Chapter 60: Girls

4.3K 251 1
                                    

TGISM: CHAPTER 60

Nagising ako sa halik ng anak ko. Kaya napamulat ako at ngumiti ng siya ang bumungad sakin.

"May school kapa daddy diba?" tanong niya sa 'kin napangiti ako ng hindi na siya na bulol. "Magaling na akong mag salita Daddy," masayang sabi niya.

Kaya tumango ako at pinisil ang pisnge niya saka ako tumayo. Ngunit nawala rin ang ngiti ng maalala kong ngayon na pala ako aalis.

"Baby ilang araw munang mawawala si Daddy ha," sabi ko sa kaniya at lumuhod. "Always remember—"

"Daddy loves you." Pagputol niya sa sasabihin ko kaya napangiti ako at tumango saka ko pinisil ang pisnge niya at nagtungo sa banyo para maligo.

Ng matapos akong maligo ay nagtungo naman ako sa closet room at nagbihis ng all black. Ng makabihis na ako ay napatingin ako kay Tyron.

Nakapameywang siya habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa suot ko.

"May lamay po ba Dad?" tanong niya.

Kaya napatawa ako at umiling hinalikan ko siya sa Nuo at sabay kaming bumaba at kumain.

"Yaya pakibantayan lang si Tyron ha."

"Opo sir ako pa po ba," sabi niya sabay tawa kaya napangiti ako.

"You know Daddy yaya have a suitor," sumbong niya sa 'kin.

Pinandilatan naman siya ni Yaya Beth kaya napatawa ako at ginulo ang buhok ni Tyron.

"Mag ingat ka Yaya marami na ngayong lalaking manloloko," pagpaalala ko.

"Ah opo sir," sabi niya at kinamot ang batok niya.

"Sumabay kana sa 'min," sabi ko sa kaniya.

"Aba hindi kuna tatangihan yan."

Sabay kaming napatawa. Saka na kami kumain. Ng matapos kami ay iniwan kuna roon si Tyron sa yaya niya at nagtungo sa mansiyon ni Tyler.

"Ohh nandito ka?" tanong ni Tyler habang nakadikwartong nakaupo at nakatingin sa akin. "Saan ka galing at isang linggo kang nawala?"

"Sa anak ko... Syensa na at tumakas ako na miss ko lang ang anak ko."

Napabuntong hininga naman ito saka tumango at tumayo. Nilapitan niya ako at tinapik ang balikat ko.

"Bantayan mo sila," sabi niya sa 'kin.

"S-sinong sila?" tanong ko.

"Sila! 'Yung mga babae."

Nabuntong hininga nalang ako at tumango. Ngumiti siya saka siya umalis. Kaya nagtungo ako sa isang kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Thea na puno ng pasa.

Demonyo siya. Nag angat ng tingin si Thea at galit na tumingin sa akin saka siya lumapit at sinampal ako. Kaya napatabingi ang ulo ko.

"DEMONYO KA! IBALIK MUNA AKO KAY NIOUS!" galit na sigaw niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka ko sinirado ang pinto at pinaupo siya sa kama. Umiiyak siya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang nga palad niya.

"Makinig ka sa 'kin," sabi ko sa kaniya.

"Ayaw ko!" madiing sabi niya. "Hinding hindi na ako makikinig sa 'yo! Hindi na ako magtitiwala sa 'yo! Kasi demonyo ka!" walang tigil niyang sigaw.

Kaya napabuntong hininga nalang ako. Mukhang mahihirapan akong makuha ulit ang loob ni Thea. Oo gusto ko siya pero gusto ko lang siya, mahal ko ang girlfriend ko, na patay na.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now