Chapter 46: Darrel Chau

4.9K 283 26
                                    

TGISM: CHAPTER 46

Balik skwela na ngunit ganito parin si Thea ang cold parin niya. Siya ang pumalit kay Nious.

Kung napaka Halimaw ni Nious mas doble kay Thea. Mas humigpit ng sobra ang rules. Na pag may nalaman siyang lumalabag sa rules bibigyan ng 1st warning pero sa susunod papatayin na niya.

Walang makakaligtas sa kaniya papatayin niya lahat.

Nandito kami sa office ni Nious na ngayon ay office na niya rin. Nakaupo kami habang nakatingin lang sa kaniya.

"May new transfery boy?" tanong niya habang ang tingin ay nasa isang folder parin.

"Yes He's Darrel Chau," sagot ni Yuno. "Half Japanese Half British."

Tumango naman si Thea at binuklat ang isang libro. Ipinatong niya ang isa niyang paa sa mesa kaya napalunok kami. Girl version talaga siya ni Nious.

"Papasukin niyo si Darrel," utos niya.

Tumango naman sila at pinapasok ang Darrel na iyon. Nagulat kami sa nakita may kahawig siya.

Ngumiti siya sa 'min saka mas lalong lumaki ang ngiti niya ng makita si Thea. Hindi nakatingin si Thea sa kaniya kaya malaya siyang mapagmasdan ito.

"Last stare and you'll die," pagbabanta ni Thea.

Kaya nag iwas ng tingin si Darrel saka na siya umupo.

"Name?" tanong ni Thea habang ang tingin ay nasa folder parin.

"Darrel Chau," nag angat siya ng tingin.

Saka gulat na tumingin sa lalaki. Nakangiti lang sa kaniya si Darrel habang siya ay nakakunot ang nuo. Saka siya palihim na umiling at tiningnan ulit ang folder.

"You're belong?" tanong niya.

"Gusto ko sa Section Iron," sagot ni Darrel.

Kaya lahat kami napatingin sa kaniya. Bakit gusto niya sa Section Iron eh hindi naman siya Schoolar. Saka pwede naman siyang ma belong sa Section Monster oh di kaya'y sa Silver?

Bakit sa lahat ng Section ay Iron ang pinili niya?.

Nagulat kami ng tumango si Thea. Seryoso? Pinapayagan niya? Patapon niyang binigay kay Darrel ang folder.

Gwapo si Darrel. May makapal na Eye glasses siya ang kapal ng kilay niya may braces siya saka magulo rin ang buhok at ang badoy niya manamit.

"Section Iron," sabi ni Thea saka siya tumayo at hinarap si Darrel.

Lumapit siya rito at tinanggal ang eye glasses ng lalaking nerd na 'to.

"Kung baliw ako sasabihin kong kahawig mo si Nious." Huling sabi ni Thea at umalis.

'Yun nga! Kaya pala parang may kamukha siya. Kahawig niya si Nious.

. . .

THEA GARCIA POV

Kamukha siya ni Nious kaboses din. Tsk! Tsk! Tsk!.

Tangina ang sakit parin ng ulo ko. Ilang araw na 'to. Ang sakit ng ulo ko na para bang mabibiyak.

"Okay kalang Miss?" napatingin ako kay Darrel.

Akmang hahawakan niya ako ng itinaas ko ang kamao ko at pinakita sa kaniya kaya tinaas niya ang  dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Easy," natatawang sabi nito. "Mukha ka kasing nahihilo."

"Wala kang pakialam Transfery," madiing sabi ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now