Chapter 3

28 2 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising gaya ng nakasanayan ko. Tulog pa ang mga kasamahan ko at hindi pa sumisikat ang araw. Naghanda nalang ako para masimulan na ang aking gawain saka lumabas.

"Anong pangalan mo?" Agad akong humarap at bahagyang yumuko sa mayordoma namin, si Madam Sissy.

"Fu po ang aking pangalan Madam Sissy" Nakayuko kong sabi. Hindi siya sumagot at lumapit nalang sa akin saka niya inangat ang mukha ko gamit ang hintuturo niya.

"Bakit maaga kang nagising, tatakas ka ba?" Agad akong umiling at nagpaliwanag.

"Nasanay na rin po kasi akong maagang magising dahil sa pamilya namin ako po ang naghahanap ng pang-ulam namin" Tumango-tango siya.

"Mabuti at may babaeng tulad mo dito kaya simula sa araw ngayon ikaw na ang magiging malapit na dama sa akin, direkta ka naring makakatanggap ng mga utos ko at ng mga kamahalan, naiintindihan mo?" Tumango ako.

"Opo, naiintindihan ko po" Tumango din siya saka may kinuha sa bulsa ng saya niya.

"Ito pala ang palatandaan mo" Sabi niya lang at isinuot sa akin ang isang pares ng hikaw na mahaba, mga isang pulgada ang haba at ang tanging disenyo nito ay isang pulang bilog na gawa sa kahoy.

"Ikaw lang din ang natatanging nakapasa sa aking unang pagsubok Fu" Dagdag niya pa at tinignan ako ng mabuti.

"Hindi ko isinali kahapon ang pagsubok ko na ang unang magigising ngayon ay makakatanggap ng parangal mula sa akin at binabati kita sapagkat ikaw lamang ang nanalo" Napangiti naman ako sa kanya.

"O siya tapos na ang usapan sumama ka sa akin at tayo maghahanda ng paligo at panglinis para kay Lady Sue" Agad naman akong sumunod sa kanya at pumunta na kami sa Palasyong Sue, ang tahanan ni Lady Sue, ang pangalawang asawa ng Hari. 

Pagdating namin doon ay agad na kaming pumasok at ilang pasikot-sikot pa sa loob ng palasyo bago namin narating ang malawak na paliguan. Sa gitna ay ang malaking paliguan na gawa sa kahoy .

 Inutusan ako ni Madam Sissy na lagyan ito ng tubig na agad ko namang sinunod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 Inutusan ako ni Madam Sissy na lagyan ito ng tubig na agad ko namang sinunod. Nag-igib lang ako ng tubig mula sa labas kung saan may kahoy na bariles.

 Ng nasa gitna na ang taas ng tubig ay sinabuyan naman ito ni Madam Sissy ng mga talulot ng rosas at binuhusan din ng mga likido na ang babango

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 Ng nasa gitna na ang taas ng tubig ay sinabuyan naman ito ni Madam Sissy ng mga talulot ng rosas at binuhusan din ng mga likido na ang babango. Pagkatapos naming ihanda ni Madam Sissy ang paliguan ay iniwan niya muna ako doon sandali para sunduin si Lady Sue.

"Sino siya?" Rinig kong sabi ng isang boses babae. Hindi ako sigurado kong siya ba si Lady Sue dahil hindi kami pwedeng tumingin sa kanya o sa iba pang mga maharlika hanggat hindi nila sinasabi.

"Siya po ay si Fu, Lady Sue isa sa mga bagong tagapagsilbi na nakarating dito kahapon" Hindi ko narinig ang sagot ni Lady Sue at tanging pagtatampisaw niya lang sa tubig ang narinig ko. Hindi naman ako gaanong nagtagal doon dahil pinabalik na ako ni Madam Sissy sa Palasyo ng mga taga-pagsilbe para gawin ang iba ko pang mga gawain, lalo na ang paglalaba kong saan ako natalaga.

1 buwan ang lumipas...

Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang pananatili ko sa loob ng kaharian. Isang beses lang din ako nakapunta sa palasyo ni Lady Sue dahil ang mga araw na dumating ay palaging nasa Palasyo ng mga tagasilbe lang ako, naglilinis o di kaya ay naglalaba ng mga damit.

Kasalukuyan akong nagwawalis ngayon sa hardin ng mapansin ko ang mga gwardiyang papalapit. Doon ko lang napansin na ang Mahal na Prinsipe pala ang paparating. Agad akong yumuko bilang pagbibigay galang sa kanya habang naglalakad siya ay insaktong tumigil sa aking harapan ang Mahal na Prinsipe kaya mas yumuko pa ako.

"Ano ang iyong pangalan dama?" Rinig kong sabi ng Mahal na Prinsipe.

"Fu, Fu Ongsaeng po ang aking pangalan Mahal na Prinsipe" Sagot ko at mas yumuko pa at di ko inaasahang  muntikan na akong masubsob sa lupa dahil sa sobrang pagyuko kung hindi lang ako nahawakan sa balikat ng Mahal na Prinsipe.

 Agad na nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kung nahawakan niya ako dahil sa aking katangahan.

"Patawad po Mahal na Prinsipe hindi ko po nais na ako'y iyong mahawakan" Sabi ko at yumuko na sa lupa. Ang simpleng paghawak kasi ng sino man sa mga maharlika ay isang kasalanan dahil kaming mga tagasilbe ay itinuring na marumi kung kaya't hindi kami karapat dapat na mahawakan ni dulo ng daliri o isang hibla lang ng buhok namin.

Dahil sa kaba hindi ko maiwasang maiyak at pilit pinapakalma ang aking sarili. Patawad Ina at Ate Mi baka hindi ko na matupad ang aking pangakong babalikan ko pa kayo. Mukhang dito na pala magtatapos ang buhay ko.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now