Chapter 18

12 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Umiiyak na niyayakap ko ang katawan ni Fu ng dumating ang ilang gwardiya pati na ang doktor. Agad ko namang binuhat si Fu papasok sa loob at inihiga sa aking higaan. Ng mailapag ko na siya ay inutusan ko namang higpitan ang seguridad saka lumapit kay Fu na nakatakilid na nakahiga.

"Mahal na Prinsipe maaring sa labas lang muna kayo?" Agad akong umiling-iling.

"Di-to lang ako" Pilit kong pinapakatatag ang boses ko pero hindi ng yari iyon.

"Mahal na Prinsipe" Tawag ulit sa akin ng doktor saka ko lang hinawakan sa mukha si Fu at mabilis na hinalikan sa labi.

"Parang awa Fu gumising ka" Sabi ko saka ako tuluyang lumabas sa silid. Ng makalabas na ako agad kong pinaalis muna ang mga tagasilbe at doon na ako tahimik na umiiyak habang hinihintay ang paglabas ng doktor. Nakaupo lang akong naghihintay at umiiyak hanggang sa hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

NARRATOR'S POV

Nasa kalagitnaan ng pagbabasa ng mga sulat ang Mahal na Hari ng pumasok ang kanyang personal na tagasilbe at iniulat nito ang nangyari sa palasyo ng Mahal na Prinsipe.

"Ano?!" Galit at hindi makapaniwalang sabi ng Mahal na Hari saka siya mabilis na tumayo at tinungo ang palasyo ng Mahal na Prinsipe.

"Mahal na Hari" Lahat ay nagsiyukuan at lumuhod ng pumasok ang Mahal na Hari sa palasyo ng Mahal na Prinsipe, sandali nitong inilibot ang paningin ant agad niyang napansin ang dugong nasa sahig na nililinis ng mga tagasilbe.

"Ang anak ko?" Nag-alalang tanong ng hari sa personal na tagapagsilbe ng prinsipe.

"Nasa loob po siya Mahal na Hari" Mabilis namang naglakad ang hari papasok at inutusan niya ring manatili na lamang sa labas ang kaniyang mga tagapagsilbe. Mag-isang pinasok ng Mahal na Hari ang loob patungo sa silid tulugan ng prinsipe at doon niya nakita ang kaniyang anak nakaupo habang nakaharap sa pinto at natutulog.

"Peri" Agad niya itong nilapitan saka niyugyog ng bahagya ang balikat ng anak para magising ito.

"A-ama" Gulat na sabi ng Mahal na Prinsipe ng makita niyang nasa harapan ang kaniyang ama.

"Anak ko" Gumaan ang loob ng Mahal na Hari ng makita niyang maayos lamang ang kanyang anak saka niya ito niyakap.

"Mabuti't maayos ka" Mahinang sabi ng Mahal ng Hari habang yakap niya ang kaniyang anak.

"Ayus lang ako ama pero si Fu, siya po ang tumanggap ng palasong para sana sa akin" Parang bata na pagsusumbong ng Mahal na Prinsipe sa kaniyang ama. Napatango-tango naman ang Mahal na Prinsipe saka niya hinalikan sa ulo ang kaniyang anak habang niyayakap at pinapatahan na niya ito.

"Ama may nagtatangka na naman po sa buhay ko" Pagsusumbong ng Mahal na Prinsipe.

"Alam ko. At pangakong hindi ko hahayaang pati ikaw ay mawawala sa aking piling Mahal kong Anak" Sabi ng Mahal na Hari saka niya hinarap ang kaniyang anak at may sinabing plano.

PRINCE PERI'S POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng init sa aking paanan. Agad akong napamulat at nakitang nasa silid ako na kilalang-kilala ko, ang silid-tulugan ni Ama. Agad akong napabangon at kahit hindi pa ako nakapagayos ay agad na akong pumunta sa aking Palasyo. May kaba akong nararamdaman habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking palasyo.

"Mahal na Prinsipe!" Bati sa akin ng mga tagasilbe pero hindi ko ito pinansin at mas binilisan pa ang aking kilos at dumiretso sa aking silid-tulugan. Ng makarating ako doon agad ko itong pinasok. Para akong binagsakan ng malaking tipak ng bato ng makita kong wala si Fu o ang doctor doon, malinis na ito na para bang walang nangyari dito kagabi.

"Nasaan si Fu?" Tanong ko kay Luwen na nasa labas. Nagtataka niyang inangat ang kaniyang paningin saka siya umiiling na yumuko na ikinagalit ko.

"Lahat kayo magsilabasan kayo!" Galit na sigaw ko at agad naman silang nagsiyukuan at tuluyang umalis. Ng makaalis na sila mabagal at parang nanghihinang lumapit ako sa higaan saka ako napayuko dito.

"Fu" Mahinang usal ko sa kanyang pangalan at napaiyak na lamang.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now