Chapter 32

41 2 0
                                    

NARRATOR'S POV

2 taon ang lumipas.

Bitbit ang magagandang bulaklak. Nakangiting lumabas si Prinsipe Peri saka niya tinanaw ang maraming tao na kasalukuyang naghahanap ng pwesto sa malawak lugar sa harapan ng Palasyo upang salubungin ang bagong taon.

"Magbigay galang sa Mahal na Hari!" Agad na napatingin ang lahat sa akin at napayuko.

"Maligayang bagong taon Mahal na Hari" Bati nila. Nakangiti ko namang itinaas ang aking kamay upang tumayo na sila ng maayos.

"Maligayang bagong taon sa ating lahat" Sabi ko sa kanila. Nagbatian din ang lahat.

Umupo nalang muna ako sa aking upuan habang nililibot ang aking paningin.

"Siguradong naghahanap pa iyon" Nakangiti kong tinignan si Ama kasama niya sina Mang Merlan at yung iba pang kasapi sa pamilya ni Fu saka sila umupo sa mga bakanteng upuan.

"Ganun po ba? Malapit na kasing magsisimula" Sabi ko saka nagpatuloy sa paghahanap.

"Itay!" "Tay!"

Agad akong napangiti ng makita kong tumatakbo ang kambal kong anak papalapit sa akin. Binati din sila ng mga tao bago sila tuluyang makalapit sa mesa.

"Karga po!" Sabi ni Mila habang nakataas pa ang kaniyang mga braso, ang babae kong anak.

"Tay ako rin!" Siyempre hindi nagpapaawat ang kakambal niyang si Andi.

Kakargahin ko na sana sila ng biglang nagsitayuan at yumuko ang lahat para bumati sa taong kanina ko pa hinahanap.

"Maligayang bagong taon Mahal na Reyna" Bati ng lahat. Nginitian lang sila ni Fu kahit na bakas sa hitsura niya ang pagod.

"Maligayang bagong taon din sa inyo. Nawa'y nagustuha niyo ang mga pagkain at mamaya may paputok na magaganap" Nagsitanguan lamang ang lahat. Nakahawak sa bewang na lumapit sa amin si Fu, isa-isa niya pang binati ang kapamilya niya at si Ama bago siya tumingin sa akin at hinalikan ako.

"Maligayang bagong taon Mahal ko" Nakangiti niyang bati sa akin. Niyakap ko siya habang nasa pagitan namin sina Mila at Andi.

"Maligayang bagong taon rin sa iyo mahal ko at sa dalawa kong makukulit at pinakamamahal kong mga anak" Bati ko sa kanila.

Nagkaroon kami ng salo-salo kasama na ang lahat ng mga mamayan sa kahariang ito. Maya-maya lamang ay natapos na din kami at kasabay nito ay ang pagputok ng mga makukulay na paputok sa kalangitan.

"Maligayang bagong taon!" Malapad na ngiti ang gumuhit sa aking mukha ng marinig ko iyon sa mga taong nasasakupan ko at masayang idinaos ang bagong taon.

Napatingin ako kay Fu habang karga niya si Mila at nasa akin naman si Andi. Niyakap ko siya sa bewang gamit ang libreng braso ko saka siya hinalikan sa sintido.

"Mahal na mahal ko kayo Fu" Mahinang bulong ko at napatingin naman siya sa akin saka ako ningitian.

"Mahal na mahal na mahal din ko kayo" At saka kami naghalikan sa ilalim ng nagkukulayang at nagliliwanagang paputok sa kalangitian lalo na sa harapan ng aming nasasakupan, narinig ko pa ang ilang tumili habang ang mga kasamahan namin sa mesa ay napatikhim nalang.

"Ina! Itay!" Natatawang tawag sa amin ng aming mga anak saka sila nagsiyakapan sa amin ng mas mahigpit, inakbayan ko din si Fu at sabay na naming sinalubong ang bagong taon, bagong pag-asa, at ang bagong buhay ko.

At wala na akong maihihiling pa.

Ngayong nakalaya na ako sa hawlang pinagkukulungan sa akin, gagawin ko ang lahat upang mananatili ang kaayusan ng lahat. Ipinapangako ko din sa aking sarili na sa bawat segundo ng buhay ko ay pupunuin ko ng pagmamahal ang aking pamilya hanggang sa huling hininga ko.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now