Chapter 1: Simula

17.5K 877 326
                                    

Bago kayo magsimula. Gusto ko lang sabihin sa inyo. Na 'wag niyo pong gagayahin ang mga pinagsasabi ng mga karakter na nandito sa kwento kung alam niyong mali ito. Merong mga scene or mga dialogue rito na nakakawalang galang.

Please lang 'wag niyo ho sanang gayahin iyan sa real life. Ang kwento na nandito ay panatilihin na dito.

Love,

Miss Shang

***

TGISM: CHAPTER 01

THEA GARCIA POV

Nandito na kami sa cafeteria. Ang kaibigan ko kinikwento niya kay 'insan ang mga kalukuhan ko raw sa loob ng classroom kaya wala silang tigil kakatawa. Hindi ko alam kung saan ang nakakatawa.

"Talaga ginawa niya yan?" tanong ni Kuya Marcel.

Tumango lang si Heart at nagpatuloy lang sa pagkwento ngunit ito ako kumakain lang at walang pakialam sa paligid. Ba't ba kasi ang tamad ko? Wala naman akong ginagawa pero pagod ako.

Nang matapos na ang recess ay pumasok na kami sa next subject. Gano'n pa rin, wala akong ganang mag aral.

Discuss lang nang discuss si sir pero wala pa rin ako sa tamang pag-iisip nasa kabilang planeta pa rin.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa klase, boring kasi ng math e. Value raw ni x, pake ko kay x? Naramdaman ko nalang na may tumapik sa pisnge ko.

"Hmm!" ungol ko at nilipat ng pwesto ang ulo ko.

"Miss Garcia!" Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko ng biglang sumigaw si Sir.

"Ba't ka natutulog sa klase ko?" galit na tanong n'ya.

"Kasi inaantok ako."

"Ang bastos mong bata ka!"

"'La? Ba't inaano kita? Kinantot ba kita?" Tumawa naman ang mga kaklase ko, padabog namang lumabas ito pero bago 'yon, may sinabi siya na makakasira ng kinabukasan ko. "Go to the Dean's Office miss Garcia."

PATAY LAGOT AKO!

Nakita ko naman si Heart na nagtitipa sa cellphone niya sana all gumagamit ng phone kahit nasa classroom. Mamaya pa kasi ako pupunta sa Dean Office. "Online siya?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa 'kin at tumango saka ngumuso. May Rp kasi ang babaeng 'to ta's may jowa pa siya pero sa RP lang siya may jowa, sa real world wala.

"Online pero 'di ka chinachat?" Pang aasar ko tiningnan niya naman ako ng nakakamatay na tingin. Sorry pero si Thea Garcia 'to, 'di ako takot. "Okay lang 'yan." Tinapik ko ang balikat niya. "Aso nga kulay brown pangalan whitey."

Binatukan niya naman ako kaya hindi ko mapigilang mapanguso, ang sakit kaya niya mambatok.

"Wala kang load?" tanong ko kay 'insan Leo. Kakalabas ko lang sa classroom para takasan ang masamang tingin ni Heart sa 'kin. Nasa Cafeteria ako para sana kumain tapos saktong nakit ko si Leo. Tumango naman si Leo bilang sagot.

"Anong number mo loloadan kita," nasa harap ko ngayon ang kamay kong nakabuka. "Bilis!" Sigaw ko dahilan para mataranta siya at agad tumingin sa cellphone niya para ibigay sana ang number niya. "Bilis! Minsan lang ako magbiro." Napatigil siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin. Nag piece sign ako, para sabihing bati kami.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now