Chapter 8

18 1 0
                                    

NARRATOR'S POV

Ng makaalis na ng tahimik si Fu sa palasyo ay siya ring pagpasok ng isang tagasilbe sa Palasyo ng Mahal na Prinsipe. Agad itong pumasok sa loob at kinuha ang pagkain nakahanda sa tapat ng pinto at tahimik itong inilabas at itinapon. Pagkatapos nitong gawin ay agad itong naglakad pabalik sa Palasyong nakatalaga sa kanya at kinuha ang nakatagong pana at palaso niya. Umakyat ang tagasilbeng ito sa pinakamataas na bahagi ng Palasyong kaniyang tinutuluyan at nagmasid roon. Sa kabilang dako naman, sa loob ng Palasyo ng Mahal na Prinsipe. Kakagising lang nito at agad na nakaramdam ng pagkain. Agad naman siyang pinagsilbihan hanggang sa matapos siyang kumain at napagdesisyunang magpahangin muna. Kakalabas lang niya ng makita niya mula sa kalayuan ang isang pamilyar na pigura ng isang taon na kanyang pinapahanap. Agad niyang pinaalis muna sandali ang mga tagasilbe, ng masiguradong wala ng makakita sa kanila ng taong yun humakbang ang Mahal na Prinsipe pero agad siyang napaatras ng may tumamang pana sa gilid ng sintido niya at ang palaso namang iyon ay nakabaon sa pintuan ng kaniyang Palasyo. Agad siyang napatingin ulit sa lugar na kinatatayuan ng taong kaniyang nakita kanina pero wala na ito sa kaniyang kinatatayuan. Gulat man ay dahan-dahang kinuha ng Mahal na Prinsipe ang palasong nakabaon sa pintuan dahil sa nakita niyang papel na nakapulupot nito. Dahan-dahan niya itong binuklat at binasa.

'MAG-INGAT KAYO MAHAL NA PRINSIPE MAY MGA TAONG NAGTATANGKA SA IYONG BUHAY'

Ang nakasulat sa papel na hawak niya.

"Lu?" Tanong niya sa sarili kong tama ba ang hinala niya pero hindi dahil batid niyang parang may kulang.

PRINCE PERI'S POV

Ilang araw na ang lumipas pero patuloy ko paring pinag-aralan ang natanggap kong balita mula sa sino mang nagpadala nito. Dahil sa sobrang kaguluhan ay lumabas nalang muna ako at nag-ikot-ikot sa palasyo. Habanag naglalakad ay narinig kong usapan ng mga damang nagwawalis sa isang hardin dito sa loob ng palasyo.

"Oo nga, sigurado akong napag-utusan lamang siya lalo't hindi naman iba ang ganyang pangyayari dito loob ng palasyo" Rinig kong sabi ng isang dama. Agad akong napatingin kay Luwen.

"Muli po kasing nadakip ang isang dama Mahal na Prinsipe dahil napag-alamang sinubukan nitong lasunin ka" Nakayukong sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya, saka ko naalala ang sulat na aking natanggap. Sa pagkakaalala ko sinabi nitong may nagtangka raw sa aking buhay.

"Saan dinala ang damang ito?" Agad kong tanong.

"Sa palasyo ni Lady Sue po Mahal na Prinsipe" Mabilis akong naglakad ng marinig ko ang sagot niya, sana mali lang tong iniisip ko. Posible kaya na ang taong nagpadala sa akin ng sulat at ang taong nagtangkang lasunin ako ay iisa?

Ng makarating ako sa palasyo ay agad inansyo sandali ang pagdating ko saka ako pumasok sa loob. Nakita ko sa loob si Lady Sue habang tinatapakan sa kamay ang dama na kilala ko, siya yung damang huling naparusahan dahil sa akin.

"Mahal na Prinsipe" Sandaling nagulat si Lady Sue ng makita niya ako pero agad din siyang ngumiti saka ako binati ng maayos.

"Ano po ang magagawa ko para sa inyo Mahal na Prinsipe?" Nakangiting sabi sa akin ni Lady Sue.

"Wag mo siyang saktan" Tanging sabi ko lang saka sinenysan ang aking mga dama na dalhin ang nakayukong dama ngayon na nasa harapan ko.

"Pero Mahal na Prinsipe ang damang iyan ay malaking kasalanang ginawa laban sa atin, laban sayo!" Sabi ni Lady Sue. Napailing nalang ako.

"Ako na mismo ang magpaparusa sa kanya lalo't ako naman ang tinangkaan niyang gawan ng masama" Sabi ko saka umalis sa Plasyo ni Lady Sue agad akong dumiretso sa aking Palasyo saka ko inutusang magsialisan muna ang lahat. Ng matiyak kong wala ng ibang tao agad akong napatingin sa damang nakayuko sa aking harapan saka ko siya tinanong.

"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya sabay lapag ng papel na ilang araw ko na ding pinagaaralan kong sino nga talaga ang nagpadala sa akin. Napatingin naman sa akin ang dama at ngumiti sa akin ng kunti na siyang nakapag-pagaan ng kalooban ko.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon