Chapter 16

13 1 0
                                    

FU'S POV

"Ang bango!" Marahan akong natawa ng makita ko ang mukha ni Peri. Peri, ang gandang pangalan at kay sarap bigkasin.

"Dali! Bilis! Ang bango!" At siya na mismo ang humila sa akin palapit sa nagtitinda ng lomi. Oo, lomi.

"Manang dalawang mangkok po at kanin" Sabi ko sa nagtitinda at nagbayad. Agad naman niyang inabot sa akin ang dalawang mangkok na umuusok pa.

"Bilis Fu" Sabi ni Peri at umupo sa bakanteng lamesang pandalawahan. Bitbit niya ang aking binili. Maya-maya lang ay...

"Haha ang sarap!" Nakangiting sabi ni Peri saka inubos ang ika-anim na mangkok niya ng lomi.

"Isa pa!" Natawa nalang ako at saka mabilis na bumili ulit at ibinigay sa kanya.

"Ang sarap nito Fu" Sabi niya habang sumusubo at umiinom ng sabaw. Maya-maya lang ay natapos na din si Peri sa pagkain.

"Nabusog ako doon ah" Sabi niya saka hinihimas-himas ang tiyan niyang umumbok ng kaunti dahil sa kabusugan niya. Naglakad-lakad lang kami sa pamilihan habang nagpapatunaw ng kinain ng may nakita akong nagtitinda ng mga palamuti.

"Doon!" Ako na ang humila kay Peri at nilapitan ang aling nagtitinda. Marami siyang panindang palamuti sa buhok, mukha, mga damit at iba pa pero ang nakakuha ng paningin ko ay yung magkatabing kwentas na ang disenyo ay araw at sa loob nito ay ang buwan na gawa sa kahoy.

 Marami siyang panindang palamuti sa buhok, mukha, mga damit at iba pa pero ang nakakuha ng paningin ko ay yung magkatabing kwentas na ang disenyo ay araw at sa loob nito ay ang buwan na gawa sa kahoy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mura lamang yan kaya bilhin mo na" Nakangiting sabi ng ale kaya napangiti din ako saka tumango.

"Bibilhin ko na Ale. Ikaw Peri may gusto ka bang bilhin?" Tanong ko habang kumukuha ng barya sa supot na dala ko.

"Wala na gusto ko lang maranasan yun" Sabi niya sabay turo sa mga nagliliparang mga parol. Kinuha ko muna ang binili ko at nagpaalam sa ale bago ko hinila si Peri papalapit sa tabing dagat kong saan may mangilan-ngilan na ang nagpapalipad.

"Mag-gagabi na pala" Nakangiti kong sabi.

"Ah Peri dito ka lang muna huh?" Tumango naman si Peri saka ako tumitingin-tingin sa paligid para makabili ng parol.

PRINCE PERI'S POV

Gabi na ng nakabalik si Fu habang hinihingal at may bitbit na dalawang parol sa magkabilang kamay na nakatukod sa kanyang tuhod.

"Fu ayus ka lang ba?" Agad ko siyang tinulungan ng mapansing hinihabol pa niya ang kaniyang hininga.

"Ayus ka lang ba?" Agad naman siyang tumango at humarap na sa akin ng may ngiti.

"Hahaha naghanap kasi ako nito" Sabay pakita niya sa dalawang parol na bitbit niya at ayun naman ang kakaibang saya na nararamdaman ko.

"Huh! Grabe muntikan pa akong nakipagsuntukan doon sa lalaki mabuti nalang at agad akong nakabayad at tumakbo. Hahaha" Dagdag niya pa at tumawa pero kabaliktaran ito sa aking nararamdaman dahil nagalala ako sa sinabi niya.

"Hindi mo na sana ginawa yun" Sabi ko at pinahiran ang noo niyang may pawis.

"Bahala na basta sa ikakasaya mo, oh tingnan mo!" Sabi niya at namamanghang tumingin sa kalangitan kong saan maraming paputok na nagbibigay ng magagandang kulay sa gabi.

"Ang ganda" Namamanghang sabi ni Fu kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Mas maganda ka" Sabi ko habang nakatingin sa kanya at napatingin naman siya sa akin.

"Oh oras na!" Nakangiting sabi niya at doon ko lang napansing nagpapalipad na ang ibang tao ng parol.

"Dali-dali" Hinila niya ako papalapit sa isang bata na nagsisindi saka niya sinindihan ang parol naming dalawa.

"Humiling ka Peri" Nakapikit na sabi ni Fu habang hawak ang parol niya sa isang kamay at ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa aking kamay. Sinunod ko siya at humiling din.

Sana'ay palaging tayong magkakasamang dalawa. Hiling ko at saka nagmulat ng mata at napatingin kay Fu na nakatingin na din pala sa akin.

"Handa ka na ba?" Tanong niya. Tumango naman ako saka sabay naming binitawan sa kawalan ang parol naming dalawa.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now