Chapter 11

17 1 0
                                    

NARRATOR'S POV

Ng bumalik na sa kaniyang Palasyo ang Mahal na Prinsipe agad namang nagsitungo ang mga nagkagulong gwardiya sa Palasyo ni Lady Sue.

"Nagawa niyo ba?" Tanong ng isang babaeng nakatalikod habang tinitingnan ang isang mahaba, malinaw at matalim na espada.

"Nakita po namin ang isang babae"Sabi ng isa sa mga gwardiya. Napatango naman ang babae saka may inihagis sa kanila na maliit na sako ng barya.

"Ako na ang bahala" Sabay-sabay na nagsitanguhan ang mga gwardiya at lumabas sa palasyong iyon. Habang ang babae naman ay dumiretso sa Palasyo ng Hari at doon niya kinausap ito.

"Mahal kong Hari, napapansin ko lamang na ang ating Mahal na Prinsipe ay wala paring nakikitang kaniyang magiging prinsesa kahit na ilang taon na siyang kinoronanhan bilang iyong tagapagmana" Nakangiti at tila ng aakit nasabi ng babae, si Lady Sue.

"Kung gayun anong ang gusto mong sabihin?" Mas lumawak ang ngiti ni Lady Sue habang hinihilot niya sa likuran ang Mahal na Hari na ngayo'y naghahanda na sana para matulog.

"Nais ko po sanang ako na mismo ang pumili ng mapapangasawa niya kahit na hindi kilala ang pamilya nito" Bulong ni Lady Sue sa tenga ng Mahal na Hari.

"Kung gayun ibinibigay ko sayo ang aking pahintulot" Marahang hinalikan ni Lady Sue sa tenga ang Mahal na Hari bago siya tumayo at bahagyang yumuko sa harapan nito.

"Maraming salamat po sa iyong paghintulot sa akin, makakaasa po kayong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa ating kaharian at para sa Mahal na Prinsipe, Mahal na Hari" Pagpaalam nito bago tuluyang nilisan ni Lady Sue ang Palasyo ng Hari.

"Ngayon ay magsisimula na ang iyong pagbagsak Mahal na Prinsipe" Mahinang sabi ni Lady Sue sa kaniyang isipan habang naglalakad siya pabalik sa kaniyang Palasyo kasama na ang kanyang mga tauhan.

PRINCE PERI'S POV

Hmm. Ano kaya ang magandang gagawin namin ni Fu ngayon? Ilang araw ko palang siyang hindi nakikita pero parang taoon na ang lumipas. At sa bawat araw at gabing dumadaan mas lumalabong ang pagmamahal na aking nararamdaman para sa kanya.

"Luwen, ano kaya ang magandang ibibigay sa isang taong espesyal sayo?" Nakangiti kong tanong habang inilibot ang aking tingin sa isa sa pinakamagandang hardin dito sa loob ng kaharian.

"Yung bagay na nagmula sa iyong puso Mahal na Prinsipe" Napatango-tango ako sa aking narinig. Mula sa aking puso?

"Para kanino mo pala niyo ibibigay iyon Mahal na Prinsipe?" Napatingin ako sa kanya.

"Sa taong nagpapasaya sa akin" Tanging sagot ko lamang at agad namang bumakas sa kanyang mukha ang saya at pagkagulat.

Nagpatuloy paako sa paglalakad. Maya-maya lamang ay lumapit sa akin ang isa sa mga taga-silbe ng Mahal na Lady Sue.

"Mahal na Prinsipe, pinapatawag po kayo ng Mahal na Lady Sue upang makilala niyo ang iyong mapapangasawa" Sabi ng taga-silbe na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

"Mapapangasawa?" Gulat kong tanong sa kanya na agad naman niyang tinanguan. Mabilis akong naglakad papunta sa Palasyo ni Lady Sue.

Kung may tanging babae lamang na gusto kong pakasalan ay si Fu lamang iyon at wala ng iba pa pero imposible dahil alam kong malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Fu sa oras na matatali na siya dito sa loob ng kaharian, alam kong hindi lamang ang mga tao sa labas ng kaharian ang nais pumatay sa amin, maging ang mga tao na din na naninirahan dito. At hinding-hindi ako makakapayag na may masamang mangyayari sa taong espesyal sa akin.

Hindi ko hahayaan ulit na makitang dahan-dahan mawalan ng buhay ang mga mata ng aking mga minamahal. At kahit ikakapahamak ko pa man. Pangakong gagawin ko ang lahat mapabuti lamang ang kalagayan mo Fu.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora