kanila. Pero tiyak naman akong may makakain sila ngayon dahil kaninang umaga bago ko pinakain yung mga kabayo ay nangaso na ako sa kagubatan. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala sa kanila. Sandali pa akong nakatingin sa kisame hanggang sa hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

Nawa'y palagi kayong nasa maayos na kalagayan Ina, Ate Mi. Hanggang sa muli nating pagkikita. Hindi rin kasi biro ang limang taon. 

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now